"I know..." malungkot niyang sabi. "Uuwi na rin naman ako bukas, e."

Nanatili ako sa labas para makinig. I know it's wrong to earwig on his personal phone calls but I couldn't help it. My curiosity is killing me inside.

"Kierra..." he called melodiously. "I will come home. Yes, bukas. I know and I'm sorry...okay, bye for now."

He's talking to a girl, huh? I wonder who she is? Is she his girlfriend or something? Wala na dapat akong pakialam tungkol doon. He's single anyway.

Bumaba na lang ulit ako at sinimulang ayusin ang mga libro. Ilang minuto lang ay bumaba na rin si Sylvester at dumiretso sa akin. Nakangiti pa siya pero hindi ko magawang ngumiti pabalik.

Don't give me that smile.

"Can we talk? For one last time."

Hindi ako sumagot, tumayo na lang ako at sumunod sa kaniya.

Pumunta kami sa likuran ng bahay, sa mismong puno kung saan ko itinali ang lubid na kamuntikan nang wakasan ang aking buhay. Sa tuwing maalala ko iyon ay hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko.

I tried to kill myself. It's so stupid of me but I won't regret anything if I died on that exact day. I mean, I'm ready to end my miserable life. Hindi naman ako takot mamatay.

Sumandal siya sa puno habang ako ay nanatili lang na nakatayo sa kaniyang gilid. Pareho kaming nakatingin sa kalangitan na bahagyang dumidilim na. Malapit nang gumabi, mukhang natagalan ako sa pag pirma ng mga libro kanina.

"I just want to say sorry for being an ass to you," panimula niya sa akin.

Hindi ko pa rin siya tinignan. Hinintay ko lang siyang magsalita ulit dahil ito na ang pagkakataon niya. Makakapagpaliwanag na siya sa akin.

"I had to leave for myself..." mahinang sabi niya. "You know that I love you, right? I really do, Nep. Naging masaya ako noong mga panahong magkasama pa tayong dalawa. Sobra-sobra ka na para sa akin but unfortunately, we're not on the same page."

Napatingin ako sa kaniya habang nakakunot ang aking noo.

"We're on the same page, Syl."

He shook his head. "We're maybe on the same page but you're reading a different book, Nep. Hindi ako sapat para sa'yo. Kulang na kulang ako kaya kahit anong gawin ko ay hindi kita mabuo... Hindi tayo magtagpo-tagpo,"

Napayuko ako ng tingin.

Is that the reason why he left me? Because he thought that he wasn't enough to make me whole? He's more than enough! Ako nga itong maraming pagkukulang sa aming dalawa kaya bakit parang sarili niya ang sinisisi niya?

"Where did we go wrong?" bigla kong nasabi.

Hindi siya nagsalita. Nanatili ang tingin niya sa kalangitan habang ako ay nakatingin na ngayon sa kaniya.

He looked so sad. Kahit pa gaano kadilim ang kaniyang mga mata ay kakaiba pa rin ang kalungkutan na meron dito. Masyado siyang malungkot ngayong mga oras na 'to.

"It's my fault, right?" sabi ko ulit. "Ako itong namilit sa'yo na pakasalan ako. It was unfair for your side, hindi ko man lang inisip 'yong feelings mo. It's just that, I was so desperate at naging makasarili ako,"

"I'm fine with the marriage, Nep. Believe me, our marriage gave me hope. Pero sa araw-araw na kasama kita, mas nararamdaman ko lang kung gaano ka kalayo sa akin, na kahit anong gawin ko ay siya pa rin talaga. Hindi magiging ako kasi siya pa rin pala,"

Kumirot ang aking dibdib dahil sa kaniyang sinabi. Alam na alam ko kung anong tinutukoy niya ngayon. Iniisip niya pa rin na si Atheo ang mahal ko at hindi siya.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon