"Sorry. I'm not like you, Gab. I don't have that angelic face like yours... I'm sorry I can't make you smile like you can make me."

Anak ng talangka naman 'tong si Uno. Pinapalungkot pa akong lalo. Ano ba'ng pinagsasabi niya?

"Anong gusto mong gift, ibibili kita."

"Praning ka talaga e. Hindi ako napapangiti sa mga materyal na bagay, Uno. Hindi ako gano'n."

"Ang hirap mo namang pangitiin. Hindi ba pwedeng ako nalang?"

"Ha?"

"Ako nalang... Ako nalang ang dahilan ng ngiti mo. Hindi ba pwede 'yon?"

Napakagat ako ng labi ko para pigilan ang ngiting sa labi ko at kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko hanggang sa puso ko.

"Hindi pwede. Walang gano'n."Pagtataray ko para 'wag magmukhang ewan sa harap niya.

"Bakit ikaw? Pwede? Naririnig ko lang ang pangalan mo... Nakikita ko lang ang mukha mo, napapangiti na ako?"

Buwiset na Palmer 'to! Ano'ng sinasabi niya!

"Yes!" Sigaw niyang nagpakunot ng noo ko. "Nakangiti ka rin, finally. Three points for Uno Palmer!"

Natawa ako sa tinuran niya. Ewan ko sa taong 'to. Paiba-iba ng mood. Ang hirap niyang espelling-in.

"Happy birthday, Gabriella."

"Are you happy, Uno?" Narinig kong bulalas ko habang tinititigan siya.

"Sobra."

"Okay." Sambit ko saka hinarang ang daliri ko sa labi niyang isang inch nalang yata ang layo sa'kin. "Sobrang- happy na Birthday, Uno Palmer."

Tumawa siya sa greetings ko kaya tumawa narin ako. Nang magpaalam si Uno saglit, naalala ko na naman ang pagsusuka at pagkahilo ko. Gabbi, ang iyakin mo. Para kang abnormal. Baka naman tama si Uno, nag-ooverreact ka lang.

"Here, uminom ka ng maraming tubig." Sabi niya sa kanyang pagbalik na may dalang baso ng tubig. Matapos lagukin ang laman ng baso, nginitian ko siya. Bilang tugon, sinundot niya ang tungki ng ilong ko.

Gusto ni Uno na kumain kami sa labas. Lunchdate daw kuno bago umuwi sa'min. Well, okay nadin dahil maisasagawa ko ng maayos ang plano ko.

"Uno, daan muna tayo sa inyo."

"Ha? Gab, mom can't see you. Hindi ka papaalisin kapag nakita ka no'n."

"Nope. She called me. May ibibigay lang daw siya sa'kin. Sige na please, samahan mo 'ko."

"Ayoko."

"Uno, para kang bata!"

Tumawa siya. "Ikaw nga 'yang umaastang bata."

"Uno naman kasi e. Sige na, samahan mo na ako." Pangungulit ko.

"Oo na nga o."

"Thank you po."

Inilingan niya ako habang nakangiti. Ano kayang laman ng isip niya? Ba't siya nakangiti?

"I'll wait for you here." Deklara niya nang nasa tapat na kami ng bahay nila. Gosh. Praning talaga siya.

"Hahayaan mo 'kong pumunta sa loob ng hindi ka kasama? Uno, ikaw ang anak."

"Ikaw ang gustong makita."

"I hate you na talaga. Nakakahiya kaya! Samahan mo 'ko!" Pagdadabog ko sabay nguso.

"Okay. Sasamahan kita pero kiss muna."

Napatitig ako sa labi niya pagkasabi niya no'n. Kiss. Napalunok ako.

"Ano? A-ano nga 'yon?" Pagbibingi-bingihan ko.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now