Chapter 19

281 19 2
                                    

A/n: This chapter is dedicated to my younger brother at sa pinsan kung petite na nag-aaway ngayon sa harapan ko habang ginagawa ko ang chapter na'to.

Steven's POV

Pagkatapos ng pag haharap namin ni ayieka ay lumabas na ako sa E.U at hindi na bumalik sa klase.

sumakay agad ako sa kotse ko pagkarating ko sa parking lot at pinaandar yun.

napangisi ako nang muli kung naalala yung tagpo kanina.

sinong mag aakalang hindi ako nakahuma sa sobrang bilis ng galaw niya kanina,

ako na kilala sa larangang ginagalawan at pinagmulatan ko.

ako na bata palang ay sinanay na sa mission na ganito.

nakakabilib isipin na nagawa niya yun sa akin ng walang kahirap hirap.

tama nga sila sa sinabi nilang kayang kaya mo akong sugatan sa mabilisang paraan.

masyado kang mabilis para sa isang ordinaryang babae ayieka.

Pagkarating ko sa under ground society at dumiritso na agad sa pribadong kwarto kung saan laging nagaganap ang mga private meetings and transactions.

I swipe my card at bumukas na ang pinto. lahat sila ay napatingin sa akin.

damn. mukhang sasabunin ako ng mga usisa ngayon ah.

isinarado ko ang pinto at pumasok na sa loob, ramdam ko ang mga titig nila sa bawat hakbang ko.

dumiritso na ako sa upoang inilaan para sa akin.

"Have you met them already?" agad na tanong sa akin pagkaupo ko.

"I already did" sagot ko. rinig ko naman ang pag tikhim ng tao sa harapan ko.

"How was it?" tanong ng isa pa sa na otoridad na boses.

"Good" tipid na sagot ko. napangisi ako nang marinig ko ang malakas na pag hampas sa mesa sa isa sa mga nasa loob.

~BLAAAAG!!~

"That's not exactly the words we wanted to hear from you!" sigaw pa nito. umiiling naman ang tatlo pa sa harapan ko.

mas lalo akong napangisi.

"Chill nine, hindi ba uso ang salitang yun sa'yo?" sarkastikong saad ko. ikinuyom naman nito ang kamao niya. sa lahat ng taong kilala ko sa organisasyon na'to, si nine lang ang hindi ko nakakasundo.

"This is not the right time to joke around seven" may bahid iritasyon ang boses nito.

"who says I'm joking?" diritsong sabi ko. sanay na ako sa ganitong usapan namin ng gagong 'to."masyado kang seryoso e"

"dahil puro ka paligoy ligoy, seryosong sagot ang gusto naming makuha sa'yo kaya yun ang sabihin mo"

"You don't have the right to order me around nine, tandaan mo mas mataas pa rin ang posisyon ko sa'yo" dumilim ang mukha niya sa sinabi ko."matoto kang rumespeto sa nakakataas sa'yo"

"Enough with that shits" pagpapatigil sa amin ni fifth pero mukhang ayaw atang patalo ni nine dahil hindi man lang ito nakinig.

"Mas mataas ka nga sa akin pero hindi mo naman ginagampanan mg mabuti ang posisyon mo"

"I said stop!" pero hindi rin ako nagpapigil. hindi ako papatalo sa gagong 'to.

"sarili mong posisyon ang atopagin mo gago!"

Tears of an angel (ON-HOLD)Where stories live. Discover now