'MANG SULSOL', si Surf naman ang dakilang

'UTO-UTO'. Pano bawat yata sabihin ni Claus ay sinusunod niya at pinapaniwalaan.

"Teka, hindi naman sa hindi ko kayo pinapansin. Hindi niyo naman kasi ako tinatawag sa pangalan ko kaya hindi ako lumilingon." Sabi ko sa kanila. Pero parang mas maganda pa atang hindi nalang ako nagsalita kasi parang mas lalong nagalit si Surf sa akin. Teka, ano ba ang ginagawa ko sa kaniya? hindi ko naman siya ina-ano ah!

Mas lalo siyang lumapit sa akin at marahas na hinila ang kwelyo ng aking damit at hinawakan ito ng mahigpit.

"Aba, aba, aba. At sumasagot ka na ngayon ah?! alam mo tabachoy yang mga kagaya mong matataba at hirap sa pag-lalakad dahil sa sobrang kabigatan ng katawan ay walang karapatang sumagot sa akin. Tandaan mo! mas makaki at mas matangkad ako sayo kaya sumunod kanalang!" Pasigaw niyang sabi sa akin atsaka binitawan ng malakas ang kwelyo kong hawak-hawak niya dahilan para mapahagis at mapasalampak ang pwetan ko sa lupa.

Kung naiisip niyo na kung sino ako sa Doraemon base sa mga nangyayari sa akin ngayon ay tama kayo. Yung character ni Nobita ang katulad ko. Kagaya sa cartoons, lampa ako at mabagal kumilos. Dala narin siguro ng aking kalusugan, take note! 'KALUSUGAN'. Ayaw kong gamitin yung term na katabaan dahil magiging improper yung pag-dedescribe sa akin kung iyon yung word na gagamitin. Hindi ko sasabihin na mataba ako dahil may mas tamang word para idescribe ang sarili ko, CHUBY!.

Sabi sa akin ni Mommy hindi daw ako mataba, chuby lang pero sobradmg bagay naman daw nung chuby kong katawan sa cute at gwapo kong muka. At isa pa, ayaw ko rin palang nagpapatawag ng cute 'LANG'  kasi sa pag-kakada ko sa mga aso lang ginagamit yung term na cute at last time na chineck ko ang saril ko sa salamin ay hindi naman ako mukang aso kaya kung tatawagin niyo akong cute dapat may karugtong na GWAPO, ok?

"Haha. Si tabachoy kawawa. Haha! dapat dun ka nalang sumubsob sa putikan para muka ka na talagang baboy." Mapang-asar na sabi ni Claus.

Gusto ko sanang lumban, gusto ko sana silang gantihan pero hindi ko kaya, hindi ko kaya dahil natatakot ako. Natatakot akong masaktan kagaya ng lagi nilang ginagawa sa akin tuwing susubukan kong suwayin at tanggihan ang utos nila.

"Haha. Kawawang tabachoy, kawawang tabachoy, kawawang tabachoy, kawawang tabachoy. Haha! ibigay mo na nga lang sa amin yang kinakain mo at ginutom ako ng dahil sayo." Sabi ni Surf.

Ano daw? ibibigay ko itong kinakain ko sa kaniya? no way! aba, kunin niya na ang lahat sa akin huwag lang ang pag-kaing mahal. De joke lang! hehe. Itong kinakain kong CLOVER kukuhanin nila? aba ayaw ko nga.

"Oo nga tabachoy. Ibigay mo na nga lang yang kinakain mong clover chips para naman matuwa ako sayo, paborito ko pa naman iyan este masarap pa naman ang lasa niyan." Sul-sol na naman ni Claus the nguso. Ang tao na nag-tataglay ng nguso na mas mahaba pa sa kaniyang mga binti. Haha! joke lang siyempre.

"Ito bang clover chips ang tinutukoy niyo?" Tanong ko. Gusto ko kasing masigurado kung ito ba talagang paborito kong pag-kain ang gusto nilang kunin.

"Bakit may iba ka pa bang kinakain? tabachoy ka na nga... tanga ka pa! kita mo ng sinabi ko ng clover yung kinakain mo tapos mag-tatanong ka pa?!" Sabi ni Surf. Kung kanina masama na ang muka niya, ngayon mas lalo pang sumama, mas lalong kumunot ang noo at lumukot ang kaniyang muka.

"Teka-teka wag 'tong clover ko. Paborito ko kasi to kaya wag nalang ito yung pag-diskitahan niyo. (*__*)" Sabi ko with matching puppy eyes pa. Malay mo umipek! kay Mommy at Daddy kasi ito yung ultimate weapon ko kapag may gusto akong hingin o kunin.

"Nak ng pucha! haha. Tingna mo boy oh! nagpa-puppy eyes pa si tabachoy sayo oh! haha nabakla pa ata?!" Sabi ni Claus. Pag nag-puppy eyes bakla agad? di ba pwedeng nag-papacute lang para tigilamd niyo na ako.

"Pwe! kadira ka, tigilan mo ngayan at baka mabigwasan dita diyan." Sabi ni Surf at itinaas na niya yung kanang kamay niya para sana gawin yung sinasabi niya na pag-bigwas sa akin ng biglang...

"Sige subukan mo at ng doblehin ko ang pag-big as ko sayo." Sabi ng isang tinig na hindi ko kilala kung kanino pero pamilya siwna. Hindi ko naman nakikita yung muka ng nag-salita kasi nakapikit ako.

"Fe-feye?" Nau-utal na sabi ni Claus. Sino daw si Feye? Fexme na kakambal ko? ano naman kaya ang ginagawa niya dito?

"Fe-feye? anong ginagawa mo dito?" Nauutal din na tanong ni Surf. Kung totoo ngang nandito si Feye, ibig-sabihin ligtas na ako. Siga kaya ang kakambal ko!

"Pag-bilang ko ng tatlo gusto ko wala na kayo sa harap ko. Pag-katapos ng tatlo at nakikita ko parin kayo,  sinisiguro kong ibabalik ko kayo sa mga tiyan ng nanay nito." Matigas na sabi ni Feye. Hala! siryoso siya? Ang laki kaya ni Surf tapos ang haba naman ng nguso ni Claus kaya pano pa sila mag-kakasiya sa mga tiyan ng nanay nila?

"Hi-hindi na Feye, kahit hindi ka na mag-bilang ay aalis na kami." Sabi ni Surf at saka ako binitawan tapos umalis sila ng patakbo.

~ END OF FLASH BACK~

"O ano? nganga ka nalang diyan at hindi kana papasok? umuwi ka nalang sa bahay kesa pakalat-kalat ka dito. Istorbo!" Sabi ni Feye na dahilan para bumalik ako sa reyalid. at matigil ang aking pag pa-flash back.

Psh. Bipolar talaga ito oh! kanina tinulungan ako tapos ngayo naman pinapalayas ako. Hay! diko talaga maintindihan ang nasa utak nitong kakambal ko eh.

***

GrEycco 1723~

TEENAGE HERO |ON GOING|Where stories live. Discover now