Prologue

478 15 6
                                    

Pagkatapos ng sampung taong pagiging aso't pusa, pagkatapos ng sampung taong umasa, nasaktan, umiyak, at halos sumuko na ako, eto na yun. Engaged ako sa taong una kong minahal. Si Stephen. Ang childhood best friend ko.

Isang malaking challenge yun para sakin, dahil maaring harapin ko na naman ang mga sakit na naranasan ko noon, knowing na ang best friend ko, ay nasa malayong lugar sa akin. Ang totoo, takot na akong magtiwala ulit. Ilang beses na kasi akong nagpakatanga para sa taong hindi sigurado sa nararamdaman niya. Ilang beses nang nagpaloko, sa taong mismong nagsabing ako lang ang mahal niya. Ilang beses na akong nabulag sa katotohanang hanggang best friend na nga lang yata talaga ako at wala nang hihigit pa.

Pero ganun nga yata siguro kapag mahal mo ang isang tao. Kahit gaano ka niya nasaktan, alam mo sa sarili mong handa kang masaktan ulit, bumalik lang siya.

Walang kasiguraduhan ang buhay na gusto kong pasukin kasama si Stephen. Pero alam ko sa sarili kong kakayanin ko ulit ito, hindi lang para sa sarili ko, kundi para saming dalawa.

Totohanan na nga ba ang naipangakong habambuhay na pag-iibigan o mauuwi na naman sa wala ang lahat ng pinagsamahan namin ni Stephen?

STATUS: Friendzoned.. BOOK 2! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon