"Ang perfect mo Uno. Para kang hindi totoo. Nakakatakot kang kasama." Bulong ko bago ipinikit ang mga mata.

Sa pagkakaalala ko, sa sahig ako nakatulog dahil nakakulong ako sa yakap ni Uno. Pero nagising ako sa kama. Sumilip ako sa baba para i-check kung nando'n pa siya. Wala na siya do'n pati ang comforter na hinigaan namin kagabi.

"Are you awake, Gabriella? You'll be late for school!" Sigaw niya mula sa labas na nagpagising sa'kin, mentally.

Oo nga pala, may klase nga pala! Tumakbo ako papunta sa shower at naligo sa loob lang ng limang minuto. Haha. Ang galing ko sa mga ganito e, mga rush-hour moves.

"Ang tagal mo." Komento niya nang makababa na ako.

"Ba't hindi mo 'ko ginising?"

"Gusto ko 'tong ganito. 'Yong nagpapanic ka." Nakangising sagot niya. Ano namang ibig sabihin niya no'n?

"At bakit, Palmer?"

"So I'll become your hero again. I'll be your only chance of not getting late."

"Para kang timang. Ewan ko sa'yo. Kung makapag-isip ka... Tsk. Tara na."

"I made you a tuna sandwich for breakfast. Who says you can go to school with an empty stomach?" Inirapan ko siya. Kumuha ako ng table napkin at inilagay do'n ang sandwich na tinutukoy niya.

"Kakainin ko sa biyahe."

"At least drink the milk." Utos niya.

"Fine! Para kang si tatay talaga."

May naalala ako bago makababa ng kotse pagdating namin sa academy. Humarap ako kay Uno samantalang tinaasan niya ako ng kilay.

"Gabriella? What are you doing? You're already late!" Panenermon niya.

"Kausapin natin ang mommy mo mamaya. Okay?" Kumunot ang noo ni Uno. "Okay! Bye. Ingat ka po!"

Humihingal akong dumating sa classroom dahil tumakbo ako papunta do'n e. Nakakainis dahil absent pala ang professor namin. Nag-effort pa akong tumakbo. Tsaka, ang sakit ng tiyan ko a. Busog na busog ako tapos pinapatakbo ako para sa wala.

"Si Uno Palmer ba 'yong naghatid sa'yo?" Tanong ng isang babaeng hindi ko kilala. Naglalakad akong mag-isa sa hallway. Wala kasi si Sydney. Nag-absent dahil gusto niya raw bantayan ang lola niya. Nagtext siya sa'kin this morning.

"Boyfriend mo si Uno?" Hirit naman ng isa.

Wow. Talaga bang kilala ng lahat si Uno? Celebrity ba 'tong pekeng boyfriend ko? Tsk. Ba't ba kasi ang epal ko noon at wala akong pakialam sa mga campus celebs. Puro aklat at pag-aaral lang ang inaatupag ko no'n. Ang boring ko sigurong tao ano?

"Girl? Don't space out on us. We're talking to you." Pukaw ng isa pang babae na kasama sa grupo.

"He's not her boyfriend." Someone answered the question for me. Kilala ko ang boses na 'yon. Isa pa, wala namang ibang kontrabida sa buhay ko maliban kay Audrey and friends. "Ba't naman magkakaroon ng jowang palaka si Uno?"

"He's spotted driving her to school for so many times na kaya." Sagot ng babae. "And yesterday, that was so heroic and romantic. Sinalo niya 'yong egg for her."

"Gano'n lang? Girlfriend na siya agad?"

Hala sige, mag-away pa kayo. Habang nagsasagutan sila, hinay-hinay akong lumayo sa kumpol. Hay naku! Mga babae talaga.

Pasipol-sipol na naglakad ako palabas ng campus after a tiring day. Ang daming quizzes at reporting sa araw na 'to. Nahihirapan na ang utak kong limited lang ang storage capacity. Hahaha. Building namin sa college of business ang malapit sa building ng senior highschool kaya naman palagi kaming nagkakasalubong o nagkakasabay sa hallway ni Seven at ni Six. Si Seven ang kasabay ko ngayon palabas ng campus.

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now