35-Home

3.6K 94 28
                                    



35

Home- Part 1

•••****••


" beh, last frame na at pack up na tayo" ito ang abiso sa akin ni Ate Evi. Sa wakas! Makakauwi na ako! Antok na antok na kasi ako, bukas rehearsals kami for TGU Pampanga and kung kakayanin, dinner with Matt before the two-hectic days ko out of town. Pero parang impossible yung dinner with Matt,, sabi nito kasi, sasamahan nya pa si mommy nya sa mga kamag anak nila. May mga pinadalang pasalubong ata ang mga kamag anak nya from europe para sa mga andito sa pinas..

" ano na naman yang kinakain mo?" Puna ni ate Carmi na make up artist ko.

" buti ka pa beh, lafang ng lafang lang pero yung waist line ganown pa din! How to be you po??" Si Rj na syang hair stylist ko. I just laughed at their remarks , sasagot pa sana ako pero naunahan ako ni Chloe.

" kasi po mga maders, may personal nutritionist slash gym mate slash boyfriend si Ate kaya maintain ang sexiness!!! "

" hahaha! Tama ka dyan Chlo! " si ate Carmi

" hindi naman po.. ano lang, healthy eating lang" sagot ko.

" plus organic foods from Mommy D!!" Sabay sabay nilang sabi.

Nag kwentuhan pa kami ng kwentuhan hangang sa mag ring ang phone ko. All eyes on my phone!

" hep!!" Pigil na kilig kong tingin sa kanilang lahat.

" haruu si boyfie, tsinitsek na naman kung andito sa tent natin si Idan!"

" ate!!" Si ate carmi yung mahilig manukso sa akin eh'. Minsan iniisip ko kung paano na lang pag naniwala si Matt?! Naku panigurado kong mahaba habang paliwanaga yun !

" hello handsome"

" hello there miss beautiful! And sexy!!!"

" ang aga naman mambola. .o napatawag ka?"

" di ba pwedeng miss lang kita? When can we see each other ba? Lovey naman, mag ti-three weeks na tayong di nagkikita.. Im so missing you so so so much!!! "

" sa sunday diba? Dinner tayo.. bahay nga lang muna"

" woooooohhh yan naman eh" tukso ng kateam ko. At narinig yun ni Matteo.

" still sa shoot? Please say Hi to them from me.."

" loudspeaker ko"

" ok Love.. Hi everyone! Thank you for taking good care of my lovey!!- inoff ko bigla ang speaker, andito pa naman si daddy at nag dadrawing., baka ano pang susunod na sasabihin nito!! Nakakahiya!!

" ok na.. "

" salamat Matyu!! Salamat sa papizza mo dito" sigaw ni Rj! Nag papapizza kasi si Matteo, minsan may dadating na lang na mcdonald's burger dito, buti na lang at di pinipicturan, lagot ako neto sa Jollibee! Pero last time, jollibee naman ang pina deliver nito dito, kaya kala ng lahat sa akin galing!

" i miss you , i miss you.. "

" me too.. sige na. Tawag na ako, sunday na lang ah"

" yeah, i love you.. i love you so much"

" i love you too.."

'" ngayon, miss you lang muna.. soon Misis you na"

AshMattTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon