BEYOND THE BOARDERLINE (ANTIPOLO - TERESA)
***KEN JARED CORPUZ P.O.V***
"Attraction is only intense when mystery is invovled...''
Ako si Ken, isang simpleng residente. Ayos naman ang pamumuhay ko ng biglang nagbago ang lahat.
Sunod-sunod na pangyayari ang naganap o madalas nang magkaroon ng aksidente dito samin. oo, sa boundary ng antipolo at teresa.
malapit sa Hi-way.
kumpulang mga media,reporter,pulis at medical team ang laging bida.
halos ito lamang ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng traffic...
dahilsa mga aksidente.
lagi kong natutuklasan ang mga patay na bangkay na nakahiga sa dinadaraanan ng mga sasakyan,
yupi yuping sasakyan at pulang mga dugo.
madalas nang mangyari ang ganitong pangyayari sa amin kaya karamihan sa mga nakatira dito pati narin ang mga kapitbahay ko ay nagsisimula nang matakot at ang iba, napilitan ng umalis dahil baka dalawin sila ng mga ligaw na kaluluwa nagustong tapusin ang unfinish business nila.
karamihan sa mga dumadaang kotse, mga jeep at tricycle ay natatakot ng dumaan dito kaya naman kapagliliko na sila...
pinapatunog nila ang mga beaper ng mga sasakyan nila...
may ilang nagsasabing kaylangan muna silang "magtabi-tabi po" dahil sa malaking acacia na naka tayo sa gilid ng hi-way ay may nagsasabing may nakatirang espirito o di maipaliwanag na engkanto daw doon.
Ngayong umaga, habang ako'y nagkakape at nagaalmusal lumabas ako para lumanghap ng sariwang hangin ngunit paglabas ko nakita ko nalamang na nagsisitakbuhan ang mga kapitbahay ko papuntang kanto.
Sa Hi-way.
Kanya kanyang sigaw at mga usapan.
''Bakit, anong nangyari?'' tanong ko sa madantang lalaki na papunta sa labasan.
"May aksidente na namang nangyari, tara sa kanto." yaya nya
habang nakalagay ang mga kamay ko sa bulsa ng short ko, kalmodo akong pumunta sa kanto na kung saan kumpulan ang mga tao.
Mga taong walang magawa kundi tumingin at pag usapan ang taong nakahandusay sa sahig. sumisirit ang dugo nito at labas ang utak..
nakipagsiksikan ako sa unahan para makita ang taong halos wala ng buhay..
"tsk.tsk.tsk. kaawang tao." bulong ko sa sarili ko habang kinakagat ang daliri ko.
Mga ilang minuto na ang nakalipas, dumating narin ang ambulansya at mga pulis upang imbestigahan ang nangyari ngunit wala-silang nakuhang matibay at sapat na impormasyon upang masagot ang misteryosong pagpatay sa biktima. halos parehas sa mga aksidenteng nangyari nang mga nakalipas na linggo, walang bakas at malinis ang pagkakapatay sakanya.
Ngunit ang assumption ko at assumption ng mga pulis ay magkaiba, ni ayaw nilang pakinggan ang mga konklusyon ko.
sa bagay sino bang makikinig sa isang high school student na tulad ko...
ang lagi nilang sinasabi ay banggaan at simpleng argumento lang nang magkabilang panig, minsan pa, due to personal reason, nawalan ng preno, mabilis at sira ang speedometer kaya nangkakaroon ng banggaan.
sa bagay, kapani paniwala naman ang ganong rason!
kung ikaw nga ang driver ng sasakyan mahihirapan ka ngang lumiko at bumwelo papatas at papababa, papuntang teresa o antipolo.
YOU ARE READING
Beyond the Boarder-line (Short Story)
Mystery / Thriller"Attraction is only intense when mystery is invovled...'' -Ken
