DIARY

1 0 0
                                        

DIARY
.
"Babye Melody!!" Sigaw ng kaibigan kong si Anna at kumaway nalang ako sa kanya bilang tugon.
.
Nakakapagod ngayong araw susko medyo ngarag kamay ko sa dami ng pinasulat samin sa history subject. Pauwi na nga ko eh andito nako sa train station, nagaantay.
.
Sa oras na bumukas ang train ay agad akong pumasok sa loob. Umupo, Sinuot ang headset at pinatugtog ang... Perfect two by hindi ko alam haha wala nakalagay sa phone ko eh.
.
🎶🎼You can be the peanut,
Butter to my jelly.🎵🎤
.
Binuksan ko ung diary ko para makapag sulat, gawain ko na toh araw araw. Kasi wala lang gusto ko lang na parang may naku-kwentuhan ako kung ano nangyayare sakin araw araw. Tutal malayo pa naman ako.
.
*eeeekkkkkk*
Nagulat ako sa tunog ng train na huminto, "gosh andito nako buti nalang nagising ako! sakto! Wohhh", medyo mahina kong sambit at agad na lumabas ng train.
.
Tinanggal ko headset ko at ilalagay sana sa bag ng maalala kong hindi ko pa naipapasok ung diary sa bag. Paglingon kong muli sa train huli na dahil kasasarado lang ng door. "SH*T!!" Natatarantang sabi ko.
.
"Andaming nakalagay na importante jan! Sh*t ang tanga ko". Gigil na sabi ko sa sarili. Lumapit ako sa door ng train at sakto may katabi akong kaschoolmate ko lang. Pano ko nasabi? May logo sya ng school namin!!
.
Agad na kinatok katok ko ung door at tinuturo ung diary ko. Sa kabutihang palad nakita ako ng lalaki at tiningnan kung ano ung itinuturo ko."OPO YAN KUYA PAKI KUHA AT KUKUNIN KO BUKAS SA SCHOOL!!!" sigaw ko mula sa labas ng train.
.
Ngunit nagmake face sya na nagsasabing hindi nya ko naririnig. At umandar na ang train. "Sana mamukhaan nya ko bukas sa campus hayst. Bakit ba kasi naka eyeglass un 7pm na ng gabi hindi ko tuloy nakita mukha nya tsk". Inis na sabi ko nalang sa sarili habang pauwi ng bahay.
.
~~
2 days later
~~
"Wala parin diary ko anna! Baka tinapon na nung lalaki yun! Hayst". Nakabusangot na sabi ko.
.
"Ano kaba melody may contact number mo naman ung diary mo diba hintay kalang tatawagan ka nun!" Payo nya habang kumakain kami ng lunch.
.
~~~
"Andito nako ma!" Sigaw ko oras na makapasok sa bahay. At dumiretcho sa kwarto ko para magbihis.
.
*are you ready kids! Aye aye captain! Oohhhh*. Oh gabi na may tumatawag pa sakin. Nga pala ring tone ko yun hahaha.
.
"Hello? Sino po sila?". Pasimula kong salita.
"Hai!". Anlaki ng boses nya! Ay wait lalaki!
"Bakit po?" Tanong konh muli.
"Im dave and are you melody?" Tanong ng gwapong boses.
"Yes sir! What can i do for you?!" Aba syempre papatalbog bako sa english. Ehem!
"Good, ako ung nakakuha ng diary mo. Yun lang bye!" Mabilis nyang pinatay ang phone.
.
Hala sya? Ano daw name? Dov? Ano sabon? Ay hindi baka dave. Ano nasa utak nun parang ayaw ibalik diary ko!. Tinawagan ko pero unattended na.
.
"Nakakainissss!!!" Sigaw ko at humiga sa kama.
.
~~~
*kkrriiinggggg* *kkrrriiiinnngggg*
"Okay class see you tomorrow!". Huling sambit ni ma'am bago sya umalis.
.
Agad akong lumabas ng room dahil baka maiwan ako ng train. Hayst bat kaya absent si anna.
.
"Hi melody" may bumulong sa likod ko ngunit pag lingon ko hindi ko malaman kung sino andami naming palabas ng campus!
.
"Sino kaya yun baliw lang?!". At tuluyan nang umupo sa loob ng train. "Hayst nasan na kaya ung lalaking yun". Napalingon ako sa kabilang side ng train at nakita kong may nakatingin saking naka eyeglass!
.
"Wait sya yun ah!". Siguradong bulong ko sa sarili. Nagwave ako sa kanya at nagwave din sya sakin. Nag shape ako ng notebook at nagme make face din ako. Kahit mukha nakong tanga dito.
.
Binuksan nya ang bag nya at kinaway kaway ung note- ay wait thats my diary!!! Napahawak ako sa glass window.
.
*Are you ready kids!* hindi ko na pinatapos at agad na sinagot.
.
"Hi! Is this yours?" Tanong ni dov.. Este dave.
"Yes! Yes!! Please pakibalik na po parang awa mo na!!" Nagmamakaawang sambit ko.
"Then, follow me". At saka nya pinatay ung call.
.
Nakakainis!!! Ano bang gusto ng lalaking toh! Hala baka mamamatay tao! Or manyakis! Or baka ibebenta nya laman loob ko!! Noooo!!!! Kinakabang mga salitang pumasok sa utak ko.
.
Lampas nako sa bahay at hindi parin sya nababa. Damn magagalit si mama nito!!.
.
*eeekkkkkkk*
Nawala sya sa paningin ko at nakita kong nakalabas na pala sya ng train! "Sh*t!" Mahinang sabi ko sa sarili at agad na lumabas ng train bago pa magsarado ng pinto.
.
Pag labas ko at nawala sya kaya nagmadali akong bumaba ng hagdan upang habulin sya.
.
*Are you ready- "hello? Nasan ka? Akin na ung diary ko please!" Nagmamakaawang sabi ko sa kanya.
"Right side maglakad ka wag ka magmadali, i got you". Sabi nya.
"Okay naglalakad nako at hindi ko alam tong lugar kaya please wag kanang lalayo!". Naiinis na sabi ko.
"Chill! Mabait ako wala akong gagawing masama sayo. Now pumasok ka sa loob ng Starbucks". At pinatay na naman nya ang call.
.
Pumasok ako sa loob at tumingin tingin kung andito ba sya. Walang naka eyeglass! Tsk pinagloloko ata ako!.
.
Paglingon ko sa dulo may kumakaway na... Wait i know that guy! Crush ko sya nung elementary days! Actually parang ganun parin ngayon kasi lalo syang gumwapo!, pero naiinis akong lumapit sa kanya.
.
"Where's my diary?" Maldita kong sabi saka nilahad ang kamay ko pagsasabi na kinukuha ko kung ano ang akin.
.
Nagulat ako nung hinawakan nya ang kamay ko. "Umupo ka muna please?" Mahinahon at nakangiting sabi ni crush hihihi juk ni dave pala.
.
"Now drink that coffee for me" nakangiting tinuro ang kapeng nasa harapan ko.
.
"Baka may lason toh! Or may-". Hindi ko na natapos sapagkat hinalikan nya ko. Wait WHAT? HINALIKAN NYA KO??!!! sa kamay. Oh mga reader chill.
.
"Inumin mo sabi ko eh dami mo pa daldal wala kang pinagbago hahaha!" Masayang asar nya sakin.
.
Agad kong ininom ang kape sa nerbyos. "Ung diary?" Yan nalang ang nasabi ko.
.
"Huminahon ka parang hindi mo naman ako kilala, oh here's your diary na". Inabot nya sakin.
.
Tatayo na sana ako kaso bigla nya ko hinawakan sa kamay ulit. Aba nakakarami na tong mokong na toh ah. Pero napaupo nya ako ulit.
.
"Wag ka muna umalis please? This is our first date together kaya wag mo ko iiwan sige ka malulungkot ako" nakangusong sabi nya.
.
Sh*t ang gwapo! Tango nalang ang naisagot ko. "Kung hindi ko pa mababasa yang diary mo melody hindi ko malalaman na ung elementary crush ko at first crush ko may gusto rin sakin". Nakangiting sabi nya.
.
Hah? Ano? Ma-may gusto sya sakin? As in sakin?. "Wait, ano? Binasa mo diary ko? Private property toh bakit mo binasa!" Bulyaw ko sa kanya. Mabuti nalang at kaonte lang kaming andirito ngayon.
.
"Melody, can you be my first and last love?" Sambit nya habang nakatingin ng seryoso at nakahawak sa kamay ko.
.
"Yes". hindi ko na mapigilan ung nararamdaman ko matagal na toh! Bibig ko na ang kusang kumilos dahil gulat parin ako sa mga oras na toh.
.
"What? I cant hear you?" Nakangiting sabi nya.
.
"I said YES bingi ka?!" Bulyaw ko na syang nagpatawa kay dave.
.
"Yes!! I got a yes!!". Sigaw nya sa buong coffee shop. At nagpalakpakan ang kakarampot na tao hahaha.
.
"Thank you melody!.. Inantay ko talaga tong panahon na toh akala ko imposible nang mangyare". Masayang sabi nya.
.
"Ako rin dave" tanging nasabi ko.
.
"Graduating naman na tayo sa college sobrang sakto lang at may reason nako para hindi manirahan sa states! I love you melody!" Masaya na masayang sabi nya.
.
"Yeah akala ko sa books lang nangyayare toh, I love you too dave!" Masayang tugon ko at tumayo kaming dalawa upang yakapin ang isa't-isa.
.
~~~~~
"Mommy bilisan mo ayan na ung snow!!! Yey!!!" Sigaw ng anak naming babae.
.
"Hon tara na ikaw nalang inaantay namin dito sa labas!" Sigaw ng mr kong si dave.
.
Naninirahan na kami ngayon dito sa US at may isa na kaming anak na si trisha 7 years old. "Palabas na hon eto na!". Sigaw ko habang palapit sa pintuan.
.
"Merry christmas trisha anak!"
"Merry Christmas hon!" Agad ko silang nilapitan upang halikan at yakapin.
.
"Merry christmas din hon"
Merry christmas ma"
.
End

DIARYWhere stories live. Discover now