Affect 5

2.7K 43 10
                                    

Happy Place.

(A/N: Andyan po si Darweyn...)

AKEMI'S POINT OF VIEW

Tulala. Yan. Yan ang kalagayan ko ngayon kung titingnan mo ako.

Tanong. Mga bagay na di maalis sa isipan ko.

Sagot. Mga bagay na hindi ko makuha sa ngayon.

In short, preoccupied ako ngayon.

Ilang oras na ba akong ganito? Syempre simula nung umalis si Papa dito.

"Akemi are you okay?" tanong sa akin ni Reiji. Tango na lang ang naisagot ko. "Sure ka ba Akemi?" pagsisigurado naman ni Ken. Aish. Ang kulit! Oo sabi eh. "Oo" tipid kong sagot. "Hiro anong nangyari kay Akemi?" tanong ni Akane. "Hiro nii-san, di ba kaya mong basahin utak ni Akemi nee-san?" tanong naman ni Riye.

'Hey, are you okay?' mahinahong tanong sa akin ni Hiro. Sanay na ako kaya di ko na kailangang magulat pa. Pero bakit ganon? Masarap sa pakiramdam marinig yung boses niya. Nakakaginhawa. 'O-oo naman' sagot ko pabalik. 'You want some apple?' tanong niya. Oo nga no parang gusto ko ng mansanas. 'Just look at us and smile, then I'll give you one' sabi niya.

Agad akong humarap sa kanila at ngumiti ng sobrang lapad. Nakita ko naman na pumunta sa lamesa si Hiro at kumuha ng mansanas. "Here you go" sabi niya sabay abot ng apple.

"Napaka astig naman ng magic mo, turuan mo nga ako" sabi ni Ken kay Hiro. "Ayoko para sa gwapo lang yun na tulad ko" nag tagalog na naman si Hiro at sabay tumawa pa ng tumawa. Sanay na naman kami kaya wala ng mga OA dito pag nagtatagalog or natawa si Hiro.

"Edi ako Hiro tuturuan mo?" tanong naman ni Reiji. "Bakit gwapo ka ba?" tanong pabalik ni Hiro. "Oo naman yes" sagot ni Reiji. "YAKKK!!! ASA!!" sabay sabay na sigaw naming mga babae at napuno ang kwarto ng aming mga tawa.

"Welcome back Akemi!!" makabasag eardrum na duet nung dalawang OA. Sino pa ba? Edi si Ken at si Akane. 

"Kala niyo naman nawala si Akemi, wag ngang O.A." pagsasaway ni Reiji sa dalawa dahil sinilip kami ng nurse dito para makita kung ano ang nangyayari sa amin sa loob.

"Asan yung trash can?" Tanong ko para matapon ko na ang buto ng mansanas. "There." Sagot ni Hiro sa akin at tinuro ang basurahan katabi ng pinto. Kinuha ni Akane yung buto at shinoot. Sa kasamaang palad, hindi nag shoot, agad kong tinitigan ang mansanas at kusa itong lumutang at pumasok sa trash can. "Three points para kay Akemi!" Sigaw ni Ken. "Tanga! Ako baga yung bumato nun" pang di depensa ni Akane. "Di mo naman na-shoot" sabi ni Ken at nagaway pa sila ni Akane. Wala ako sa mood makinig ng away nila.

Bumukas ang pinto at iniluwal nun si Dra. Yuuki. "Akemi, Ken, pwede na kayong lumabas ng ospital" sabi niya at ngumiti. "Yes!" Malakas na sigaw naming dalawa. "I'll go ahead, madami pa akong aasikasuhin" pagpapaalam sa amin ni Dra. Yuuki.

'Hindi ka pa marunong gumamit ng black dimension, right?' Tanong ni Hiro sa isip ko. 'O-oo' medyo na bigla kasi ako. 'Huh? Bakit marunong ka na gumamit ng sixth sense ni Ms. Miyamoto?' Tanong niya ulit sa akin. Oo nga noh? Bakit nga ba? 'E-ewan ko?' Patanong na sagot ko sa kanya. Kahit kasi ako hindi alam ang isasagot. Tango na lang ang naisagot niya.

Bumukas na naman ang pinto at niluwal nito si Papa. "Pa!" Tawag ko sa kanya. Sandali niya akong tinapunan ng tingin at ngumiti, pagkatapos nun, tumingin siya kay Hiro. At parang nagusap gamit ang isip. Teka? Si Hiro ba ang tumawag kay Papa?

Tantei High: Atama AffectWhere stories live. Discover now