Sa galit na nararamdaman ko. Tumayo ako at hinarap ang taong gumawa non. Dahilan para makita ko ang nandidiring mukha ng mga tao dito. At talagang nagawa pa nilang tumakip ng ilong? Samantalang ako itong nabuhusan, hindi man lang tumakip!

" Mabaho ba? Dapat lang yan sayo.. ang yabang mo kasi. " sabi nong babaeng nakabangga ko kanina sa may hallway. Bea yata ang pangalan niya?

" Ikaw ba ang gumawa nito? " seryusong tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin na mas lalong kinainis ko.

" Hindi ako ang gumawa.. pero ako ang nag-utos. " sabi nito.

Letse! Talagang proud pa syang sabihin yun? At kahit naman sya ang nag-utos.. sya parin ang gumawa non. At talagang nakikita ko pa sa mukha niya na masaya sya sa ginaw niya. E.. kung ipakagat ko kaya sa aso yang mukha niya? Tingnan natin kung may ihaharap pa sya.

" Ganun ba. " sabi ko habang kinukuha yung pinggan na may lamang spaghetti saka unti-unting lumapit sa kanya.

" What are you doing? " nagtataka nitong tanong sa akin ng makalapit na ako sa kanya.

Napalayo naman yung ibang malapit sa akin, dahil naamoy nila yung baho ng egg white. Mga tanga kasi, alam naman nilang mabaho akit itinapon pa nila sa akin?

" Gusto ko lang kasi malaman mo na mas masarap sa pakiramdam kapag ikaw ang gumawa. " seryusong sabi ko sa kanya, kasabay don ang pagdikit ko ng pinggan na may lamang spaghetti sa mukha niya.

Nagtitili naman siya sa ginawa ko. At hindi pa ako nakuntento. Kinuha ko yung pasta sa pinggan at inilagay sa buhok niya. Yung iba ginawa kung kwintas sa kanya. Hinubad ko yung T-shirt ko na may mga egg white saka ipinunas sa katawan at sa mukha niya. Pagkatapos nito, ipinasuot ko pa sa kanya yung T-shirt ko. Nagtitili sya sa pinagagawa ko sa kanya, pero hindi ko sya pinakinggan. Narinig ko pang napagsinghapan ang mga taong nakatingin sa amin at biglang tumahimik ang palagid.

Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya.. kinuha ko yung phone ko saka sya kinuhanan ng litrato. Kitang-kita ko pa sa mukha niya na hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Ngumiti lang ako sa kanya at lumapit saka may ibinulong sa kanya.

" You are a bitch. Then.. I'm a bitchier. " bulong ko sa kanya sabay bangga ng balikat niya at umalis sa kanilang harapan.

Lumabas ako ng cafeteria na nakasundo black lang. Wala akong pakialam kung maraming nakakita sa akin na nakasando lang.  Kasalanan naman nila kung bakit nakasando lang ako. At isa pa, nandon na kay Bea yung damit ko. Wala akong balak kunin yun dahil sobrang baho na yun at basa dahil sa ginawa nila. Kahit mahal yun pagbili ko don. Hindi ko yun kukunin, kanya na yun.

Hindi sana mangyayari yun sa kanya kung hindi nila ako inunahan. Hindi naman talaga ako sobrang nagalit sa ginawa nilang pagbuhos sa akin kanina. Sa katunayan nga, balak ko nalang sana umalis at hindi nalang sila pansinin. Para lalo silang mainis sa akin.. pero maling pagkakataon kasi ang pagbuhos nila sa akin ng ganun eh.

Binuhusan nila ako habang kumakain ako? Sino bang hindi magagalit don? Gawin na nila kung ano ang gusto nilang gawin sa akin. Pero huwag lang nila ako esturbuhin habang kumakain ako. Dahil talagang makakatikim ka sa akin ng higit pa sa ginawa mo.

Lakad lang ako ng lakad at hindi ko na alam kung ano ang dinadaanan ko. Hanggang sa makita ko si Oscar na papalabas sa isang pinto.

Nagmamadali akong lumapit sa kanya at agad syang tinulak pabalik sa loob. Isinara ko naman ang pinto ng makapasok ako dito.

" What the- " gulat nitong sabi habang nakatingin sa akin.

" K-KC? " sabi nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, saka nakakunot noo na nakatingin sa akin.

" Anong nangyari sayo..
A-and what kind of smell is that? " inis nitong sabi sabay takip ng ilong niya.

Kalalakeng tao ang arte. Upakan ko kaya toh? Ako nga itong nabubusan, hindi tumatakip ng ilong... Sya pa kaya?

" Tsk! Saan ba ang banyo niyo? Kanina pa ako nang-aamoy dito. " inis kung sabi sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin at mukhang hindi niya yata nakuha ang ibig kung sabihin. Napatingin naman ako sa pinasukan ko. Sa kabuuan ng pinasukan ko... halatang hindi ito isang class room. May mga gamit kasi dito sa loob. Katulad nalang ng sofa, TV, speaker at kung ano-ano. Malapad sa loob, kaya hindi nakakapagtaka na may kusina din dito. Pero napadako ang mata ko sa dalawang pinto na nasa likod ni Oscar.

Isa siguro sa kanila ang banyo?

Napatingin ulit ako kay Oscar na hanggang ngayon nakatingin parin sa akin. At mukhang kanina pa yata hindi kumukurap. Talagang tulala lang kasi syang nakatingin sa akin. Parang asong naulol? Hahahaha....

Nang hindi parin niya sinagot ang tanong ko sa kanya kanina. Iniwan ko na siya doon at saka pumasok sa isang pinto na nakita ko kanina. Bago ko pa man tuluyang nasara ang pinto. Narinig kung nagsalita na din si Oscar.

" W-wait! Hindi dyan ang- " hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng isinara ko na ng tuluyan ang pinto.

Bahala siya dyan sa buhay niya. Tinatanong ko siya kanina kung saan ang banyo. Tapos ngayon nakapasok na ako.. don niya pa ako pigilan? Baliw lang!

Ang Probinsyanang PalabanWhere stories live. Discover now