Kabanata 1

1K 26 0
                                    

Leliana

'' Ingatan mo ang kuwintas na 'yan, huwag mong hahayaang matanggal yan sa katawan mo. Sa oras na maisuot muna yan ay magiging tao kana, subalit mag-ingat ka , kasi kapag na basa ng tubig ang iyong binti ay babalik ka sa dati mong anyo..kailangan mo lang gawin ay patakan ito nang kunti ng iyong kwentas , upang bumalik sa pagiging tao ang anyo mo.." sabi ng matandang babaylan sa 'kin, marami pa itong mga sinasabing paalala, tinignan ko naman ang kuwintas na sinasabi niya, isa itong maliit na bote, na humikinang ang nasa loob.

Hahanapin ko lang ang aking kapatid na babae na pumunta sa mundo ng mga tao ,hindi ko alam kung ano ang pakay nito, kung bakit niya naisipang pumunta doon.

" Maraming salamat po, tanggapin niyo po itong aking handog , kapalit nang pagtulong niyo sa'kin" agad kong inabot sa kanya ang kapirasong supot ng perlas bilang pambayad sa itinulong nito.

" Maraming salamat, binibini. Mag­-ingat ka sa iyong paglalakbay " sabi niya at tinanggap ang handog ko. Nginitian ko naman siya at agad akong nag-paalam sa kanya.

Alam ko sa mundo namin , mahigpit na pinag-babawal ang pagpunta namin sa mundo ng mga tao, ngunit 'di ko hahayaang hindi na makabalik ang aking nakakatandang kapatid na si Emery.

Nang nakarating na ako sa dalampasigan , may nakita akong lalaking naka higa at nababasa ang kanyang katawan, dulot nang malakas na alon sa dagat. Agad ko namang sinuot ang kuwintas, ilang segundo lang ay umilaw ang aking buntot, ng nawala ang ilaw ay naging paa ang aking buntot.

Bahagya ko pang ginalaw ang aking dalawang binti, at pinakiramdaman . Nakangiti naman akong nakatingin rito. Nang akma na sana akong tatayo, natumba nalang ako sa buhangin, dahil sa hindi tamang pag-balanse, nakaka panibago sa pakiramdam, sinubukan­ ko naman ulit , kumapit pa ako sa isang bato upang kumuha nang suporta nagawa ko naman ito.

Agad naman akong lumapit sa lalaking natutulog, unang titig ko palang sa kanyang mukha ay napahanga na ako dahil sa perpektong mukha nito, mula sa matangos niyang ilong.

"Ginoo ,gumising po kayo!"bahagya ko pang tinapik ang kanyang mukha, ano'ng ginagawa ng taong to sa dalampasigan , naisipan niya pang dito matulog?

"Ginoo! gumising po kayo"

Hindi pa rin iminulat ng lalaki ang kanyang mata, bigla nalang pumasok sa isip ko na baka nalunod ang isang to.

Itatapat ko na sana ang aking labi sa kanya upang bigyan siya ng hangin , ngunit bigla niyang iminulat ang kanyang mapupungay na mga mata na kulay kayumanggi. Dahil sa pagkagulat ko , agad akong nagtago sa likod ng isang malaking bato.

"Shit! sino ka?" rinig kong sabi niya, dahan-dahan akong sumilip sa kanya. Tinignan naman ako nito na parang kinikilatis.

" Ako po si Leliana, paumanhin ginoo sa 'king ginawa" paghihingi ko ng paumanhin sa kanya, hindi parin ako umalis sa puwesto ko. Nakita ko sa mga mata niya ang pagtataka sa 'king inasta.

" Fvck that alchohol! bakit ako nandito? " tanong niya sa 'kin, ngunit may sinabi siyang hindi ko naintindihan yung huli lang niyang sinabi ang aking naintindihan. Bahagya­ pa niyang nilibot ang kanyang paningin upang tignan kung nasaan siya.

" Natagpuan kitang natutulog sa tabi ng dagat , ginoo " sagot ko sa kanya, nagtataka naman itong tumingin sa'kin. Agad ko namang tinignan ang aking sarili, namilog ang mata ko.

Bakit 'di ko namalayan na hubo't hubad na pala ako, tanging ang mahahabang umaalon kong buhok ang nagsisilbing tumatakip sa 'king katawan.

" Stop that ginoo! " sabi niya sa'kin " What are you doing there? " hindi ko naiintindihan ang sinabi niya, may ganoong lengguwahe ang mga tao? Nang-akma na sana siyang humakbang papalit sa'kin, agad ko siyang pinigilan.

Marry Me,Mermaid [ Completed ]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora