HER ARROGANT BODYGUARD -Chapter 14-

6.8K 19 5
                                    

She patiently waited for Brian to come back, but it had been four days already and there was no shadow of him. No words from him either to let her know about his whereabouts. And she couldn't help but be worried.

"Hindi kaya tinakbuhan niya na ako pagkatapos niyang makuha ang lahat-lahat sa akin?" she said to herself. "Hinihintay niya lang kaya akong umalis at saka lang siya babalik?"

"No!" Siya na rin mismo ang kumontra sa sariling isipan. "Mahal ako ni Brian at nangako siyang babalikan ako kaagad!"

Pero ilang araw na ang nakalipas magmula nang umalis ito at hindi pa rin ito bumabalik. What happened?

She tried to call his number, but they couldn't contact him either. Halos ay araw-araw na yata niyang tinatawagan ang cellphone number nito pero palagi na lang out of coverage area. She wanted to panic already. Paano kung may masamang nangyari kay Brian?

Nahilot niya ang sariling sentido. Having these thoughts was giving her headache. Pakiwari niya'y mabibiyak na ang ulo niya dahil sa sobrang pag-iisip.

"Magmeryenda ka muna, señorita. Ilang araw ka na ring hindi kumakain nang maayos." untag ni Manang Juanita sa kanya.

Napapitlag siya. Hindi kasi niya agad napansin ang presensiya nito.

"S-salamat, Manang," she uttered, grateful for the concern of the woman. She tried to smile as she watched Manang Juanita laid the tray of food that she was carrying on the mahogany table.

May pakiramdam siyang kanina pa siya nito tinitingnan habang lumilipad ang kanyang isipan. The older woman was about to leave when she decided to say something.

"Babalik pa kaya si Brian, Manang?" she said more to herself than to the older woman.

Naramdaman niya ang agad na pag-init ng magkabilang sulok ng kanyang mga mata. Nagbabadya na namang tumulo ang kanyang mga luha.

Agad na bumakat sa mukha ni Manang Juanita ang pag-aalala. Umupo ito sa upuang katapat niya nang hindi man lang inaalis ang mga mata sa kanya.

"Hindi ko man masasagot kung kailan pero natitiyak kong babalik siya, señorita. May rason siya upang bumalik dito dahil bukod sa bahay niya ito ay naririto ka," seryosong pahayag ni Manang Juanita habang matiim pa ring nakatitig sa kanya.

"I hope he's okay. I really do. God, baka ikamatay ko kung may masamang nangyari sa kanya. Kung alam niya lang na araw-araw akong naghihintay sa pagbabalik niya." Noon nagsimulang bumaha ang kanyang mga luha. Talagang hindi na kasi niya napigilan ang sariling damdamin. Agad naman siyang dinaluhan ni Manang Juanita.

"Naku, tama na po 'yan, Señorita Arrian. Baka naantala lang sa pagbabalik si Señorita Brian. 'Di ba nahuli na raw iyong nagtatangka sa buhay ninyo?"

"Sa pagkakaalam ko, oo. Iyan ang sabi sa akin ni Tito Amado nang tumawag ako sa kanya kahapon. Pero hindi nila alam kung nasaan si Brian, Manang Juanita. Hindi naman daw nagpakita sa kanila. Iyon nga ang dahilan kung bakit ako nag-aalala nang ganito, Manang Juanita. Ewan ko ba. I don't even know where he is. No one knows! Oh, God," napahikbi na naman siya. Tuloy-tuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha mula sa kanyang mga mata. The worries she felt at that moment was killing her. It was simply too much to handle.

"Huwag kang mag-alala, señorita. Tiyak na hindi siya pababayaan ng Diyos. Araw-araw kong ipinapanalangin ang kaligtasan ni Señorito Brian."

"Salamat, Manang. Kung wala kayo, malamang nabaliw na ako. I just needed someone to talk to right now."

That was true. Kung wala pa ang katiwala ay baka nabaliw na siya sa kakaisip tungkol sa kalagayan ni Brian. Kaya labis-labis ang pasasalamat niya rito.

"Walang anuman, señorita. Parang anak na rin kasi ang turing ko sa kanya. Kahit katulong lang kami rito ay hindi nila kami itinuring na iba. Mabait talaga ang pamilya Monterossa."

At nagkuwento pa ito ng kung anu-ano tungkol sa pamilyang pinagsilbihan nang matagal. At kahit papano ay naibsan ang pag-alala niya dahil sa mga kuwento nito. And she loved Brian more because of that.


"Arrian!" Napabalikwas siya ng bangon nang maalimpungatan. The first thing that came to his mind was Arrian. But his eyebrows formed a line above his eyes when he saw his surroundings.

He was lying on a hospital bed, in a hospital room. May dextrose na nakakapit sa kanyang kaliwang kamay. But he was alone. What happened?

Noon bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang nakaunipormeng nurse. "Naku, gising na pala kayo, sir," wika nito sa kanya.

He closed his eyes. Then, he remembered everything. Ang pagkakadukot niya, ang pagkakabugbog sa kanya, at ang pagtapon sa kanya sa dagat.

"Who brought me here, nurse?" tanong niya sa nurse na sinuri ang dextrose niya na malapit nang maubos.

"Dinala ka rito ng mga nakakita sa iyo, sir. Iyong mga hiningan mo ng tulong."

Napakurap siya. Pilit na inaalala ang mga pangyayari pagkatapos niyang mawalan ng malay.

Nang makatakas siya ay naglakad siya nang naglakad, naghanap ng taong makakatulong sa kanya. When he thought that he couldn't bear his sufferings anymore, he came across a man and a woman. Bago siya nawalan ng malay ay humingi siya ng tulong sa mga ito.

So they brought him to the hospital. Thank God!

"Nasaan na sila?"

"Naku, umalis na, sir. Iniwan ka na lang nila rito."

Muling nagkasalubong ang kanyang mga kilay. He planned to look for the couple one day and thank them for their help.

"Siyanga pala, sir, wala pa kaming information about you. We didn't find anything that we can use to identify you. Kaya wala pa kayong record dito sa hospital," pagpapaalam ng nurse.

"I'm Tenyente Brian Monterossa, nurse," he supplied the information.

Humugot ng papel at ballpen ang nurse mula sa bulsa nito at isinulat ang kanyang pangalan.

"Ilang araw na pala ako rito sa ospital?" tanong niya habang pinakiramdaman ang sarili. He could still feel pain in his body. May benda sa kanyang balikat. The doctors might have treated his gunshot wound already.

"Ikatatlong araw mo po ngayon, sir."

So mag-iisang linggo na magmula nang umalis siya ng Hacienda Monterossa? Tiyak hinihintay na siya ni Arrian.

"Puwede bang makahiram ng cellphone, nurse? May kokontakin lang ako." He had to contact Commodore Garcia. He had to report what had happened to him. He had to tell him about what he had discovered.

Muling dumukot sa bulsa nito ang nurse. "Puwede mong hiramin muna itong cellphone ko, Tenyente Monterossa." Iniabot nito sa kanya ang cellphone nito.

"Thank you, nurse," nginitian niya ang babae. He felt pain on his face. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kanyang mukha pagkatapos siyang walang humpay na bugbugin ng mga dumukot sa kanya.

He punched a number on the cellphone and waited for someone to answer on the other line. He was calling his superior's personal cellphone number. Buti naman at memoryado pa niya iyon.

"Hello?"

"Commodore Garcia, si Tenyente Monterossa ito," kaagad na pagpapakilala niya sa sarili.

"Tenyente Monterossa!" Tila nabigla ito. "Where are you? We've been looking for you."

"Nadukot kasi ako, sir," pagpapaalam niya. "But I managed to escape. I'm here in the hospital now, recuperating from my wounds."

"Saang hospital? Pupuntahan ka namin ngayon din."

He was relieved to hear that. He couldn't wait to talk to Commodore Garcia so he could report to him everything that he knew. Kailangang mahuli na ang taong nagtatangka sa buhay ni Arrian.

MONTEROSSA Series 1: HER ARROGANT BODYGUARD (Published under TBI!!!)Where stories live. Discover now