For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter 7

26 2 2

"S-an tayo pupunta?"

"Kakasabi ko lang diba? Kakain! Wala akong kasama, kaya samahan mo ko." sabi ko dito habang hawak ko pa din sya sa bandang pulso nya at sya naman ay mabagal kung maglakad kaya parang kinakaladkad or hinihila ko sya. Err.. Kung anu man ang tawag sa ginagawa ko.

"T-eka lang. K-ase.. A-ano.. " uutal-utal pa ding sabi nito. Hindi na talaga sya nakapagsalita ng diretso kapag ako ang kausap nya.

"T-eka.."

pagdudugtong nito. Bigla ko namang binitawan yung kamay nya.

"Ayaw mo ba?!" tanong ko dito na medyo matapang yung boses. Kaasar kase! Sya na nga tong nilalapitan aarte-arte pa.

"Hindi n-aman sa ganun, pero nakakahi--"

"Hindi naman pala eh! Tara na! Wag ka nang umarte! Walang nararating sa buhay ang mga ganyang tao! Palay na nga ang lumalapit sayo noh!" tsaka ko uli sya hinila. Tumahimik na lang ito. Buti naman baka maasar pa ko dito. Masyadong pahumble eh.

Magkasama kaming naglakad sa campus habang hawak ko pa din sya. Madaming mga studyante ang nakatingin samin, as if there's something weird happening.

"Miss Prez!" tawag ng isang babae sakin. Huminto naman ako at nilingon ko yung tuwawag pero di ko pa din binibitawan si Jill. Si Denise pala yung tumawag sakin. Isa sa mga kasamahan ko sa SC. Sya din ang pinaka kaclose kong babae. 

"oh.. bakit?" kaswal kong tanong. Timingin naman ito nang nagtataka sakin pati na din sa taong hawak ko.

"New friend?" tanong nito at tinuro yung kasama ko. Tumingin naman ako kay Jill tsaka tumingin kay Denise.

"Uhm.. I guess?" di ko siguradong sagot. Nagaalangan ako kung ipapakilala ko to as my friend kase alam nilang hindi si Jill yung tipo ng kaybigan na hanap ko at hindi naman talaga kami magkaybigan, sa ngayon.

Tinignan ko si Jill at nakatingin ito sakin na parang nagulat. Ewan, bahala sya.

"Oh I see" tatango-tango nyang sagot. "So, where are you guys going? Can I join you?" tanong nito.

"I'm sorry, but you can't come with us. Not now"

BE MINEBasahin ang storyang ito ng LIBRE!