Sumimangot siya at bago pa makapagsalita, dumating na si Sir Villa at pinapasok na kami.

Pinipilit kong mag-concentrate sa lesson namin kasi commands na 'yung tinuturo ni Sir. Pero wala akong maintindihan kasi nag-aalala ako sa mga kuya ko. Siguradong mas pagagalitan nila ako neto pag-uwi ko, huhu. Minsan ko na nga lang ipagtatanggol ang sarili ko, mali pa rin pala ako.

May kumalabit sa'kin at nung nilingon ko, may inabot sa'kin na nakatuping papel. Kumunot yung noo ko nung buksan ko.

Mahal kong Pinuno,

Sorry talaga. Pero hindi ko kayang bawiin ang sinabi ko kanina. Hindi sina kuya mo ang liligawan ko kundi ikaw.
Dahil ikaw ang gusto ko, Charlotte Esteban Pelaez. :)

Nagmamahal mong Alipin,
Martin

Waaahhh! Napasubsob na lang ako sa desk ko. Patay na talaga ako sa mga kuya ko. Pati kina bespren kasi tama rin ang hinala nila! Kanino ako hihingi ng payo neto?! Ahuhu.

Maya-maya pa, may nag-abot ulit ng isa pang papel. Ayoko ko na sanang buksan kaso naman yung mga kaklase ko, nakangisi sa'kin.

Mahal Kong Pinunong Charlie,
Hindi muna kita guguluhin para makapag-isip ka :)
Pero sana payagan mo akong ligawan ka.
Gusto ko lang talagang ipakita sa'yo kung gaano ka ka-special sa'kin kasi--

"...mahal kita. At handa akong suyuin ka. Nagmamahal mong Alipin, Martin."

Nagulantang ako nung napansin kong nasa likod ko na pala si Sir Villa at humahagikgik ang mga kaklase namin. "Wah! Ser! Nanggugulat ka naman po eh," napapalatak kong sabi at sinuksok agad sa bag ko yung sulat.

"Nagliligawan sa klase," umiiling na sabi ni Sir Villa. "You, and you..." turo niya kay Martin. "Out. Saka na kayo bumalik kapag handa na kayong mag-aral. Sinasayang niyo lang ang pera ng mga magulang niyo."

Nakabusangot akong lumabas ng klase. Mabuti na rin siguro yun kasi wala naman akong naintindihan. Tsk. Si Martin kasi eh! Kasalanan niya 'to! Ano nang gagawin ko neto?!

"Ah, Charlie. Sa library lang ako," narinig kong sabi niya at wala sa huwisyo akong tumango. Buti pa siya hindi namumroblema sa ginawa niya. Samantalang ako... waaahhh.

Nagpalakad-lakad ako nang mabagal. Nag-iisip kung pa'no ako magpapaliwanag kina kuya nang masita na naman ako.

"Ms. Pelaez. Classes are on-going. Ano'ng ginagawa mo't nagliliwaliw ka?"

Matamlay kong nilingon yung nagsalita. "Ah, good morning po, Dean Aya. Ano...napalabas po ako sa klase namin eh."

"And you're okay with that? Hindi ba dapat humingi ka ng tawad sa professor mo para papasukin ka ulit?" tanong niya ulit at umiling-iling pa.

"Ano, kailangan ko rin pong mag-isip eh. Hindi ko na nga po alam kung sino ang pwede kong makausap--" Pagkasabi ko no'n, nanlaki ang mga mata ko at kumapit sa braso niya. Nagulat pa nga siya eh. Lumunok ako ng konting laway. "Dean Aya... may nanligaw na po ba sa inyo?"

Sapilitan niyang tinanggal yung pagkakakapit ko sa kanya. "Ms. Pelaez, I don't have time for this nonsense," saway niya sa'kin at inayos ang salamin saka ko napansing namumula yung mga pisngi niya. Magsasalita sana ako pero inunahan naman niya ako. "Go back to your class or else, mapipilitan akong tawagan ang mga magulang mo."

Nalukot na naman yung mukha ko. "Ehhh, Dean, 'wag po. Importante po kasi ito. Wala pa po akong nasasabihan. Kasi pagagalitan po nila akong lahat 'pag nalaman nila."

"Nalaman nilang ano?"

"Na may gusto pong manligaw sa'kin."

Umiling-iling ulit siya. "Gusto mo ba ang manliligaw sa'yo?"

"Ah...kaibigan ko po siya. Kaya po nagulat ako nung sinabi niya kaninang manliligaw raw po siya," kwento ko.

Nagbuntong-hininga si Dean. "Bakit ba sa tingin mo nanliligaw ang kaibigan mo sa'yo?"

"Kasi gusto raw po niya ako." Ganun naman 'yon diba? Kaya nanligaw si Ray kay bespren Louie, o kaya nung niligawan ni bespren Chan si Krystal, kasi gusto nila sina Louie at Krystal?

"Tama. Gusto ka niya. Pero may karugtong 'yon. Gusto ka niyang ligawan kasi umaasa siyang magiging girlfriend ka niya," malumanay niyang paliwanag. 

Matagal bago ko naintindihan 'yung sinabi niya. Nasampal ko pa nga ang sarili ko. "Yon po ba 'yon?!"

Tumawa nang mahina si Dean. "Bakit manliligaw ang isang lalaki sa isang babae kung wala naman pala siyang mapapala?"

"Oo nga 'no?" natauhan kong sagot. "Salamat po, Dean Aya ah. Medyo malinaw na po sa'kin. Salamat po talaga. Ngayon ko po napatunayan na 'di kayo talaga masungit. Babalik na po ako sa klase! Bye-bye po!" Tumango lang siya bago ako tumakbo pabalik.

Pero malapit na ako sa classroom namin nung may maalala ako. Kinuha ko ulit yung mga papel na pinasa sa'kin at binasa 'yun ulit.

Ano nga ba ang isasagot ko kay Martin? 'Pag pumayag ako sa gusto niya, magagalit sa'kin sina kuya. Pero 'pag hindi naman ako pumayag, baka magalit din sa'kin si Martin at yung mga kaklase namin.

Tsaka 'pag naaalala ko kasi nung umiyak ako dahil kay Nile, o kaya sina bespren ko nung nabasted sila nina Aidan at Krystal, parang ayokong maramdaman ni Martin yung ganon. Alam ko kasing masakit 'yun eh. 

Ayoko ring saktan si Martin.

AAAAHHHH! Kinusot-kusot ko ang buhok ko. Akala ko nalinawan ako pero bakit mas lalo akong nahirapang magdesisyon para sa sarili ko?

====

A/N: Tulungan daw po natin siyang magdesisyon.. hahaha XD charr lang.

Nanjan sa gilid yung letter ni Martin na pinost ko kanina sa FB :D

Natutuwa akong nalulungkot dahil unti-unti nang namumulat ang bebe ng bayan :">

-Ate Hunny

HATBABE?! Season 2Where stories live. Discover now