"Numerous case of killing is found in the peaceful town of Greenbelt.The residents in the said place are -"
Biglang naputol ang laman ng tape na halatang kuha pa matagal ng panahon ang nakalipas at inakalang makakapagbigay ng kasagutan sa mga Police sa mga nangyayaring krimen sa isang sikat na lugar sa Pilipinas.Ito ang Greenbelt.
Tila nawalan ng pagasa ang mga naturang Pulisya na makakakita pa ng lead para sa kanilang iniimbistigahang kaso.
Masyadong makapangyarihan ang mga taong nasa likod marahil ng krimen.
"Paano mo nga ba malalaman ang dahilan kung ang mga tao mismo ang walang kooperasyon"
napipikon ng saad ng head ng Pulisya.
"Wag kang mag alala chief magsasalita rin ang mga yan" di naman nawawalan ng pag asang tugon ng tauhan nito.
Tunog ng telepono ang nakakuha ng atensyon ng mga naturang pulisya.Agad naman itong inabot sa pinakahead ng Pulisya.
"Chief Manansala may isa nanaman pong Bangkay ang natagpuan sa tapat ng paaralan dito sa Greenbelt same method nanaman po ang pagpatay"saad ng Pulis sa kabilang linya.
"May kahina-hinala bang mga usyusero kayong nakikita riyan?"
"Wala po pero may tatlo pong witness, ngunit ang kapwa nasa kritikal na kundisyon kaya dinala po sila sa pinakamalapit na pagamutan"
"Sige bantayan nyo ng maigi silang tatlo dahil maari silang makapagbigay kung nasa likod ng mga sunod sunod na pagpatay"
"Opo Chief,pero mukhang tama nga po ang hinala nyo mukhang magkaugnay po ang mga pagpatay sa naisara ng kaso 10 years ago.Chief kamusta na po pala yung isang tape na naglalaman ng balita tungkol sa mga pagpatay?May nakuha p-"
"De Vega,mas mabuti ng mamaya na lang natin yang pag usapan asikasuhin mo muna ang mga witness at pupunta na ako riyan"
"Sige po Chief,pasensya na-"
Agad pinatay ni Chief Manansala ang tawag at inutusan ang kaniyang mga tauhan para pumunta sa panibago nanamang crime scene.
Ito na ang ikalimang bangkay na natagpuan ng mga Awtoridad matapos ang confidential na pagpapakamatay ng Mayor mismo sa bayan ng Greenbelt at natagpuan sa sarili nitong bahay na nakabigti.
"Hindi ko alam kung magkaugnay ba ang pagpapakamatay mo Mayor sa mga krimeng nangyayari ngayon at sa nangyari sampung taon na ang nakalipas pero sana lang wala dahil kung meron man panigurado wala kaming laban sa taong nasa likod ng mga ito.Sana hindi ikaw ang gumagawa ng inosenting hakbang na ito,Z"
Nababahalang saad ng Chief of Police habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan nila patungo sa crime scene.
YOU ARE READING
Innocent Steps
General FictionA love story that begins from an epic scenario. Three young hearts and a curse that bonds them to solve a serius case. One dead body that followed by lots of hidden corpse and continuous killings. One answers that will solve the case. Are you ready...
