CHAPTER 7- Enemy or friend?

116 10 3
                                    

"AHAHAHA bagay lang yan sayo! Kala mo hindi namin napapansin?" Sabi nitong babae. Di ko alam kung anong pinagsasabi nila. Bigla nalang akong sinabunutan.

"Ano bang naging atraso ko sa inyo at ganyan kayo sakin!" Tanong ko sa kanila.

"Di mo alam?!. Sige ipaalam ko sayo! Nilalandi mo lang naman yung Prince namin dito. Lagi ka naming nakikita na kausap sila lalo na si Reyan!" Sigaw niya sakin, ah yun pala kinagagalit ng mga to? Eh sila lang naman sunod nanh sunod sa akin. Alam nyo ano pinagagawa nila?

Habang nasa Cafeteria ako, at iinomin ko na sana yung water mineral saka sya dumating at inalok akong sya nadaw magbubukas. Medyo na werduhan ako kasi kaya ko naman pero nagpumilit sya at ayaw nya raw mapahiya kasi madami nakatingin kaya binigay ko sa kanya pero nang binubuksan nya na ang takip, pinalapit nya ko saka niya inipit yung lalagyan kaya napunta yung laman sa mukha ko. Ito pa ah, sabi niya pa "yan maligo ka kasi yung buhok mo parang pugad HAHAHAHAHA" sabay tawa niya at ang mga studyante din doon nagsitawanan kaya  tumakbo ako palabas at inayos ang sarili ko  sa locker nang lapitan nanaman ako ni Meishou sabay abot ng face towel. "Oh magpunas ka, para kang basang sisiw" saad niya habang nagpipigil ng tawa. Tamang tama namang wala pala akong dalang towel kaya tinanggap ko na. Pinunasan ko ng mabuti ang mukha ko saka ko napnsing tumatawa pa din siya at siguro di niya na napigilan, napalakas ang tawa niya kaya napaisip ako kung bakit nang bigla akong napatingin dun sa towel. Putcha! May itim, ano to? Uling ata to parang powder AHHHHHHHHHHHHHHH bwesit!

"Napakasalbahe nyong magkakaibigan!" Pagalit kong sigaw saka ko siya sinipa. "Aray ah! HAHAHAHAHA"  tawa pa din sya ng tawa habang naglalakad ako papuntang comfort room. Kainis naman eh hys kung andito lng sana si Levis. Di na ko papayag na api apihin dito.

"Ano? Wala kang masabi?" Napabalik ako sa wisyo nang magsalita ulit tong clown na to. Oo clown! Kapal ng make up tss.

"Anong landi yang sinasabi niyo? E ang salbahe nga nun e!" Sagot ko sa kanya.

"Ah salbahe pala ah!" Sabi niya at bigla nalang lumapit sakin at pinag sasampal ako. Kaya wala akong magawa kundi lumaban, inabot ko din buhok niya saka sinabunutan habang pinagsisipa ko tiyan niya at medyo napalakas kaya naalis sya sa pagkakapatong sakin.

"Girls!" Bigla niyang tawag sa mga alipores niya kaya sumugod naman ung tatlo bwesit lugi ako dito kaya ang ginawa ko, pilit ko nalang pinoprotektahan mukha saka ulo ko.

"Huy! Itigil niyo nga yan!" Sigaw ng lalaki pero di ko makita. Hinihimas ko ang balakang ko sa sakit ng sipa nila pero pamilyar sakin yung boses.

"R-Reyan a-anong ginagawa mo d-dito?" Takot na usal nitong nanakit sakin. Bat andito nanaman sila? Pano kung pagtulongan nila ako lahat?

"Sinong nagsabing may karapatan kayong saktan si Alis!?" Galit niyang sigaw. Aba siraulo ata to sya nga binubully ako.

"Kasi nilalandi ka niya Reyan di mo ba napapansin? Gusto niyang mapalapit sayo para maging sikat!" Sagot naman nitong babae kaya di ko akalaing kinaladkad siya ni Reyan at tinapon na parang gamit.

"Sa susunod na saktan mo siya, di lang yan ang makukuha mo galing sakin! Naiintindihan mo? Ako lng pwedeng mangbully sa kany because she's my target, she's mine alone so get off you sluts!" Sigaw nya. Medyo naawa naman ako sa kanila bukod sa napagsalitaan sila ng masama, marami pang nakarinig at napahiya sila.

"O-oo p-patawad d-di ko na u-ulitin" Sabi ng babae saka tumakbo papalayo kasama ang mga alipores nya.f

Nakita ko nalang na papalapit sakin si Reyan at inabot ang kamay niya. Kukunin ko na sana ng bigla niyang bawiin kaya ang labas.....

Napahiya ako.

Bigla nalang siyang umalis. Ugh! Kahit kelan talaga napaka walang kwenta niya. Dahan-dahan nalang akong tumayo at naglakad patungog silid namin at dun ko nalang pinahinga katawan ko. HaHaysssss

The Three Bullies And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon