Chapter 29 Jerk.

105 2 0
                                    

~Katehrine's Point Of View~

Dalawang araw na ang nakakalipas nung nangyari ang pag-bu-bully sa akin at kada naalala ko iyon ay naiiyak na lang ako, katulad ngayon nandito lang ako sa kuwarto ko at nakatalukbong ang kumot sa akin.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong umiyak, ang sama-sama nila sa akin wala naman akong ginawang masama sakanila.

*Knock*Knock*

Bigla kong pinunasan yung mga luha ko at umayos " Baby, may bisita ka " nadinig kong sabi ni Mama " S-sino po ? " si Henry kaya iyon " Sila Kristel " sabi naman ni Mama, bigla akong nalungkot akala ko si Henry, Kasi pagkatapos ng araw na binully ako ay hindi ko na siya nakita pa " Sige po papasukin niyo po " walang ganang sabi ko at nag talukbong ulit.

Narinig ko ang pag-bukas at sarado ng pinto " Kung tatanungin niyo kung okay lang ako, i'm fine kaya hindi niyo na kailangang tanungin " inunahan ko na lang sila.

" Kate naman ! alam naming hindi ka okay ! " sabi ni angelica.

" Oo nga ! Wag kang ganyan kaya nga nadito kami eh. " sabi ni Jb.

" Graaabeee kung pumasok ka lang kanina ! alam mo bang hindi namin tinigilan yung mga babaeng sangkot sa pag-bu-bully sayo ! " Sabi ni Kris, biglang tumahimik at agad na lumandas ang mga luha ko mula sa mga mata ko.

Humihikbi na ako alam kong dinig pa rin ito kahit na pigilan kong wag gumawa ng ingay.

Naramdaman kong umupo sila sa may gilid ng kama ko " Kate sorry pina-alala ko pa sayo " sabi ni Kris " Sira ulo ka talaga Kris, alam mo naman na naiiyak yan kapag naalala yung nangyari eh ! " sabay binatukan ni Jb si Kris at napakamot na lang si Kris sabay natawa kaming lahat, pasalamat na lang talaga ako na may mga kaibigan akong katulad nila.

" Nakita niyo ba si Henry kanina sa school ? " bigla kong singit sa usapan.

Bigla naman silang tumahimik sa tanong ko " B-bakit may problema ba ? " tahimik pa din sila at hindi nila ako sinasagot tumayo na ako at akmang lalabas ng kuwarto ko.

" Saan ka naman pupunta ? " sabi ni Kris na hawak ang braso ko.

" Pupuntahan ko si Henry ! " agad ko namang sagot.

" Bakit mo naman siya pupuntahan, mag pahinga ka lang muna ! Wag kang makulit puwede---" hindi ko na pinatapos si Kris.

" Bakit ba ! Kailangan ko siyang makita hindi ko matiis na hindi siya makita ! P.A niya pa rin ako ! " sabi ko at saka binuksan yung pintuan at lumabas.

Bakit ba parang ayaw nila makita ko si Henry, nakakainis talaga kapag wala kang alam sa nangyayari.

Pero mamaya ko na yan pro-problemahin kailangan ko munang malaman kung nasaan si Henry ngayon.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at may dinial akong number...

" Hello sir, alam niyo po ba kung nasaan si Henry ngayon ? " tanong ko sakaniya at napangiti na lang ako nung sinabi niya kung nasaan si Henry.

" Sige po, thank you " sabi ko at saka binaba na yung tawag.

~Henry's Point Of View~

" Fvcking Sh*t ! " sigaw ko.

" Ano ba yan Henry tama na, nakaka-sampo ka nang bote ng alak ! " narinig kong sabi ni Lloyd at naramdaman kong inagaw niya yung bote ng alak sa kamay ko.

" Bakit mo ba ako pinipigilan ha ? Sawa ka na ba sa buhay mo !? " sabi ko sakaniya at kinuha ko ulit sakaniya yung bote " Hiyang-hiya sayo yung mga alak " bigla naman sabi ni Xander at narinig ko pa siya ng Tsk kaya tinignan ko siya.

Ms.Simple Meeting Mr.Rich [Slow Update]Where stories live. Discover now