"Hindi pa nga e. Nagugutom na nga 'tong kaibigan ko."

"Perfect. Sabay na kayo sa'kin. It's on me."

"Gab..." Bulong ni Sydney sabay hatak ng kamay ko.

"Ano ka ba? Kapatid naman 'yan ni Uno. Akala ko ba fan ka ng mga Palmers? Ba't parang ayaw mong sumama?" Asik ko sa kanya na nagpipigil lang matawa.

"Gabriella, hindi ako sasama."

Binuksan na ni Tres ang pinto ng kotse kaya tinaasan ko ng kilay si Sydney. Hindi parin siya gumalaw kaya pinagana ko nalang ang utak ko.

"Hey bro, I think I need to nap. Diyan nalang sa harap si Sydney."

Humagikhik ako nang makapasok sa kotse. Ayan, ang tagal kasing kumilos. Hahaha. Mayamaya pa ay sumakay din si Sydney. I don't know how Tres made her but for sure, it's the Palmer-charm.

"Guys, don't mind me here. Matutulog lang talaga ako saglit."I told them before closing my eyes.

Masaya na sana ang araw ko kung hindi ko lang namataan si Uno at Dos na magkasama sa restaurant na pinuntahan namin nina Tres at Sydney. Buti nalang hindi napansin ni Tres dahil panay ang panglalandi niya sa kaibigan ko. Isu-surprise ko sana si Uno kaya lang naging curious ako sa pinag-usapan nila.

"Dude, you really are serious?" Bulalas ni Dos sa kapatid niya. Naupo ako sa mesang katapat ng kanila. Tinakpan ko ng Menu ang mukha ko para di ako makita ni Dos. Siya kasi ang kaharap ko at nakatalikod si Uno sa'kin. "Just do what I said. Make it simple and man, you don't need anything. Every woman falls for the Palmer's charm."

"Sige. Sige. Baka makita pa tayo nina Gab dito. Nagtext si Tres na kasama daw niya si Gab at Sydney. Papunta na sila dito."

At bakit hindi ko sila pwedeng madatnan?

"Teka nga lang, bro. You're not cheating on Gabbi, are you?" Narinig kong tanong ni Dos na nagpalunok sa'kin. Cheating? "Yang babaeng balak mong ligawan? Ibang babae ba 'yan?"

"Shut up dude. Mauna na ako sa'yo."

Ano'ng tinatago mo sa'kin, Palmer? May balak pala siyang ligawan ha? Woah. Takte Gabriella, linawin mo kasi kung ano ang status niyong dalawa para alam mo kung may karapatan kang magalit at magselos! Buwiset na Uno 'yon. Nakangiti pang lumabas ng restaurant. Ang kupal na 'yon!

Sa sobrang inis ko, iniwan ko ang kaibigan ko sa kamay ni Tres. Text ng text sa'kin si Sydney pero di ko naman mareply-an dahil wala akong load. Paano ko kaya mahuhuli si Uno sa kalokohan niya? Nag-iisip ako ng paraan kung paano nang pumasok ako sa mga natitirang klase ko. Teka, bakit absent si Sydney? Sa'n kaya 'yon tinangay ni Tres?

"Hi Gabbi. Ihahatid na kita." Walang pag-aalinlangan na yaya ni Carter nang salubungin niya ako pagkatapos ng klase. "Or maybe, you want to watch movies—"

"Carter, ayoko ng gulo. Kung ano man ang trip mo, itigil mo na 'yan. Alam ko naman na hindi mo ako gusto e. Is this to get back at Uno? It's not going to work. Mahal ko ang boyfriend ko at hindi mo 'ko magagamit para siraan o sirain siya. Please stop this."

"What are you talking about? This isn't about him! I really like you, Gabbi. Isang date lang. Pagbigyan mo lang ako. If it's not going to work... if I really can't change your mind, I promise I will stop."

"Hindi. Hindi 'yan mangyayari. Sorry Carter. Kailangan ko ng umalis."

Nakayuko akong naglalakad palabas ng campus kaya hindi ko napansin si Uno na naghihintay sa labas ng kotse niya. Kung hindi niya pa ako hinila ay hindi ko malalamang sinusundo niya ako.

"Gabriella, you cannot find me at the surface." Pagyayabang ng mokong patungkol sa pagtingin ko sa dinadaanan ko. "Pwera nalang kung isa lang akong abok sa mga mata mo."

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now