Kabanata 28

25.2K 687 156
                                    

Kabanata 28

Beg

They put Sylvester to sleep because his head were aching for hours already. I couldn't do anything but to cry while watching him suffer. Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan niya. Wala akong ideya na habang inaalagaan niya ako ay napapabayaan naman niya ang sarili niya.

This is just too heavy for me.

"You need to go home," narinig kong sabi ni Devy na nakatayo sa gilid ko.

Hindi ko magawang iwanan si Sylvester. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya na magkakaroon na kami ng anak. I want to encourage him to take the operation for him to get better. Our child needs him and I need him too!

Hindi ko na alam ang mangyayari kung pati siya ay mawawala sa akin.

"6 years ago, umuwi siya para magpatingin sa doctor. He found out that he's suffering from a major head injury at may namumuong dugo sa ulo niya." biglang paliwanag ni Devy.

Kaagad na uminit ang sulok ng aking mga mata. Ang tagal na pala niyang tinitiis ito. Ilang taon na rin pala at hindi ko man lang nahalata.

"Right after your marriage, he decided to take an operation but it's risky, Neptune. Nasa sampung porsyento lang ang pag-asa na mabubuhay siya kaya ang ginawa niya ay therapy na lang, to prolong his life, to be with you until you're okay..."

Pero hindi ako naging maayos. Noong iniwanan niya ako ay mas nawasak ang buong mundo ko. I almost killed myself because I thought that it'ss the easiest way to do.

"He is dying, Nep. He needs to take the operation right away," malungkot niyang sabi.

"B-bakit ayaw niya?" humihikbi kong tanong.

"Wala na siyang makitang dahilan para lumaban pa."

Napahagulgol ako sa aking narinig. Sunod-sunod at hindi ko na mapigilan pa. Parang pinipiga ang puso ko habang tinitignan si Sylvester na sapilitang pinatulog para lang hindi niya maramdaman 'yong pananakit ng kaniyang ulo.

"I know you're pregnant, Neptune. Pamangkin ko ang dinadala mo kaya umuwi ka na," diretso niyang sabi sa akin kaya umiling lang ako.

"Can I stay here? Kahit mag-rent na lang ako ng room sa tabi nitong room ni Syl?" kulang na lang ay mag makaawa ako sa kaniya para lang payagan niya ako.

Si Felly ay umuwi kasama ni Atheo para kumuha ng gamit sa bahay. Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila na hindi ako uuwi, mananatili ako sa tabi ni Sylvester. He was there when my life was in danger, I want to stay here until he's okay. I think it's time for me to do the first move.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na sana ako na lang 'yong nagkaganito. Kung hindi niya naman ako niyakap noon ay baka ako ang humampas sa bakal at hindi siya. Ako sana ang nakaratay niya ngayon at hindi siya. Hindi hamak na mas mabait siya kaysa sa akin na makasalanan.

Napayuko ako at muling umiyak.

My mother died because she saved me. Uno died because I was careless. And now, Sylvester's dying because of me. I am a jinx. Ako ang laging may kasalanan kaya ganito ang mga nangyayari.

Kasalanan ko na naman.

Lumabas muna kami ni Devy dahil kailangan siyang suriin ng doctor. Kierra is his personal nurse. It made sense that she was with him 5 years ago. Kaya pala lagi siya nitong sinasamahan dahil ito ang nag-aalaga sa kaniya.

"Am I allowed to have a room?" mahina kong tanong kay Devy.

She nodded.

Habang naghihintay ako sa lobby ay may biglang lumapit na lalaki kay Devy. He is pretty neat yet masculine guy. Moreno at maayos ang kaniyang gupit na lalaking-lalaki ang dating. He's also wearing some glasses, baka malabo ang mata. Kung ako ang tatanungin ay taagang gwapo ang isang ito lalo na't kaswal na puting button down shirt lang ang suot at nakatupi hanggang sa kaniyang siko. Kahit ang pang ibaba nitong maong pants ay bumagay sa porma niya.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon