CHAPTER FOUR

39.7K 984 7
                                    


"A-ANO'NG sinabi mo?" nauutal niyang tanong. Nagkamali ba siya ng dinig?

"You are talking to Dominic del Carmen, Alyna. I own this ranch since my father's death years ago. Wala akong natatandaang nagpakasal ako sa iyo o kahit na kanino pa mang babae," may halong insulto ang tono nito.

Humigpit ang hawak ni Alyna sa shoulder bag niya. "T-there must be some... mistake here..." lalong gumulo ang mga pangyayari sa tantiya niya. "Sta. Quiteria ito at sinabi ng asawa kong taga-San Teodoro siya. Maaaring kapangalan mo lang. And, of course, you are not my husband. ''

Tumaas ang isang sulok ng mga labi ng lalaki. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Umikot sa harapan at sa gilid ng mesa naupo.

"Mula sa airport, kung nag-eroplano ka, at kung hindi ako nagkakamali ay hindi kukulangin sa sampung bayan ang dinaanan mo bago ka nakarating dito. And you can start counting another ten towns after Sta. Quiteria pero tinitiyak ko sa iyong ito lang ang Rancho del Carmen at ako lang ang Dominic del Carmen." Hindi siya makapaniwala sa narinig. She's very tired and weary. Kung maaari lang ay mahiga na siya. Nasayang ba ang pagtungo niya rito? Nasaan at sino ang lalaking pinakasalan niya?

Mabigat ang katawang tumayo siya. "I am...really very sorry for the inconvenience, Mr. del... del Carmen. Sinabi mo sana sa akin ito habang naroon pa tayo sa San Teodoro."

"Baka hindi mo ako paniwalaan kaya ipinakita ko sa iyo ang buong rancho."

"Tatanawin kong malaking utang-na-loob kung may isa kang tauhang maghahatid sa akin sa istasyon ng bus," nakikiusap ang tinig niya pero sinikap niyang itaas ng bahagya ang ulo upang mapanatili ang pride. Gusto niyang umiyak.

Nakita ni Dominic ang lahat ng emosyon sa mukha niya. Tumikhim ito bago nagsalita. "The next bus to the airport will be tomorrow morning, Alyna. Bakit hindi ka dumito sa buong magdamag and be my guest?"

Umiling siya. "T-thank you. Pero siguro ay may hotel sa San Teodoro..." napapikit siya. Panibagong gastos na naman iyon. Nabawasan na ang naipon niyang inihanda para sa panganganak.

"Believe me, walang hotel sa bayan ng San Teodoro. At sa pagod na nakikita ko sa iyo, hindi mo gugustuhing matulog sa istasyon ng bus. Huwag ng idagdag pa ang namumuong sama ng panahon." lumingon ito sa bintana. Nagsisimula nang pumatak ang ulan.

Sinikap niyang huwag ibagsak ang namumuong mga luha. "I... I have never been away from home, and..."

"Hindi ako masamang tao, Alyna, kung iyon ang inaalala mo. And I don't ravish pregnant women, young and beautiful they may be," napahugot ng paghinga si Alyna sa obvious na compliment. "Isa pa, may mga katulong akong babae rito," assurance ni Dominic.

"I...I do not want to impose..."

"Please, I'm inviting you as a guest. Let us introduce ourselves properly," nakangiting wika nito na humakbang papalapit sa kanya. Namangha si Alyna sa transformation ng mukha nito mula sa matiim na anyo at sa pagngiti. Naipanganak na ba ang babaeng kayang i-resist ang ngiti nito?

"Ako si Dominic del Carmen..." inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm twenty six at binata pa rin. Hindi ako masamang tao kahit na ipagtanong mo sa buong bayan ng Sta. Quiteria. Well, hindi ganoon ang sasabihin sa iyo ng mother ko had she been alive... "

Inabot niya ang palad nito na kinamayan siya nang mahigpit. Sinikap niyang ngumiti para sakyan ang biro pero hindi niya magawa. She's too tired, weary, and confused.

"Alyna... del Carmen," maagap niyang idinugtong ang apelyido.

"This is some kind of a joke, don't you think?"

"Perhaps," sagot nito na hindi binibitiwan ang kamay niya. Nakatitig ito sa kanya. Umiwas siya ng tingin. Inakay siyang muli ni Dominic palabas ng study. "Sasamahan kita sa guest room, Alyna, para makapagpahinga ka. Ipatatawag na lang kita kay Nana Marcing sa oras ng hapunan."

"Ano ang sasabihin ko?" Tumingala siya at tumingin kay Dominic na nakatitig din sa kanya. May ilang segundong pinalipas ang binata bago sumagot.

"Walang kailangang sabihin. Just rest." Nag-alis ito ng bara ng lalamunan at isang malapad na pasilyo ang pinagdalhan sa kanya. Isang pinto ang binuksan nito. Tumambad sa kanya ang isang maaliwalas na silid. Soft yellow ang wall paper at makintab na narra parquet ang sahig.

Natuon ang pansin niya sa four-poster bed at kung hindi lang nakakahiya ay talagang gusto na niyang mahiga.

"Will you be comfortable here?"

"Natitiyak ko. Maraming salamat, Mr. del Carmen..."

"Dominic, Alyna," sagot nito na lumakad patungo sa isang pinto. "This is the bathroom. Adjoining ito sa kabilang silid na isa pa ring guest room. Puwede mong i-lock ang connecting door. Ipapasok ko ang maleta mo," pagkasabi noo'y lumabas ng silid si Dominic at marahang isinara ang pintuan.

Inilatag ni Alyna ang sarili sa malambot na kama. Tumitig sa kisame. Ano ang gagawin niya ngayon? Nasaan ang asawa niya? Paano niya makikita ito? Muli siyang napapikit nang maramdamang bahagyang humilab ang tiyan niya.

Nasobrahan siya sa pagod. Masuyo niyang hinaplos ang tiyan at bumulong. "I'm sorry, love... pati siguro ikaw ay napagod. Sana ay makita na natin ang daddy mo..." may pag-asam niyang sinabi at ipinikit ang mga mata.

HINDI na namalayan ni Alyna ang muling pagpasok ni Dominic. Nakatayo ito sa gilid ng kama at pinagmasdan ang magandang mukhang tulog na tulog.

How can this woman afford to look so innocent and sweet gayong nagkaasawa na at nagdadalang-tao pa? bulong ni Dominic. Sino ka, Alyna, at sinong Dominic del Carmen ang hinahanap mo?

"Hindi mo na ba siya gigisingin, Dominic?" tanong ng matandang babae na sumungaw sa pinto,

"Tulog na tulog siya, Nana Marcing. Mas kailangan niya ng pahinga. Ang layo ng biniyahe niya," sagot nito na hindi inaalis ang mga mata kay Alyna.

"Ngayon ko lang siya nakitang dumalaw rito sa rancho, Dominic. Matagal na ba kayong magkakilala?"

Nagbuntong-hininga ang lalaki. "Biyuda siya ng isa kong kaibigang taga-Maynila, Nana Marcing..." Bakit niya sinabi iyon?

"Kawawa naman," may simpatiya sa tinig ng matandang katiwala. "Aba, eh, napakabata pa niya para mabiyuda. Nagdadalang-tao pa," tumango lang si Dominic. Nakatitig pa rin kay Alyna. "Iwan mo na at natitiyak kong bukas na ang gising niyan," wika nito bago lumabas ng silid.

Kinuha ng binata ang isang kumot mula sa closet at maingat na kinumutan si Alyna. Binuhay ang lampshade sa tabi ng kama at pinatay ang main light. Pagkatapos ay lumabas ng silid.

Dominic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon