Kabanata 35

29.3K 764 154
                                    

Kabanata 35

Bed

"Good morning, sweetheart." he kissed me on my cheek.

May hawak siyang cake at maganda ang disenyo nito. Chocolate cake na may iba't ibang kulay sa paligid. Tingin ko ay siya ang gumawa nito. That's his new hobby, baking.

He handed me the cake. Napakurap lang ako at tinignan ito. "Hmm, para saan 'to?"

Tinignan ko ang cake at may nakasulat roon. It says, "Marry me on Sunday."

What? Is he serious? Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil una sa lahat, kakagising ko lang at medyo wala pa ako sa aking sarili. Pangalawa, kasal kaagad ngayong darating na Linggo? How about the preparations and all? How about that?

Hindi naman sa ayaw ko siyang pakasalan. Nagulat lang ako dahil binigla niya ako masyado sa malaking chocolate cake na 'to.

"I will marry you, Syl." nakangiti kong sabi sabay lapag ng cake sa aming side table.

Hinila ko paupo si Syl sa kama at hinawakan ko siya sa kamay. Mag-lilimang linggo na simula nang magsama kami ni Sylvester. Ang kambal namin ay parehong malusog at mabuti, lalo na si Psamathe. Mas matakaw si Diez kaysa kay Tres na mas gustong natutulog lang.

"How about the preparations? Friday na kaya..." sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Hinanda ko na ang lahat," he smiled at me. "I don't want to stress you so I did everything on my own."

Napanguso lang ako. "Paano ang susuotin ko?"

"Trust me, Nep. Kabisado ko ang sukat mo." inangat niya sa tapat ko ang kaniyang kamay at humulma ng bilog at umaasta pang parang may sinusukat. "Oh, sakto lang naman sa dibdib at baywang mo 'yon,"

Hinampas ko siya sa kaniyang dibdib dahil sa kahalayan ng kaniyang utak. Lagi talaga siyang ganito pero ayos lang din naman. Maloko talaga ang isang ito.

Inakbayan ako ni Sylvester at ilang beses na hinalikan sa pisngi. "You just have to ready yourself and marry me on Sunday, sweetheart."

Tumango na lang ako dahil wala naman akong planong tanggihan siya. Wala akong ibang pakakasalan bukod sa kaniya. Siya at siya lang din.

"Baka naman masyadong engrande itong ginawa mo? Sayang sa pera-" pinutol niya ang sasabihin ko sa pamamagitan ng isang halik.

Napasinghap pa ako at napahawak sa kaniyang dibdib dahil sa marahang pagkagat na ginawa niya sa aking pang ibabang labi bago niya ito binitawan.

"It's fine. I want everyone to know that you're going to get married to me. Ako at ikaw lang sa dulo, hindi sila kasali." aniya at kinurot pa ang tungki ng aking ilong.

Wala namang aagaw sa akin sa kaniya. Hindi naman ako ligawin ng mga kalalakihan at bukod kay Atheo, si Sylvester na ang sumunod. Kahit noong wala siya sa tabi ko ay wala rin namang lumalapit.

Maybe they find me intimidating? And besides, I hate public attention and that's the reason why it took me years to reveal my face in front of my readers.

"Take a bath, Nep. We will be having a mini celebration with my family. I'm going to wait for you outside, okay?" aniya at hinalikan muna ako sa noo bago ako iniwanan.

Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang maisip si Nanay. Majority of my memories with her were all dark and full of pain. But that particular memory where in she sacrificed her own life just to save me from Uncle Julio's hands, it changed everything.

She may not be the perfect mother but I will always love her with all of me. Wala ako ngayon dito kung hindi niya ako iniligtas noon. Hiling ko ay sana masaya na siya kung nasaan siya ngayon.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon