EPILOGUE

961 28 0
                                    


Tanaw dito ang mag-asawang naghahabulan,sa may dalampasigan.Halata sa mukha nila ang saya,bilang mag-asawa.

"Zion!naman eh!ang bilis mong tumakbo"sambit naman ni leliana,kay zion.

Naiinis na kasi ito dahil hindi niya ito mahuli-huli,nahihirapan na kasi siyang habulin ito.Dahil medyo may kalakihan na ang tiyan niya,6 months na siyang buntis sa unang anak nila.

"Come here,hindi na ako tatakbo"sabi naman nito,at hinintay na tumakbo si leliana sa kanya.

"huli ka!"sabi naman nito,nang makalapit siya kay zion.

Agad naman siyang niyakap ni zion,kahit kailan walang oras na hindi siya napapangiti kapag kasama niya si leliana.Lalo na't may magkakaanak na sila,magiging isang pamilya na sila.

"Nagugutom kana ba?"tanong naman nito kay leliana,umiiling naman ito.

"Dito muna tayo,gusto kong tignan ag dagat"sambit naman niya.

Umupo naman si zion sa isang bato,at nasa kandungan niya si leliana.Nandito sila sa lugar kung saan sila unang nagkita,kung saan nagsimula ang pag-iibigan nila.

"Zion?parang gumagalaw na siya"sambit naman ni leliana,at bahagyang hinawakan ang umbok niyang tiyan.

Hinawakan naman ito nang marahan ni zion,at dinama ang bawat paggalaw nang munting anghel na nasa tiyan ni leliana.Gumuhit naman sa labi niya ang ngiti,nang maramdaman niyang gumalaw ito.

"Baby?nagugutom kana?"sambit naman ni zion,at inilapit pa ang tenga nito sa may tiyan ni leliana.

"Hindi naman yan,sasagot"sabi naman ni leliana,at mahinang napatawa.

Pinaningkitan lang siya nang mata ni zion,"baby,yung mama mo.Tinatawanan ako"sabi naman niya ,na mukhang nagsusumbong pa.

"Zion,sinisiraan mo yata ako sa anak natin"nakangusong sabi nito , naramdaman niya naman ang ,paghalik ni zion sa tiyan niya.

"Mahal ko ang mommy mo,baby.Kahit bobo minsan"sabi naman nito,lalong ngumuso pa si leliana dahil sa sinabi nito.

"Zion !ang sama mo"sabi naman nito,at umalis sa kandungan ni zion.

Agad namang hinawakan ni zion ang kamay niya,para pigilang umalis.At dinala niya ito sa labi niya,mukhang nawala nalang bigla ang inis ni leliana dahil sa ginawa nito.

"Don't be mad,on me.I'm just joking"sambit naman nito,binawi niya agad ang sinabi nito kay leliana.

Hindi naman mapigilan ni leliana na yakapin niya ito,kahit man nagsusungit sa kanya si zion.Madali naman itong nawawala,sa simpleng kataga lang na lumalabas sa bibig ni zion,ay nawawala na ang inis niya.

"Zion?Ano'ng ipapangalan natin kay baby?"tanong naman ni leliana kay zion,at hinawakan ang kamay niya.

"Ikaw may pangalan kanang naisip?"sambit naman ni zion,mahirap kasing pumili nang pangalan ,kung hindi pa nila alam kung lalaki ba o babae ang anak nila.

"Meron,kung babae,leana.Wala na akong maisip ipangalan kapag lalaki"sambit naman ni leliana.

"Hmm...lezion if it's a boy"sabi naman ni zion,ngumiti naman si leliana at tumango.

"Baby ,bilisan monang lumabas sa tiyan ni mommy"sambit naman ni zion,at para niya talaga itong kinakausap.

"gumalaw siya zion!"manghang sabi ni leliana,nang maramdaman nito ang bahagyang paggalaw nang bata sa tiyan niya.

"thank you ,leliana"sambit naman ni zion sa kanya,nagpapasalamat siya na dumating ito sa buhay niya,nagpapasalamat siyang hindi siya sinukuan nito.

Ngumiti lang sa kanya si leliana,bahagya namang hinawakan ni leliana ang mukha ni zion.At dahan-dahang inidampi ang labi niya sa nuo nito.

"Thank you,for everything"sambit naman ni leliana sa kanya.

Ang pagmamahal ay hindi kaylan man sinusukuan,kundi pinaglalaban.Yan ang natutunan nila sa pag-iibigan nilang dalawa.Kahit ano mang pagsubok na dumating sa buhay nila,alam nilang kakayanin nila ito nang magkakasama

Marry Me,Mermaid [ Completed ]Where stories live. Discover now