#DateWeek

4.1K 80 10
                                    




•••***•••

" tapos na kayo sa taping?" tanong ko kay Sarah. She's on ASAP right now, and pareho kaming may station id shoot later that afternoon. Andito pa ako sa bahay at naghahanda pa lang papuntang ABS.

" may isang prod pa akong itatape, after nito, rest na . Preparation na for the station id shoot" sagot nito.

" may gusto ka bang ipabili sa akin? Foods? Drinks? Anything? "

" hmmm.. "

"I know youre tired , . Any comfort foods youre craving for right this moment?"

"Ahm.. pizza?? No no.  Milktea! And ahm. Fries with bacon and cheese, . Or teka, teka lovey, gusto ko din ng doritos!"

" hahahha.. ok love.. in less than an hour, dala ko na ang mga yan"

" talaga!?"

" yup! And cassava chips. Without sugar. And i have creampuffs here too. I'll br-

" yay!!! Yehey!!! Thank you thank you-"

" hahhaah! Nagulat naman ako sa pasigaw mo love. "

" naexcite lang!. Bilisan mo na punta dito . Dali na baby .. please.. "

" ok ok. Paalis na love. See you. "

" see you!! Hurry up love. Im hungry na"

" yup! Coming baby. " natatawa na lang ako. Naiimagine ko na kasi ang mukha ni Sarah. Ang hilig lang talaga nitong kumain ng kumain. Chichiryas. Yan ang paborito nya. But in moderation. Mahirap na baka magkasakit pa sya sa bato, at kasalanan ko pa dahil masyado ko itong iniispoil.

" Mark. . Daan muna tayong mall. Sasaglit lang ako ng mga bibilhing pagkain ni Sarah"

" ok boss!" As always napakagana talaga ni sarah kumain. Di pwedeng isang chichirya lang, dapat dalawa o higit pa. Si Mark na lang din ang bumaba para kunin ang mga inorders ko for Sarah. We have this one shop na favorite naming puntahan, at dahil parati nga kami andito, naging kaibigan na namin ang may ari. Isang text ko lang sa mga ito, hinahanda na nila agad.

An hour later, nasa harap na ako ng dressing room ni Sarah.

" good afternoon po" bati ko sa lahat.

"Lovey!!" Masayang bati ni Sarah sa akin. Mabilis itong tumayo at sinalubong ako. At kung gaano ito kabilis na lumapit sa akin, ganun din nang kuhanin nito ang dala kong pagkain para sa kanya. All her requests ay bitbit ko,plus two large pizzas for her team . ·" thank you sa foods!"

" you're welcome love. . "

" thanks kuya" si Chloie. Kinuha na nito ang box ng pizza at ako naman, lumapit na muna kay tita para magbeso.

"Kumusta rehearsals?" Tanong nito sa akin.

" ok naman po. Excited na kabado na po ako para sa sabado. " amin ko dito.

" kaya mo yan. Tuloy naman si sarah , wag lang aabutin ng madaling araw ha"

" opo. Salamat po . "

" love, gusto mo? " si Sarah habang iminumwestra sa akin ang fries at ang milktea.

" diet?" Biro ko dito. Lumabi lang ito saka nagpatuloy sa pagkain . "Last chichirya na yan for two days ah" . Niremind ko ito. May concert din ito sa susunod na linggo,kaya hinay hinay muna sa mga maaalat. .

AshMattTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon