"Specifically, Ano ba ang nararamdaman mo?"

"Well..... Na-co-concious ako kapag nasa paligid sya, mas lalo na kapag tinititigan nya ako. Grabe cuz!!! Para akong matutunaw!!! Aaayayyyiiiii"

"Oh my gosh.. Kinilig na," she rollled her eyes in disgust.

"When he touched my hand, pakiramdam ko may kurienteng dumadaloy sa buong katawan ko..tapos... Taposs..... Hindi ako mapakali.. Kanina nga ang lakas ng aircon pero pinagpapawisan ako!"

"Tsk.. Tsk.. Tsk... "

"At higit sa lahat.. Pakiramdam ko palaging nagwawala ang puso na parang aatakihin ako!"

"Delikado.... Malala ka na!"

"Hindi naman... Kaya ko pa sigurong kontrolin ito. In think."

Tinalukuran ko na sya ulit at sinikap kong magconcentrate ulit sa ginagawa ko. Pero lumulipad ang isip ko patungo kay Air."

"Hmmm... Bakit kailangan mong kontrolin?"

Umikot ulit ako at hinarap ko ulit sya.

"Can't you see... He's the biggest player in town! Ikaw ang fan nya diba, dapat ikaw ang mas nakakaalam nyan."

Hindi nya ako kinontra sa sinabi ko at nagkibit balikat sya. Well, kay Gaygie na nga mismo nanggaling ang reputasyon ng bossing nya.

"Pero alam mo cuz... Sa tingin ko talaga, tinamaan sa yo yon. As in sapul na bullseye pa."

"I don't know. Hayaan na lang muna natin."

"Paano kung manligaw? Sasagutin mo?"

"Ewan... Hindi ko alam. Natatakot kasi ako sa personality nya. Parang.... lolokohin nya ako."

"Hindi naman siguro! IDOL ko yon a!" 

"E sa iyon ang nakikita ko e."

"Sige, kapag ayaw mo, akin na lang sya a.. Ako na bahalang manligaw!"

Hinagisan ko sya ng throw pillow.

"Baliw!"

"I know. Pero may mas baliw pa kaya sa akin... si babaeng gremlin."

"Hoy, wag mo ngang asarin yon, baka kagatin ka non. nakakatakot!"

Nagtawanan kaming dalawa. Masarap lang asarin si Gaygie. Maulit kasi. saka kahit na noong una ay naiinis ako sa kanya, mabuti din syang tao. It shows on the way she takes care of Air. talagang concern sya sa kanya, hindi dahil sinusweldohan sya. 

May kumatok at hindi na inantay ang pagbubukas ay pumasok na ito.

"Lola madam! " masayang bati namin sa matanda. Umupo sya sa tabi ni ate ja.

"Naku! Ang mga apo ko talaga, mga dalaga na! Haaaayyy... Dati ay kasing laki lang kayo ng daga, ngayon mga damulag na kayo!"

"Lola naman! Ikumpara ba kami sa daga!"

" o sige, hamster na lang. Cute yon a. "

" si lola talaga." Sabi ko. "La..."

"Hmmmm?"

"Ummmmm.... Anong pinagusapan nyo nila mommy?" Maingat na tanong ko. Kinakabahan kasi ako. Pagkatapos na pagkatapos mag-dinner ay nagkulong na yung dalawa sa guest room at hindi ko alam ang pinag-uusapan nila. Dahilan para kabahan ako. HIndi ko kasi alam kung sasabihin ni Lola kay mommy ang mga nangyari sa bahay na ito kaninang hapon.

"Kamustahan dito,, kamustahan doon.. The usual stuff... The boring stuff. You don't wanna know. tutulugan mo lang ako."

Medyonakahinga ako ng konti pero hindi pa din ako satisfied. Nyiiii... Itatanong ko ba? Pero mas ok na sigurong malaman ko kesa naman nangangapa ako kung kausap ko si mommy.

The AIR i BreatheWhere stories live. Discover now