Entry 1-09

5 0 0
                                    

 

Isha POV

“Kuya Seji! Sandali!” tawag ko habang patakbo ko siyang hinahabol. Pero di pa rin siya nahinto sa paglakad.

“KUYA SEJI!!!” tumigil na ako sa paghabol sa kanya dahil sa pagod. Sa wakas! Nahinto din siya ngunit di pa din siya nalingon sa akin.

Patakbo siyang nilapitan at nagpunta sa harapan niya. “Kuya...” mangiyak ngiyak kong sambit. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. I hug him back. How I miss him so much.

Simula nung nawala si Dad ay nawala din ng parang bula si Kuya. I was 10 years old that time while Kuya is 19 years old. I don’t know what happen. Tinatanung ko si Mom kung nasan siya, pero ang palagi niyang sinasabing wag daw akong magalala dahil nasa mabuting kalagayan siya.

Close kami ni Kuya Seji dahil nga sa dalawa lang kaming magkapatid. He’s my brother and at the same time my bestfriend. Nung mga bata pa kami lagi kaming magkasama. Miss na miss ko talaga siya. Sobrang namiss. Kaya di ko na napigilan ang luha ko sa pagpatak.

Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at tinignan ang mukha ko. “Crying baby.” Sabay punas ng luha ko sa pisngi.

“No! I’m not crying! Napuwing lang ako.” Iniiwas ko yung mukha ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin sabay pat ng ulo ko.

“Nakakainis ka Kuya! Bat ngayon ka lang ulit nagpakita sa akin!!! Alam mo bang miss na miss kita? Ang daya mo naman eh!” sabi ko na humahagolgol na sa pag iyak.

“Shhhh... Tahan ka na. Sorry na Li’l sis.” Sabay hug sa akin. “Sasabihin ko din sayo yung dahilan sa tamang panahon. Okay?”

“Di ba pedeng ngayon na?” kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya sabay punas ko ng luha ko. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Hindi. Wag atat.” Sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin. “Kumain ka na ba?” bigla ko na lang naalala na di pa pala ako kumain dahil sinundan ko siya.

“Hindi ako nakakain dahil sa kakahabol sayo. Alam mo ba yun! Dahil sayo kaya di ako nakakain ng lunch kaya ilibre mo ako ngayon. Maliwanag?!” sabi ko sa kanya sabay pamewang. Bigla siyang tumawa dahil sa inasal ko.

“May nakakatawa ba?” sabi ko sabay taas ng kilay ko.

“You’re so funny Li’l sis. I miss that.”

“Tse!” sabi ko sabay talikod sa kanya.

“Tampurorot naman yung mahal kong kapatid. Wag na tampo. Ililibre naman kita ng lunch eh.”

“Wag na!”

“Kahit na may desert na strawberry pudding at ice cream?”oh! This guy is tempting me. He knows me talaga.

A feeling called loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon