HER ARROGANT BODYGUARD -Chapter 2-

15.8K 270 3
                                    

Nang mapagod mula sa paglalangoy ay umahon mula sa may kalaparang swimming pool na nasa harapan ng kanilang bahay si Arrian. Swimming was part of her regular exercises to maintain her slim, but curvaceous and flabbergasting body. Aside from her bewitching visage, her body was her investment for her job as a renowned ramp model.

She was just a newbie in the business, but she was already starting to make a name for herself. Her family’s business connections helped her in her career, but it was her determination to make her dream come true that catapulted her as one of the promising models in the country.

After disembarking from the pool, dumiretso siya sa mesang napapatungan ng kristal at dinampot ang tuwalyang nakapatong doon. Pinunasan niya ang basang katawan at inabot ang baso na may lamang fresh orange juice. She sipped the juice using a straw.

She was knocked for a loop when her eyes caught a bouquet of fresh pink tulips na nakapatong sa isa pang upuang naroroon. Maraming beses na siyang nakakatanggap ng mga bulaklak na ganoon ang hitsura kaya hindi niya mapigilan ang sariling mahiwagaan. Hindi niya napansin kanina nang inilapag iyon doon ng kanyang yaya.

So to feed her curiosity, she returned the glass on the table, then, bellied up to the flowers. She saw a pocket-sized card. She opened the card and read its content.

She scanned the short note with her eyes.

To the most beautiful model I’ve ever known.

I hope you like the flowers!

From,

your admirer

Sumilay ang isang matamis sa ngiti mula sa kanyang mapupulang mga labi pagkatapos basahin ang note na iyon.

Hmmnn... who was this secret admirer of hers? Ang sweet niya naman at nagpadala pa ng flowers.

Pagkatapos mabasa ang note ay itiniklop niyang muli ang card at ibinalik sa kinalalagyan nito. She brought the bouquet of flowers inside their three-storey mansion and looked for her nanny. She saw the woman in the kitchen.

“Yaya Crising, kayo po ba ang naglagay nitong bulaklak sa lounging chair na nasa pool?” she inquired while showing up the flowers to the woman who was in her mid-forties.

“Oo, señorita. May delivery boy na pumunta rito kanina upang ihatid iyan. Nagsu-swimming kasi kayo kaya ako na ang pumirma. Ang ganda, ‘di ba? Kanino nanggaling?” nakangiting tanong ng kanyang yaya na matagal na ring naninilbihan sa kanila.

“Well,” she shrugged her shoulders, “there’s no name written on the note. Sinabi lang niya na admirer ko raw siya.”

“Isa lang ang palatandaan niyan. May maraming fans na nagmamahal sa’yo, señorita. Ikaw pa? Kung hindi mo alam, napakaganda mo.”

“Naku salamat, yaya.” Tumaba ang kanyang puso sa narinig.

“Hindi dapat ikahiya ang tagumpay na nakamit lalo pa at pinaghirapan mo iyon. Saka bumabalik lang naman sa’yo ang lahat nang pagsisipag mo sa trabaho, anak.”

“Sana tuloy-tuloy na ang pag-usbong ng career ko, yaya,” tila nangangarap na sambit niya.

“Huwag kang mag-alala, Señorita Arrian. Mangyayari rin ang matagal mo nang minimithi. Magiging isa ka sa pinakasikat na modelo sa ating bansa. Malay mo, sisikat ka rin sa abroad.”

“Naku, yaya. Magdilang-anghel sana kayo. Ah, sige po, aakyat na muna ako sa kuwarto ko para makapagbihis. May lakad kasi ako mamaya.”

The woman only nodded her head, then, painted a sincere smile as a response. Saka itinuloy ang gawaing naudlot kanina nang lumapit siya.

MONTEROSSA Series 1: HER ARROGANT BODYGUARD (Published under TBI!!!)Where stories live. Discover now