Advice ni Yaya Lina

11 0 0
                                        

Kitang kita nina Yaya Lina at Cheska ang reaction ni Angel na nagseselos. Si Yaya Lina na rin ang tumayo na magulang ni Angel habang nasa Amerika ang mga magulang nito. Si Cheska naman ang anak ni Yaya Lina na malapit din sa puso ni Angel.

Yaya Lina: Oh Iha, smile ka naman dyan. Wag masyadong malungkot.

Angel: Ano ka ba Yaya. Happy naman ako eh. Okay lang ako.

Yaya Lina: Hay, naku. Ako pa ba ang lolokohin mo? Kilalang kilala ka namin ni Cheska oh.

Cheska: Oo nga Angel. Smile. Good Vibes. Maganda ka. Maraming guys dyan na magmamahal sa iyo ng truelalo!

Angel: Normal lang siguro na mag selos kasi di ba? Mahal na mahal ko si Carlo. Ang hirap pala mag tago ng nararamdaman. Sana babae na lang ako, siguro mas madali ang lahat.

Yaya Lina: Iha, may plano ang diyos. Walang mali sa iyo. Lagi mo na tatandaan na maraming nagmamahal sa iyo lalo na ang mga magulang mo.

Angel: Thank you Yaya Lina at Cheska. Lagi ninyo ako pinapasaya. 

Yaya Lina: Oh sige na, punasan mo na yang luha mo. Dalhin mo na rin itong coffee at cake na merienda ninyo, baka hinahanap ka nina Carlo. Oh Cheska, tulungan mo nga.

Cheska: Yes, Mama oh lalala (Ang baliw baliwan na peg ni Cheska). Let's fly Angel!

Angel: Loka loka ka talaga hehe. Tara na.

Bumalik sina Cheska at Angel sa sala para dalhin ang merienda. Hindi pa rin maialis ni Angel ang pagseselos kay na Via at Carlo. Pero sa tuwing nakakapag isip siya ng negative, iniisip na lamang niya ang mga tao na nagmamahal sa kanya lalo na  ang mga magulang niya na tinanggap siya bilang isang lalaki na ang puso at kaluluwa ay sa isang babae. Alam din niya na may magmamahal sa kanya ng totoo at laging may magandang plano ang diyos para sa kanya.

An Angel's TaleWhere stories live. Discover now