Not now. I need to be alone.

Gusto kong umiyak lang ng umiyak.

Hindi ako mahilig mag-self pity. Pero langya! Mula yata nang maging kami ni Kid naging hobby ko na.

Hinubad ko ang uniform blouse namin at pinalitan ko ng black body hugging shirt.

Gusto ko sanang mag-mall para maaliw pero ngayong nagkakalabuan kami ni Kid ay mukhang hindi sasapat ang mall para maaliw ko ang sarili ko.

An image crept on my mind.

There's really something about Rizal Park. Kapag malungkot ako doon ko lang gustong pumunta.

Siguro kasi..madalas akong ipasyal dito noon nila Mama.

Madalas din kami dito ni Eric noon. Dito lang kami nagpapalipas ng oras para tipid. Pero kahit ganoon lang masaya kami. Simple pero masaya.

Habang nakaupo ako sa damuhan ay palihim na tumutulo ang lintek na luha ko. Ayoko kapag hindi kami okay ni Kid. Kasi naaalala ko lang kung gaano kami kasaya ni Eric noon at hindi ko maiwasang magkumpara.

Which is wrong. There should be nothing to compare. Dahil si Kid hindi ako mahal. We are not on the same page. Ako handa akong unawain lahat sa kanya. Pero siya? Come to think of it..wala pa talaga akong masyadong alam sa kanya. Not that I didn't ask. Sadyang hindi niya lang ako hinahayaang matuklasan ng mas malalim ang mundo niya.

I sighed.
Bakit kailangang magbago ng mundo? Ng mga tao? Bakit walang permanente? Bakit ba natutunan ko pang mahalin si Kid?! Dapat hindi na lang.

Kid:

Nandito ako sa park. Dumiretso ako dito kasi wala ka na sa Del Fierro pagbalik ko. Nasaan ka banda?

Halos malaglag ang cellphone ko pagkabasa ko ng mensaheng dumating.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko halos mapaniwalaan ang biglang pag-ahon ng saya.

Tang'na! Simpleng sabi niya lang na nandito siya sa park ang saya-saya ko na. Nakalimutan ko na kaagad na nag-away pala kami.  Paano pa kaya kapag nakaharap ko na siya?

Nababaliw ka na talaga Mia!

Nang mag-ring ang cellphone ko ay para akong teenager na hindi malaman kung sasagutin ba iyon o ano.

Kapag sinagot ko parang unfair kasi grabe siya makahusga sa akin kanina.

Kapag hindi naman..ugh! Bakit pakiramdam ko sa sarili ko mas unfair..

"Mi.."

Gulat akong napalingon sa likuran ko.

Ang pawis na pawis na si Kid ang naabutan ko. Hinihingal pa siya nang bahagya.

"I've been looking for you all over this park since I got here."

Napalunok ako. Tang'na di ko mapaniwalaan na may ganito palang kilig. Iyong normal lang naman ang sinasabi niya pero sa akin ang lakas ng impact.

Eric never made me feel this way.
Iyong para akong sasabog sa lungkot at saya.

Nang humakbang pa siya papalapit ay para na akong naengkanto.

"Mi, I'm sorry. I..went too far. Nabigla lang ako."

I gasped when he enveloped me in his arms.

Langya! Ang unfair. Di ko kayang magalit sa kanya ng matagal.

"Can you please forgive me? I don't want to lose you." He whispered.

Wala akong maisagot kundi tango at yakap pabalik.

Perfect DistractionWhere stories live. Discover now