Pagod ko siyang nginitian. "Yeah. One week, you can have my signature by then,"

He opened his mouth to say something but he chose to keep his mout shut. Tumango na lang siya at para bang pagod na rin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil naalala kong ngayon ko pala paliliguan si Uno dahil papabakunahan ko siya sa kabilang baryo.

Mabilis nagbihis ng isang simpleng puting shirt at maong shorts. Hindi pa ako maliligo dahil siguradong marurumihan ako ni Uno mamaya.

Naalala ko noon, hindi ako makapagsuot ng isang damit na makikita ang balat ko. I have to hide my scars that I made before. There's no visible scars on my skin anymore but it will always be in my mind and heart. Mananatili iyon haggang sa hukay ko. Dadalhin ko 'yon hanggang sa kabilang buhay ko.

Pagkababa ko ay nagulat ako nang makita ko si Sylvester na pinagkakasya ang sarili niya sa sofa na nasa sala. There's a vacant room upstairs, he should go there for him to have a nice sleep.

Well, bakit ko ba iniisip 'yon? That's his choice. Bahala siya sa buhay niya.

Ang tanging unan lang niya ay ang mga throw pillows na nasa sofa. Yakap niya ang kaniyang sarili na para bang nilalamig.

Paanong hindi siya lalamigin, e, iniwanan niyang bukas ang bintana. Hindi na ako magtataka kung pagkagising niya ay may sakit siya.

Parang naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya kaya nang idilat niya ang kaniyang mga mata ay nagtagpo ang mga titig namin.

Kaagad siyang bumangon at humikab pa. Bahagyang tumaas ang laylayan ng kaniyang suot na dami kaya nakita ko ang tiyan niyang mabato. He's really a grown up man! I can't believe that he could be more gorgeous without even trying.

Sinuri ko ang mahaba niyang buhok na bagay na bagay sa kaniya. Parang gusto kong ngumuso habang tinitignan siya. Ayokong itanggi na bagay talaga sa kaniya ang ganiyang buhok at nakakatakot na baka mas bumagay sa kaniya ang mas pormal na gupit.

"Good morning, sweetheart." paos ngunit malambing niyang sabi.

Kumabog ang aking dibdib habang nakatingin sa kaniya. Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon, hindi ko ito inaasahan. Parang namasa ang aking mga palad kaya kinailangan ko itong ipunas sa likuran ng shorts ko.

"Where's my good morning kiss?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Hibang ka na ba?"

Nginisian niya lang ako at hinawakan sa aking kamay. Marahan niya akong hinila kaya napaupo ako sa kaniyang kandungan.

God, I could feel his hot breath on my neck! It's normal for people to have a bad breath in the morning but he smells like strawberries with a hint of mint. For damn's sake, this is so unfair!

"Remember the deal?" dinampian niya ako ng halik sa aking pisngi. "Come on, don't make this so hard for the both of us."

Parang bumagsak ang buong sistema ko dahil sa sinabi niya. So apparently, he's doing this for his own good. He wouldn't do this if it's not because of my offer! This is all just part of his acts, ang tanginang 'to!

I smiled sarcastically as I gave him a peck on his nose. "Good morning, lover boy. Let's take a bath?"

Nakita ko kung paano siya napalunok dahil sa sinabi ko. Alam kong hindi niya inaasahan iyon dahil kahit dati ay hindi naman ako ganoon sa kaniya. I'm always shy and depressed back then. A huge manang with mental issues.

"T-take a bath?" medyo utal niyang tanong.

"Yeah, isasama natin si Uno." tinaasan ko pa siya ng kilay.

Lionhearted Planet (Ellington Series #4) (SELF-PUBLISHED)Where stories live. Discover now