Chapter 21

116 15 6
                                    

Ayieka's POV

Tiningnan ko ang sarili ko sa harapan ng salamin sa loob ng banyo. naligo kasi agad ako pagkauwi ko.

hindi ko alintana ang tubig na dumadaloy mula sa buhok ko papunta sa katawan ko.

paano nangyaring muli kong nakita ang mukha niya sa ikalawang pagkakataon? paano?

maraming tanong nabuo sa isipan ko pero hindi ko alam kung kanino ako dapat magtanong o kung may sagot nga ba talaga sa lahat ng agam agam sa isipan ko.

tatlong taon na ang lumipas.

pero ganito pa rin ako.

wala paring nagbago.

hindi pa rin nakakalimot.

patuloy pa ring nasasaktan,

at umaasa na sana hindi ito totoo,

na sana panaginip lang lahat.

akala ko sa paglayo ko ay makakalimot ako pero peste, patuloy pa rin pala sa pagsunod ang anino ng kahapon ko.

d(>_<)b...

Putanginang buhay! ganon ba ako kasama para maranasan ko ang ganito ka buset na pangyayari sa buhay ko?

napaka unfair ng buhay. paksyeeet!

mariin akong pumikit pero sa pagpikit ko, ang alaala ng nangyari kanina ang naglalaro at nagpaulit ulit sa utak ko.

d(……)b...

'Roach'

"b—bakit?" mahina at garagal na tanong ko sa sarili."p—paano mo'to nagawa sa akin?"

randam ko ang sariling mga luha sa pisngi ko, kahit ni isa ay wala akong pinunasan. hinayaan ko lang ang mga luha ko na sumabay sa pagdaloy kasama ang mga tubig mula sa pagkakaligo ko.

ilang beses ko pang inulit ang mga salitang yun saka ko muling iminulat ang mga mata ko.

mariin kong kinagat ang pangibabang labi ko nang makita ko ang sarili kong mga mata na puno ng luha.

'Hanggang kailan ako dapat umiyak? hanggang kailan ba ako masasaktan? hanggang kailan ba matatapos lahat ng paghihirap ko?'

nang wala akong mahagilap na sagot sa mga katanungan ko ay lumabas na ako ng banyo.

dumiritso agad sa kwarto pagkalabas ko at nagbihis. iginala ko ang paningin sa kabuuan ng silid, para kasing may kulang. saka ko lang naalalang....

d(O_O)b...

naiwan ko pala ang gitara at ang bag ko sa backstage. dammit!

"na lintikan na!" mura ko ng maalala kong sa bag ko nga pala inilagay ang envelope na naglalaman ng impormasyon tungkol kay steven.

'Ang tanga ko. tangina! sana walang magkaenteres na buksan ang bag ko. fvck talaga!'

kinuha ko ang jacket na nakasabit sa pintuan ng cabinet ko pati na rin ang susi sa ibabaw ng lamesa saka ako mabilis na lumabas ng apartment.

ilang beses pa akong nagmura sa isipan ko habang sinusuot ang jacket habang nakasakay sa motor, saka ko lang pinaandar ng matapos ako.

hindi nagtagal ay narating ko na ang gate ng E.U, may ilang parti ng ilaw sa student lounge na nakapatay na at isa lang ang ibig sabihin non, magsasara na ang paaralan.

Tears of an angel (ON-HOLD)Where stories live. Discover now