Chapter 26 New Rival.

117 3 0
                                    

~Katehrine's Point Of View~

Hindi pa din ako nakaka-get-over sa nangyari noong isang araw sa bahay ni Henry, Pagka-labas ni Henry noon ay lahat sila tumingin sakin at pina-ulanan ako ng mga tanong, Kahit si Lloyd na inis pa ata sa ginawa ni Henry.

Umupo na lang ako sa Bench dito sa harap ng Library sa school kung saan sila Henry at Lloyd nag suntukan, sumandal ako at nag pakawala ng buntong hininga " Haist ! ano bang nagyayari, nakaka-inis talaga yang si Henry eh ! " may pa-kiss-kiss pang nalalaman sipain ko kaya siya, Naiinis pa din ako sa scene na nangyari sa bahay ni Henry kasi ilang beses niya ba akong nahalikan " Aisshhh ! buwisetness ! asarness ! takteness ! packness ! taeness ! palakang halimawness ka talaga Henry Falcon--" nagulat ako ng biglang may nag salita sa likod ko...

" Bat puro may 'ness' ? "

kilala ko ang boses na iyan at hindi ako pwedeng magkamali, lumingon ako sa likod ko at doon ko nakita ang kababata ko, napatayo agad ako at linapitan siya sabay yakap ng mahigpit " Xander ! " sabi ko, narinig ko siyang tumawa " Grabe ganito mo ba ako namiss ng sobra ? " tanong niya sakin at yinakap na din ako, Grabe namiss ko ang boses niya syempre pati siya namiss ko " Oo gungong ka namiss kita ng sobra ! " at inangat ko na yung ulo ko at tinignan ko siya " Wow parang gumagwapo ka Xander ah ! " sabi ko sakaniya at kinurot ang pisnge niya " Aray naman Kat mashakit pishnge kho ! " sabi niya bumitaw naman ako sakaniya at nginitian ko siya at ganun din naman ang ginawa niya.

Grabe iba na ang itsura niya ngayon itong si Alexander ( Xander ) Park na kababata ko, ngayon ko na lang siya nakita 8 years old kami noon nung bumalik siya at nang kaniyang pamilya sa Korea, 10 years na pala ang nakakalipas 18 na ako at panigurado siya rin, Magkasunod lang kami ng Birthday nitong lalaki na ito October 11 birthday ko at siya naman October 12 ang galing diba ? magkasunod.

Pinag-masdan ko siya ng mabuti, Matangkad na siya sakin, hanggang chest na lang niya ako at gumwapo talaga siya ng sobra, tapos parang palapit ng palapit si Xander sakin.

Nagulat ako ng biglang halikan ako ni Xander sa noo ko, pero natawa na lang ako sa ginawa niya kasi lagi niyang ginagawa yun noong bata pa kami " Haha namiss mo din pala ako " kasi kapag nami-miss niya ako dati lagi niya akong hahalikan sa noo " Haha Oo na, I missed you too Kat " hahaha sumingkit nanaman ang mga mata niya dahil ngumiti siya.

" OhLala ! sino siya ? "

" Ang gwapo naman niya, mag-aaral kaya siya dito ? "

" Sana ! kaso nga lang may asungot ! "

" Hay nako kahit kailan asungot talaga itong Sanchez na ito ! "

oh ? bat nanaman ako na sali sa mga bulungan ng mga babae ? sapakin ko sila isa-isa dyan eh !

nakita ko namang napalingon si Xander sa paligid...

" OhMyJellyFish ! ang gwapo gwapo ! "

" Shockingness tumingin siya ! "

" Oy Kate alis dyan sa tabi ng gwapo pumapanget ang paligid niya ! "

Aba't loko iyong babae na yun ah suntukan na lang sa parking lot oh ? tara ! pakainin kita dyan ng Sabon para luminis ang ugali niyo eh !

Lumingon ako kay Xander at bakas sa mukha niya ang pagka-inis sa mga naririnig tungkol sakin " Xander alis na lang tayo ? " sabi ko at sabay puppy eyes, Pero walang effect lingon nga siya pero mga 3 seconds lang ang tagal " Lagi ka ba nilang inaaway ? " tanong niya sakin habang nag mamasid sa paligid, napa-buntong hininga na lang ako " Bahala ka nga dyan ! " sabay lumapit ako sa bench na inu-upuan ko kanina at kinuha ang bag ko " Oy Kat, saan ka pupunta ? " tanong niya sakin kaya nilingon ko siya, aba naka-lapit na pala siya sa puwesto ko " Pupunta sa susunod kong subject, Sige bye ! " sabi ko at akmang tatalikod na ng pigilan niya ako hinawakan niya ako sa kamay ko " Wow, ngayon na nga lang tayo ulit nagkita tapos iiwanan mo ako dito ? Kat naman eh ! " sabi niya at saka nag puppy eyes.

Ms.Simple Meeting Mr.Rich [Slow Update]Where stories live. Discover now