Chapter Twenty-Nine: Love and Guilt

Magsimula sa umpisa
                                    

Tatawagin ko na sana si Zacc kaya lang may napansin akong lalaki na parang papunta sa likuran ng bahay.

"Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga tumatraydor sa'kin, Lucio?" Wait! That is tito Gary's voice. Nang marinig 'yon, hindi ko naawat ang sarili kong sumilip.

"Sir Gary, 'wag po. Hindi na po mauulit. Nangangailangan lang po talaga ako ng pera kaya ko nagawa 'yon. Ipapatubos ko lang po sana sa inyo." Paliwanag ng lalaking nakatali ang mga kamay at hawak ng dalawa pang lalaki na hindi ko kilala.

Ngumisi si tito Gary na parang isang demonyo. Ilang ulit ko pa ngang kinusot ang mga mata ko sa pagbabakasakaling nagmamalikmata lang ako.

"Dito pa talaga sa pamamahay ko." Sagot ni tito. "Sabihin mo sa'kin ang totoo. Inutusan ka ba ni Veronica?"

Kitang-kita ko ang takot na nakarehistro sa mata ng lalaki. Aalis na dapat ako e pero hindi ko magawang gumalaw. Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

"Inuulit ko. Inutusan ka ba ni Veronica na nakawin ang listahan na 'yon?"

"Hi—hindi po. Hindi po."

Sumilip pa ako ng mas maayos mula sa pinagtataguan ko nang may marinig akong aling-ing ng babae. Nanlaki ang mga mata ko, isang dalaga na sa tingin ko ay kaedad lang namin ni Zacc. May duct tape ang bibig nito.

"Isang ingay lang sa'yo, Lucio, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa anak mo." Banta ni tito at kasunod no'n ay ang pag-ipit niya ng pliers sa bibig ng lalaki. Napatakip ako ng bibig at pumikit. "Ngayon, sabihin mo ang totoo. Inutusan ka ba ni Veronica na nakawin 'yon?" Tanong ulit ni tito sa galit na galit na tono.

"Hi—hindi po."

Sinuntok niya ang lalaki. Matapos utusan ang mga tauhan niya na takpan ang bibig ng taong tinatawag niyang Lucio, lumapit siya sa babae. Pabiglang hinablot niya ang damit na suot nito. Napunit 'yon. Kahit malayo ako, malinaw sa'king umiiyak ang babae.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon