Author's Narration (November, 2008) Philippines
Ang mga mababasa niyo pong mga pangalan dito ay mga characters po sa So This Is Love na story ko. Makikita niyo ulit sila sa mga susunod na chapters. :)
"Bakit kasi hindi ka pumasok-pasok? Ayan tuloy, nahihirapan kang makahabol."
"Tuturuan mo ba ko o sesermunan?" naiinis na sabi ni Mara kay Princess. Nagbuntong-hininga na lang ang huli. Nagtataka kasi sila Princess kung bakit ngayon lang ulit pumasok ang kaibigan nilang si Mara. After mawala ng kaibigan nila na si Kyouko, ngayon na lang ulit nagpakita si Mara sakanila. Umaasa nga rin sila na sana pati ang kaibigan nilang si Kyouko ay magpakita na lang bigla.
"Tingin mo, bakit ngayon lang pumasok si Mara?" tanong ni Kyla kay Faye na katabi niya na naglalaptop.
Tumigil muna sa ginagawa niya si Faye at tumingin sa kaibigan na si Mara sandali, "hindi ko alam. Pero may kutob ako na dahil sa ginawa ni Ren ang dahilan niya."
"Ginawa ni Ren?" nagtatakang tanong ni Kyla.
Tumango si Faye, "oo. Hindi ko pa ba nakukwento na ginamit lang ni Ren si Mike? Inutusan niya si Mike na ligawan si Mara para makakuha ng impormasyon tungkol kay Kyouko. So, ang resulta. Pati kay Kyouko nagalit si Mara. Kahit na wala naman talaga siyang kasalanan. Hindi naman niya gusto ang lahat, diba?"
"Uhm. Kamusta na kaya siya?"
Napatingin ang apat sa bumukas na pintuan ng classroom. At doon nilabas si Kei Sandoval na kaklase rin nila. Na isa rin sa mga matagal na nawala sa klase.
"Isa pa yan, saan ba yan nagpupupunta at ngayon lang din nagpakita?" bulong ni Kyla.
"Who knows?" sabay kibit-balikat ni Faye at binalik na ang tingin sa laptop niya.
Lumakad si Kei papunta sa kinaroroonan ng magkakaibigan. Napansin naman siya ni Princess na kanina lang ay busy sa pagtuturo kay Mara. Kinalabit niya ang dalawang kaibigan na nasa harap na kaagad namang tumingin. Tinuro niya si Kei na nakatingin sakanila. Nagtinginan sila bago tumingin kay Kei.
"Oh, long time no see, Kei! Saan ka galing?" bati ni Faye. Imbis na sagutin siya nito, lumingon-lingon lang ito na tila may hinahanap. Nagtaka naman ang magkakaibigan. Iniisip nila kung anong ginagawa ni Kei at kung sino ang hinahanap nito.
"Kei, bakit? Sinong hinahanap mo?" tanong ni Princess.
Tumingin sakanya si Kei. "Nasaan yung babaeng yun?"
"Ha?" naguguluhang tanong ni Princess.
"Where is Kyouko?!" nanlaki ang mga mata nila dahil sa pagsigaw ni Kei. Nagtataka sila kung bakit ganito ang inaakto niya ngayon. Ngayon na kakabalik niya lang.
"Anong pinagsasasabi mo? She's not here. Umalis siya," sabi ni Kyla.
"What? Tinuloy niya yung pag-alis?!" sigaw ni Kei. Ngayon, gulong-gulo na talaga ang lahat para sa magkakaibigan. Bakit parang may alam si Kei sa ginawang pag-alis ni Kyouko? Sinabihan ba siya nito bago umalis? Habang sila, hindi? Anong nangyari?
Sinara ni Faye ang laptop niya at pumunta malapit kay Kei. "Meron kang di sinasabi samin, Kei. Bakit mo yun alam? Nagpaalam ba siya sayo?" seryosong tanong nito.
"O-oo. Bakit? Hindi ba siya nagpaalam sainyo?"
Napa-gasp sila Faye maliban kay Mara na parang hindi interesado sa pinag-uusapan ng apat. "W-what? Are you serious? Sinabi niya sayo na aalis siya?!" sabay hawak ni Faye sa balikat ni Kei. Nagulat naman si Kei dahil kitang kita niya ang pagkagulat sa mata nito.
YOU ARE READING
She's Back In His Life
Teen FictionNgayong magkasama na ulit ang magkababatang si Kyouko Yukito at Ren Austort. Anong mangyayari? Manatili kaya ang galit nila sa isa't isa o magkapatawaran sila? Hayaan kaya ni Kyouko na magpatuloy ang nararamdaman niya para kay Ren o tuluyan na niya...
