CHAPTER TWELVE

38.8K 915 12
                                    


"Ako nga, Alyna," nakangiting lumapit sa kanya si Rex. Sinulyapan ang batang nasa kandungan niya. "Iyan ba ang anak..."

"Ang anak ko, Rex!" mabilis niyang agap na agad tumayo upang hindi malapitan ni Rex ang bata.

"Ihahain ko na ba ang.... Rex!" Si Nana Marcing. "Nakikiramay ako sa nangyari, Rex. Alam kong mahal na mahal mo si Lilet..."

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Rex at nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. Napansin din ni Alyna ang pangingitim ng ilalim ng isang mata nito na tila blackeye. Marahil sa kakulangan ng tulog dahil sa mga nangyari dito.

"Talagang ganoon ang buhay. Nana Marcing. Parang sugal. Minsan kang manalo, minsan kang matalo." nagkibit ito ng mga balikat.

''Nana Marcing, pakipanhik nga po sa nursery si Nico," iniabot niya ang bata sa matandang katiwala at sinamahan hanggang sa may puno ng hagdan. Paghakbang niya pabalik ay nasa harap na niya si Rex.

"Motherhood suits you, Alyna," hinagod siya nito ng tingin. May kakaibang kislap sa mga mata. Isang nylon jeans ang suot niya na humakab sa magandang hubog ng katawan. "You were so slim when I met you! bagaman sexy kang talaga. But now it seems you've gained weight at the right places." ;

"Nakikiramay ako sa pagkamatay ng asawa mo Rex...," patuya niyang sinabi. She does not want to be bitchy at the expense of another woman, lalo at wala na ito. Pero hindi niya mapigil ang sarili. Lumakad patungo sa malaking sala kung saan malayo sa pandinig ng mga katulong.

"Patawarin mo ako, Alyna," nagsusumamong wika ni Rex. His face repentant. "Alam kong malaking kasalanan ang nagawa ko sa iyo. But I desired you when I first saw you. I wanted you. At hindi ka papayag sa isang relasyon nang wala ang isang pirasong papel..."

"Kaya dinaya mo ako, ganoon?" Ipinagkrus niya sa dibdib ang mga braso. "At basta mo na lang iniwan...." may bittemess sa tinig niya.

"Hindi ko gustong gawin, Alyna. I would have stayed a little longer kung hindi tumawag si Lilet para pauwiin ako dahil sa kumpirmasyong nagdadalang-tao siya. And I would have come back kung hindi lang nagkaroon ng komplikasyon ang pagdadalang-tao niya."

"At gawin akong kept woman. Sa tuwing uuwi ka dito ay sasabihin mo sa aking na-assign ka sa malayo. Iniisip mo bang papayag ako sa ganoong arrangement, Rex?" singhal niya rito.

Apologetic ang mukhang tumingin sa kanya ang lalaki. "Hipag na kita ngayon, Alyna. Kung bakit pinakasalan ka ni Dominic sa napakaikling panahon ay isa pa ring palaisipan sa akin. Sana'y mapatawad mo ako sa mga kasalanan ko sa iyo."

Huminga nang malalim si Alyna. Nakadama siya ng awa sa anyo ni Rex. Nawalan lang ito ng asawa at anak. At kung tutuusin ay hindi naman siya napasama. Mag-asawa na sila ni Dominic at hindi man siya iniibig nito'y maligaya siyang napakasal dito.

"You're better off now that you're married to the high and mighty Dominic del Carmen, Alyna." Bitterness ba o pananaghili ang nahihimigan niya sa tinig nito? "And in one way or another, you owe me that..."

Muli siyang nagbuntong-hininga. "Pinatatawad na kita, Rex," marahang sabi niya. "And you're right, I'm starting life anew with my husband. Kami ng anak ko. Gusto kong kalimutan na ang lahat."

Ngumisi si Rex sa sinabi niya. "Salamat, Alyna. You wouldn't really mind if I kiss you bilang pasasalamat sa pagpapatawad mo at bilang pagtanggap na rin sa pamilyang ito," at bago pa nakakilos si Alyna ay hinapit siya ni Rex at hinagkan. At kung hindi niya naiiwas ang mukha niya'y baka sa mga labi niya dumapo ang halik nito. Sa halip ay sa pisngi.

"Hrmp..."

Napalingon ang dalawa sa malaking pinto. Si Dominic, na madilim ang mukha.

"Oh, Dominic," ani Rex na binitiwan si Alyna. "I hope you don't mind. Isang pagbati lamang iyon sa dating kakilala na ngayon ay hipag ko na, hindi ba Alyna?" Nilingon nito si Alyna na walang maapuhap na sasabihin. Ano ang iniisip ni Dominic sa kanya?

"Hindi mo sinabi sa aking uuwi ka rito, Rex," ani Dominic na inilapag ang susi ng pick-up sa mesa Lumakad patungo sa bar.

Inilahad ni Rex ang dalawang kamay kasabay ng pagkibit ng mga balikat. "Hindi ba ako welcome dito Dominic? This has been my home until two years ago! bago ako nagpakasal kay Lilet..."

"Hindi iyon ang sinabi ko, Rex Hindi mo sinabing dito ka uuwi ngayon," nagsalin ito ng alak sa baso.

"Hindi ko kailangang sabihin sa iyo ang mga gagawin ko, Dominic. Isa pa, wala na si Lilet at ang anak namin. Ano pa ang dahilan para manatili ako sa bahay ng mga biyenan ko. Dito ko gustong umuwi. Natitiyak kong hindi mo tututulan iyon."

Sandaling hindi kumibo si Dominic. Si Alyna ay pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang lalaki. Ngayon niya gustong itanong sa sarili kung ano ang nagpangyari at pinahintulutan niya si Rex to sweep off her feet like some foolish teenager.

In one gulp ay inubos ni Dominic ang laman ng baso bago nagsalita. "Gamitin mo ang isang silid sa kanlurang bahagi ng bahay, Rex. Ang dati mong silid ay isa ng nursery ngayon," walang emosyong wika nito.

"Oh! Well, I don't mind the room changes lalo na at ang anak—"

"Naroon ang anak ko, Rex," pagdiriin ni Dominic sa mapanganib na tono. Napasinghap nang marahan si Alyna sa anyo ng asawa. Tumigas ang mukha nito sa pagkakatitig sa kapatid. Naghahamong pasubalian ang sinasabi.

Tila patalim na humihiwa ang tensiyong namagitan at sukatan ng tingin ng dalawang lalaki. Unang nagbaba ng tingin si Rex na nagkibit ng mga balikat. Hindi alam ni Alyna na nagpipigil siya ng hininga sa nakalipas na mga sandali. At nagpasalamat siya ng lihim sa muling pagsungaw ni Nana Marcing.

"Narito ka na pala, Dominic," wika nito na nagsasalubong ang mga kilay sa pagkakatingin sa dalawang lalaki. "Nakahanda na ang mesa."

Tumikhim si Alyna at naunang kumilos palabas sa dining. Sumunod si Rex. Nakaupo na sila nang pumasok si Dominic at maupo sa kabisera. Maliban kay Nana Marcing at Alyna ay hindi nagsasalita ang dalawang lalaki. Nagtataka man ay pinalampas na ng matandang katiwala. Alam nitong nagagalit si Dominic.

Anim na taon si Rex nang pakasalan ni Senyor Felipe si Adela at dalhin sa Villa del Carmen. Makalipas ang isang taon ay ipinanganak ni Adela ang kaisa-isang tagapagmana ng mga del Carmen, si Dominic. Sa mga kamay na ng matandang katiwala lumaki si Dominic at higit na kabisado nito ang pag-uugali kaysa kay Rex na laging kagalit ang mga katulong at mga tauhan sa rancho.

Dominic (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon