Chapter 1

248 10 0
                                    

Nagising nalang ako isang araw na wala na akong nararamdamang sakit sa puso. Yun bang kahit grabe yung pinagdaanan ko sa taong to e siya pa rin ang mahal ko, siya pa rin yung palagi kong iniisip, yung palagi kong inaalala. Hindi ko na alam kung paano ko pa idedescribe yung nararamdaman kong pagmamahal kasi sobrang overflowing na. Tipong wala nang paglagyan sa puso ko kasi punong-puno na. Di ko maipaliwanag, pero ganun ko kamahal si Stephen. Na oo, kaya ko naman mabuhay na wala siya eh. Pero kulang. Mas masaya at mas kumpleto pag andyan siya. Hindi ko na alam kung saang parte pa ng katawan ko pwedeng ilagay yung pagmamahal ko para sa kanya, masyadong maliit yung puso ko para sa kanya. Akala ko noon, sapat na yung mahalin ko lang siya, pero hindi pala. Hindi ko inaasahan na sobrang mamahalin ko siya na parang kadugtong ng buhay ko, na kapag hindi ko siya minahal, mamamatay ako. Iisipin ko palang na mawawala siya sakin ulit, sobrang nadudurog yung puso ko.


Hindi ko kaya.



Hindi ko kaya.




Hindi ko kayang mawala siya ulit sakin.





Siya yung lalaking kahit ilang beses akong pinaiyak at sinaktan, mahal ko pa rin.



Siya yung lalaking kahit paluhain ako e hindi ko magawang magalit.





Na parang ok lang na masaktan ako dahil sa kanya.





Hindi ko alam kung tama pa ba yun o sadyang tanga o bulag lang ako. Feeling ko kasi wala nang ibang magmamahal sakin, -- sa kabaliwan ko-- kaya natatakot ako na baka isang araw magbago na naman ang isip niya at iwan ako.



Hindi ko kaya.



Hindi ko kaya.




Hindi ko kaya.




---

Naalimpungatan ako. Hindi ko matandaan kung anong nangyari, pagkagising ko, bigla nalang akong napunta dito. Minulat ko ang mga mata ko. Asan ako?



Biglang bumukas ang pinto.


Stephen: Hi ate. Kamusta tulog?


Nasa kwarto niya ako?

STATUS: Friendzoned.. BOOK 2! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon