Black Town 3

10 0 0
                                    

Chapter 3

Pagdating namin sa bahay, ipinatong ko ang gamit ko sa sofa malapit sakin.

"Dad can we talk?" Kanina kopa sinubukan na makipagusap kay Dad sa byahe ngunit tila kanina padin siya naiwas sa mga tanong ko. Tumigil si Dad at nakapamewang na humarap sakin. "Can you please explain to me what's really going on?"

Huminga siya ng malalim bago naglakad palapit sakin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Im sorry anak." Sabi nito. "I dont want you to get involve with this. But I want you to understand, my job is to protect you including this town and the people who lives here." Mataman niya akong tiningnan. "Trust me anak, one one can harm you as long as Im here." Natahimik ako sa sinabi niya. He kissed my forehead bago tinapik ang buhok ko. "Go to your room and rest."

Sabi nito bago muling bumalik sa trabaho niya.

--
Tina's Pov

Nanakbo kami at habol habol si Wins na nagmamadaling nanakbo sa pasilyo papunta sa Morgue kung saan nandon ang katawan ni Jessica.

Hindi ko alam mararamdaman ko ngunit may anong kirot ang nararamdaman ko sa puso ko at kasabay nito ang saya na hindi ko maintindihan. Pinilig ko na lamang ang ulo ko.

Isa lang ang malinaw sakin ngayon, yun ay ang kailangan ni Wins ng kaibigan sa mga oras na to.

"Tina." Napatingin ako kay Kippy na mataman nakatingin sa mga mata ko. Ngumiti lamang ako sa kanya at nagmadali na lang din sundan ang iba pa naming mga kaibigan na papasok na sa kwarto kung saan nandon ang katawan ni Jessica.

Pagpasok namin sa loob, nakita ko si Wins na dahan dahan tinatanggal ang puting kumot na nagtatakip kay Jessica.

"Aaaaaaahhhh!!!" Nagulat kaming lahat ng bigla itong sumigaw ng malakas at yakap yakap ang katawan ng isa sa mga kaibigan naming si Jessica. "Jessicaaaaaa!!" Hindi na namin naiwasang tumulo ang luha dahil sa nakikita naming sitwasyon ng kaibigan namin, nilapitan siya ni Kippy at Patrick upang alalayan.

"Tina, bakit si Jessica pa." Namumula narin ang mata nitong katabi kong si Yna. "Napakabait niya. Bakit siya pa." Hindi ko siya sinagot, darecho lang akong nakatingin kay Wins at sa sitwasyon niya ngayon.

"Kung sino man ang gumawa nito sayo! Magbabayad sila!!" Buong diing sabi ni Wins.

--
Pagkagaling namin sa morgue nagdarecho na muna kami sa bahay nila Kippy, hinayaan na muna naming makauwi si Wins upang makapagpahinga sa kanila.

"Alam niyo guys, hindi ako sanay na makitang tahimik si Wins at ganon." Sabi ni Gladys habang nakain ng chips niya. Dito na muna kami sa pool area nag stay upang makapagrelax na muna dahil sa mga nangyayari ngayon.

"Huyy!" Nagulat ako ng biglang may tumama sakin, yung kinakain pala nila.

"Kanina kapa tulala dyan." Sabi ng mga to.

"Wala nagiisip lang." Sabi ko.

"Alam niyo ang tanging magagawa lang natin ngayon ay manatili sa tabi ni Wins dahil ngayon niya tayo mas kailangan." Napatingin kami kay Patrick.

"Kaya ni Wins yon. Yun pa!" Pagpapalakas naman ng loob ni Kippy.

"Sana nga, pero grabe ang nangyari kay Jessica, kahit ako di ko siya natagalan matingnan kanina." Napabuntong hininga si Yna.

"Tol ikaw?" Nalipat ang tingin namin lahat kay Draice na nakatayo lamang at tila malalim ang iniisip.

Napabuntong hininga to bago inumin ang coke in can niya. "Ang alam ko lang kailangan tayo ni Wins sa mga oras na to."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Black TownWhere stories live. Discover now