Chapter Twenty-Eight: The Criminal

1.8K 45 23
                                    

Zacchary's Point of View:

"Mabuti naman at gising ka na."

Akala ko panaginip lang ang lahat kaya kinusot ko ng paulit-ulit ang mga mata ko. Pero hindi nagbabago ang nakikita ng mga mata ko. He's still there, right in front of me, standing with pride and his evil grimace.

"Ikaw?"

"I didn't raise you to become someone stupid, son." He said, igniting my hatred towards him.

Bumangon ako para kwelyuhan siya pero mabilis na nakalapit sa'kin ang mga tauhan niya. Hinawakan ako ng mga ito at kahit anong pagpupumiglas, hindi ako makawala.

"Pa! Ano 'to?" I blared in disbelief and pain.

Pinatawad ko na siya sa ginawa niya sa'kin, sa panggagago nila ni Divina. Wag na wag ko lang malalaman na may kinalaman siya sa nangyari sa asawa ko dahil babaunin ko hanggang kamatayan ang galit at pagkamuhi sa kanya. 

"Hindi isang babae ang sisira sa pangarap na binuo ko para sa'yo. Matagal na dapat nawala ang babaeng 'yon—"

Walang pasubaling naglandas ang luha sa pisngi ko. Bakit gano'n? Sarili kong ama! Sarili kong ama ang wumasak ng mundo ko!

"Really Pa? Really!!!! Matapos mong gaguhin ako eight years ago with Divina, ito? Kukunin mo sa'kin ang asawa ko?" Singhal ko sa kanya. Ayaw paawat ang luhang kumakawala sa mga mata ko. Nagpupumiglas akong makatakas sa mga nakahawak sa'kin pero walang silbi lang 'yon. "I don't want your business! Ipamana mo 'yan sa kahit na sino dahil hindi mo ako anak! Wala akong amang kriminal!"

Malakas na tumama sa mukha ko ang kamao niya. Pero hindi ako nasaktan. Kung may dumudugo man at masakit sa'kin ngayon, ang puso ko lang 'yon.

"Gary! 'Wag mo siyang saktan!" Singit ng umiiyak na si Divina. Sinubukan niyang lumapit sa'kin pero nahawakan siya ni papa. "Please, let him go. Wala na si Chances, umalis na siya. Pakawalan mo na ang anak mo!"

"You will marry Divina and take over the business." He declared, making me scoff in mockery. "You will do it, son."

"Mamamatay na muna ako pa saka ko gagawin 'yan." Nakangising sagot ko para inisin siya.

"Okay. Okay. Madali akong kausap." Wika niyang nagpipigil lang ng galit. Hindi nagtagal, umusok din agad ang ilong niya sa galit. "Mabubulok ka dito. Ililibing ko ng buhay ang babae mo at ilalayo ko sa'yo ang mga anak mo."

Nanginginig sa galit ang nakakuyom kong kamao matapos niya akong pagbantaan. Nagpumiglas ulit ako kaya't nakatakas ako sa mga lalaking nakahawak sa'kin. Nakalapit ako kay papa at sinuntok siya sa mukha. Isang suntok lang 'yon dahil nahawakan ulit ako ng mga tauhan niya.

"Wag na 'wag mong gagalawin ang pamilya ko!" I screamed at him. "Subukan mo lang pa. Subukan dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka! Subukan mo lang!"

"You know what to do, Zacchary." Aniya saka tumalikod. Gayunpaman, humarap siya ulit bago makalabas ng pinto. "You will also help me win your mother back." He said, more like he ordered.

I scoffed and even chuckled scornfully. Nakakatawa naman talaga. Sa lahat ng katarantaduhan at kademonyohan niya, sa tingin niya hahayaan kong malapit si mama sa demonyong gaya niya? Ilang taon akong nabuhay sa sakit at galit noon para lang pagtakpan siya, para lang 'wag masaktan si mama. At ngayon, gusto niyang tulungan ko siyang bumalik sa buhay ni mama? Nagpapatawa ba siya?

Nagalit siya sa ginawa kong pagtawa kaya lumapit siya ulit para takutin ako.

"Tutulungan mo 'ko sa mommy mo. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin, Zacchary."

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now