"I never stopped trusting and loving you seriously." Natatawa kong sabi realizing how pathetic I am. I was.

"So tayo na?" Nakangiti niyang tanong.

"Hell no, Rivera! Prove to me that you're worth of my second chance and I'll give it to you." Sabi ko sabay tulak sa upuan niya kaya kasama siyang bumagsak.

"Argh. You know I could throw you in the water right away, right?" Nakasmirk niyang sabi at binuhat ako ng pabridal style.

"You wouldn't dare!" Sabi ko sabay hampas sa dibdib niya pero bigla na lang niya akong inihagis sa tubig.

"EDWARD!!" Sigaw ko sa kanya and he ends up laughing. Tinignan ko siya ng masama at kinaladkad siya papunta sa tubig. Kailangan ko pa siyang patirin sa ilalim ng tubig para lang matumba siya. Tsk.

"You guys need a room." Sabi ni Joseph. "And I need a girlfriend." Sabi niya at nagtawanan kami.

The night went on okay, kung hindi siguro ako hinagis ni Edward dito sa tubig I would be missing so much fun.

I really need to stop over thinking.

It's almost 5am nang matapos kaming magswimming at pumasok na kami while ate Shin stays at the seashore to watch the sunrise.

Pumasok na kami sa kwarto namin at humiga na kaagad ako not wanting to change clothes. Masyado na akong nilalamig at pagod at isang galaw ko pa bubulagta na ako dito sa sahig.

"Good night, April." Narinig kong bulong sakin ni Edward before darkness takes me.

***

Nagising ako dahil okay na. Nabawi ko na yung tulog ko. I looked at the wall clock and it is 3pm. Woah.

Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko si Kris at Hillary sa iisang kama at magkayakap pa. Buti na lang wala dito si ate para makita 'to. Or much worse is nauna pa siyang makita sakin 'to

Bumaba ako sa sala at nakita kong andun sila Edward.

"Hey sleeping beauty." Sabi niya sabay kindat sakin but I rolled my eyes.

"Asan si ate?" Tanong ko sa kanya.

"Dito ko, April. Miss mo ko kaagad?" Nakangiting tanong ni Aira.

"Not you. Ate Shin." Sabi ko at sinimangutan niya ko.

"We don't really know. Pagkagising namin wala siya eh." Sagot ni Zack.

"Eh sila mama nasan?" Tanong ko.

"Andon nags-swimming na sila ng mga oldies." Sagot niya ulit at natahimik na kami.

"Here." Sabi ni Edward sabay bigay sakin ng

"Flower crown?"

"Well yeah. I wanted to give you flowers, kaso wala akong makita kaya flower crown na lang. May flower pa din naman yan." Mabilis niyang sagot.

"Okayy? Para san 'to?"

"Did you forgot that I was courting you?" Taas kilay niyang sabi.

"Ay oo nga pala. Nung nangligaw ka kasi sakin walang flowers-flowers." Natatawa kong sabi sa kanya.

"You still loved me tho." Sahi niya reminding me. Inirapan ko lang siya at ipinaikot sa kamay ko yung flower crown.

"Di mo sosootin?" Tanong niya sakin.

"Crowns are not really my style." Nakasmirk kong sagot.

"Well, ngayon dapat masanay ka na because soon you'll be my queen." Sabi niya at siya ang nagsuot sakin nung flower crown. My queen. Bakit ang sarap pakinggan? Tsk.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon