Naghagilap din ako ng gagamitin sa project ng kapatid niyang si Shena. Itong mga art paper, water color, styrofoam, craft papers at kung anu-ano pa ay mga ipinabili niya. Marami pang nakalista sa cellphone ko na tinext niya. Kandaduling na ako sa gutom bago ko nahanap ang mga ito. Magkakalayo kasi ang mga tindera ng bawat isa.


Isa-isa kong inilapag sa sahig ang bitbit ko. Ang ilan kasi ay nakaipit lang sa kili-kili ko. Ang mga naka-plastic naman ay nakabitin sa magkabila kong braso. Meron din naman na inipit ko lang sa baba ko.


"Nandito ka na pala." Nakangiti sa akin ni Marlon. Mukhang good mood siya ngayon.


"M-may towel ka ba riyan? Pupunasan ko lang sana ang pawis ko." Napansin ko kasi ang towel na nakapatong sa unan niya.


Dinampot niya iyon. "Wala, eh. Ginagamit ko kasi ito."


Tumiim ang mga labi ko. Pinunasan ko na lang ang pawis ko sa noo gamit ang aking braso.


"Baby, baka may pera ka diyan, pahingi naman," Hinuli niya ang pulso ko.


Napapikit ako. Paano ba? Ang laki ng nagastos ko sa mga pinabili niya. Baka maubos ko na ang na-advance ko kay Rix. Hindi ko pa nga alam kung may sasahurin pa ako.


"Meron pa naman. Kaya lang magbabayad ako ng upa at kuryente, eh." Kumamot ako sa ulo.


"Martina, baby, baka naman puwede nating bawasan 'yan? Kahit isang libo lang." Yumakap siya sa bewang ko at sumubsob sa tiyan ko. Nakatayo ako at siya ay nakaupo sa hospital bed.


Napabuga ako ng hangin. Dinukot ko ang wallet kong malapit ng magkagutay-gutay at humugot ng dalawang five hundred. Halos ayaw pang bumitaw ng salapi sa wallet ko. Parang may sariling isip at nagsasabi sa akin na may paggagamitan daw ako na mas mahalaga.


"Salamat. Kahapon pa kasi ako hindi nakakapag-yosi." Malawak ang ngiti ni Marlon nang tanggapin niya iyon.


"Yosi?"


Tumango siya.


"'Di ba hindi ka na naninigarilyo?" Hinawakan ko siya sa kamay. "'Di ba bawal kang manigarilyo? Nagagagamot ka. Saka, bakit maninigarilyo ka pa? Wala na ngang pera, dapat nagtitipid tayo at—"


Tinabig niya ang kamay ko. "Tangina! Anong gusto mong gawin ko dito, magbilang ng tupa?! Hindi mo nga ako magawang dalawin araw-araw, di ba?!"


Napayuko ako. "Sorry. Kailangan ko kasi magtrabaho pagkatapos ng klase. Alam mo naman na nasunugan ako ng bahay, 'di ba? Kailangan ko ng pambayad sa tinutuluyan ko."


"Wala akong pakialam! Kapag pinigilan mo ako manigarilyo, sasampalin ko yang mukha mo, makita mo!"


Napaatras ako. Gulat na gulat ako sa galit na nakikita ko sa mukha niya. Sanay naman na ako na mula nang maospital siya, palagi nang mainit ang ulo niya, pero ang ikinagulat ko ay iyong sasaktan niya ako.

The Wrong One (BOS: New World 2)Where stories live. Discover now