Affect 11

1.8K 38 11
                                    

My Darling...

AKEMI'S POINT OF VIEW

Pagmulat ko ng mata ko ay ramdam ko ang ngimay. Hindi ko maramdaman ang sarili kong mga kamay at paa. Napagisipan kong kurutin ang isa kong kamay at tama nga ang hinala ko, manhid sila. 

Nilibot ko ang aking mga mata. Napagtanto ko na nasa ospital ako. Agad kong hinanap kung may kasama ba ako. Ngunit ni isa, wala akong makita. 

"Is she alright"

"I still don't know, the doctors won't let us in. They said we can only get in when she's awake"

Mga usapan na naririnig ko sa labas. Gusto ko man tingnan kung ano yung nasa labas, hindi ko magawa. Para akong nakatali. Hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko. Inintay ko na lang sila na pumasok.

Dahan-dahang bumukas yung pinto. Iniluwal nito ang mga lalaking nakaputi. Hindi ko sila kilala. "Gising na pala si Ms. Akemi. Kindly call her dad" malumanay na sabi ng isang lalaki. Tumang naman yung kasama niya at saka naunang umalis. Sumunod naman agad silang lahat. 

Ako lang ulit yung naiwan sa loob. Maya-maya pa ay may narinig akong mga yabag. Sa tingin ko ay papasok sila dito sa kwarto ko. 

"AKEMI" sabay na sabi ni Akane at Ken. Nag unahan pa sila sa pag takbo pero sabay din sila na yumakap sakin. "Ehem" narinig kong pag-ubo ni Hiro. Lumapit siya sa amin at hinatak si Ken palayo sakin. "Na miss ko lang naman si Akemi, wag ka na magselos dyan" narinig kong sabi ni Ken.

Tumawa naman ng tahimik si Reiji. "Bakit ka natawa?" mahinhing tanong ni Riye. "Tara sa labas, I'll explain" pagyayaya sa kanya ni Reiji.

Dalawang minuto na ang nakalipas simula ng umalis sila Reiji nang biglang tumili ng pag kalakas-lakas si Akane. "Ikaw, Hiro ah?" sabi ni Akane na may panunukso ang tono. "Ano bang nangyayari?" nagtatakang tanong ko. 

"Kasi, Akemi, si Hiro kasi eh, ano" sabi ni Akane. "Ano?" natatawa kong tanong. "May gusto si Hir-" naputol naman ang sinasabi ni Akane ng hatakin siya palabas ni Ken. 

Kami lang ni Hiro ang naiwan sa loob. "Ano bang meron, Hiro?" tanong ko sa lalaking nakatayo sa tabi ng kama ko. "There's nothing, matulog ka na lang or magpahinga" sabi niya sakin. "Eh sabi ni Akane may gusto ka daw eh, ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Yun ba?" tanong niya saka pinunasan ang pawis na namuo sa mukha niya. Naka aircon naman kami. Tumango ako. "May gusto ako sayo" sabi ni Hiro na parang wala sa sarili. "Huh? Okay ka lang ba Hiro? Ikaw? May gusto sakin?" natatawang tanong ko. 

Nanlaki naman ng mata ni Hiro. "S-sino nagsabi sayo ng ganan?" tanong niya. "Ikaw" seryoso kong tugon. "Ahh, what I mean is may gusto akong sabihin sayo" nako naman Hiro! Di kasi nililinaw eh. Umasa ako ng slight. 

"Ano yun?" tanong ko sa kanya. "Pwede ka bang maging partner sa Japanese Week?" tanong nito sa akin. "HAHAHA oo naman" pag sang-ayon ko sa kanya. 

Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Darwin. "Rainie, pwede ka bang makapartner sa Japanese Week?" pambungad na tanong ni Darwin. "Ah, eh, kasi Darwin-" paliwanag ko pero agad na pinutol ni Hiro. "No! You can't! I'm the first one! She's my date! Go find yours" sabi ni Hiro na parang bata na may nakaaway.

"Shut up! Let my Rainie pick" sabi ni Darwin.

"Correction: my Akemi" pagtatama ni Hiro.

Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Papa. "Excuse me boys, but she's my darling" seryosong saad ni Papa. "HHAHAAHHAHAHHAAHAHHA cringe over 999" malakas na tawa ko.

"My darling, Akemi, can date both of you" maikling saad ni Papa. 

Tantei High: Atama AffectWhere stories live. Discover now