13. No Other Guys

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano'ng problema mo? Isauli mo sa'kin 'yan, Uno!"

Ngumisi siya. Ipinasok niya sa kanyang bulsa ang phone ko. "Get it if you want."

Napalunok ako. Sa huli hinayaan ko nalang siyang itago ang phone ko. Bakit ba kasi Gabriella? Bakit mo gustong malaman? Ano naman kung sa'yo 'yon o kaya tungkol sa'yo? Ugh. Nakakainis kaya. Paano kung picture ko 'yon no'ng bata pa ako!? Oh my gosh! Yong picture kong— Hindi naman siguro. May pagka-assuming ka talaga Gabbi.

Nagpatiuna ako sa paglalakad papasok ng building. Nasa lobby ako nang makita ko si Carter.

"Gabbi." Tawag niya sabay ngiti. "For you." Inabot niya sa'kin ang bouquet ng bulaklak pero hindi ko 'yon natanggap. Una, ayoko talagang tanggapin. Pangalawa, biglang sumulpot si Uno na hinapit agad ako sa bewang.

"Andrews. It's nice to see you." Bati ni Uno kay Carter na nakatingin ngayon sa kanya ng masama. "Are those flowers for my girlfriend?"

"Uno, tara na." Tawag ko para makaiwas ng gulo.

"Don't be arrogant, Palmer. Hindi lahat magiging sayo hanggang sa huli. Didn't I prove you that when I took from you the basketball varsity?"

"So you really plan stealing my girlfriend, is that what you are trying to say?"

"Uno. Hindi siya nandito para sa'kin." Singit ko na dahil pinagtitinginan kami ng nga guests at staff. "Si Sydney. Si Sydney ang nililigawan niya. Diba Carter?"

"Stay away from my girlfriend, Andrews." He said instead, ignoring me.

Pinandilatan ko si Uno sa ginawa niya. Ayaw pa talaga niyang magpahila. Kaya sa sobrang inis ko, iniwan ko siya. At pagdating namin sa condo, siya pa ang may apog na awayin ako.

"What did you do, Gab? Texted him? Told him that we're on the way home?"

"Ano???" Hindi makapaniwalang naibigkas ko.

"I can read you, Gabriella. Is this your way of pissing me off because I tell you it's damn working! Are you happy now?"

"Ang kitid ng utak mo, Uno. Ba't ko naman ite-text ang taong 'yon? Mag-isip ka nga, bakit ko gagawin 'yon?" Ganting sigaw ko sa kanya.

"I don't know with you. You ask yourself."

"Ewan ko sa'yo!" Papasok na sana ako ng bedroom para 'wag nalang siyang patulan pero nagsalita siya ulit.

"See? You can't deny it. Your action speaks it all, Gab."

"Uno. Ano'ng nangyari sa 'Let's not fight again?'" Naiiyak ako sa sobrang inis sa kanya.

"You've pushed the button. And of all people, si Andrews pa talaga. That jerk."

"Hindi ko siya tinext. Kung ayaw mong maniwala, bahala ka." Naiinis na sabi ko.

"Stop denying it. I asked you earlier while we're in the car. It's not a coincidence that when we arrived here, the jerk's expectantly waiting for you. It's too hilarious to think it's a coincidence."

"So ano nga ang pinapalabas mo? Na niloloko kita? Na may lalaki ako? Ano ba'ng tingin mo sa'kin Uno? Gano'n ba akong klaseng babae para sa'yo?" Tumulo parin ang luha ko kahit na sinubukan kong pigilan. "Porket may nangyari sa'tin ng gabing 'yon, ganyan na kababaw ang tingin mo sa'kin? Alam mo. Mali ng tingin si tatay sa'yo. At ang laki kong tanga dahil naniwala ako sa inakala niya."

Mabibigat ang hakbang ko paakyat ng kwarto. Ang sama-sama ng taong 'yon! Ang kapal ng mukha!

"You are not going anywhere." Singhal niya matapos kunin ang mga gamit na inilagay ko sa maleta. "You will not get out of that damn door!"

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon