26_The Runway Scene

Start from the beginning
                                    

“Thank you. Ikaw ba ang gumawa nito?” tanong ko dito.

“Oo. Ako ang gumawa niyang. Sabi ko na nga ba at babagay sa’yo ang kulay at design.” Umalis si Kaye sa harapan ko at may kinuha na isang pair ng stilettos at isang mask sa cabinet.

Tumaas ang isang kilay ko nang makita ang mask. Bakit may mask? Fashion show naman ang pupuntahan ko at hindi isang masquerade party.

“Suot mo ‘yan. Alam kong nagtataka ka, ang theme kasi ng fashion show ko ay about masquerade. Ang mga dress at gown na irarampa ng mga models ko ay for masquerade parties.” Paliwanag nito sa akin.

“Kaya naman pala. Bakit hindi mo sinabi kaagad?”

“Alex, makakalimutin ka na talaga. Ito ang napili nating theme diba? Para hindi kayo makilala kapag pinagkaguluhan na kayo ng mga media sa show mamaya. Para matago ang identity niyo.” Talaga? Bwiset naman! Bakit kasi wala akong maalala? Hay.

“Ah, ganon ba? Ok.” Kinuha ko na ang mask at sinukat naman ang stilettos. Parehas kami ng shoe size ni Kaye kaya hindi ko na kailangan mag-alala kung maliit o malaki ang size sa akin.

Dumating ang isang make-up artist at hairstylist ni Kaye para ayusan ako. Dahil nga may mask kami, hindi na nila ako nilagyan ng masyadong make-up at simple lang din ang style na ginawa sa buhok ko.

Habang inaayusan ako ay inexplain ulit sa akin ni Kaye ang gagawin namin kapag si Carmi na ang naglalakad sa runway.

**********

Nandito na kami sa venue kung saan gaganapin ang fashion show ni Kaye. Simple lang ang ayos niya dalhin mag-aasikaso pa siya ng mga models niya backstage.

Nakaupo na ako sa mismong tapat ng runway. Magkatabi kami ni Sander pero wala siya ngayon. Nasa backstage siya at ginagawa na ang first move para sa plano namin. Ano ‘yon? Flirt with Carmi. Yes, kailangan niyang makipag-flirt kay Carmi para makuha ang loob nito. Pero knowing Carmi, alam kong bibigay ‘yon kaagad lalo na pagdating kay Sander.

Inikot ko ang paningin ko sa loob ng hall, lahat ng guest sa show na ay mga naka-mask din. Sabi ni Kaye, required daw iyon bago makapasok ang guest sa loob. Nakapwesto na din ang media sa loob. Nagkalat ang mga photographers at cameramen sa loob ng hall.

Nagulat na lang ako ng may isang braso ang umakbay sa akin. Wow lang. Close kami?

Lumingon ako sa gawi noon lalake at tiningnan ito ng masama pero nakangiti pa ito sa akin.

“Hi, pinsan.” Bati nito sa akin.

“Lei? Gwapo natin ngayon ah.” Puri ko dito. Binigyan ko nga pala siya ng passes para sa fashion show na ‘to.

“Nakakatampo ka naman, pinsan. Ngayon lang ako naging gwapo sa paningin mo? Samantalang pinanganak naman akong gwapo.” Ay, teka! Ang lakas ng hangin na dala ni Lei ha. Siya ata ‘yon habagat na dumaan dito. Hahahaha!

“Wooshoo. Kayabangan mo. Mag-thank you ka na lang sa akin at pinuri kita. Hahaha!”

“O, sige. Thank you pinsan.” Sabay kurot nito sa pisngi ko.

“Teka, kasama mo girlfriend mo? Dalawang passes ang binigay ko sa’yo diba?”

“Hindi siya makakapunta. Nasa Davao siya ngayon para dalawin ‘yon bestfriend niya.” Ooh. Kamusta na kaya ‘yon bestfriend ng girlfriend ni Lei? Paano kaya siya nakaka-cope up sa nangyari sa kanya? Alex, intindihin mo muna ang plano niyo ngayon. Oo nga. Mas importante ‘yon ngayon.

Lab U, Insan! (Book I)Where stories live. Discover now