(29) WHO'S THIRD?

Start from the beginning
                                    

"Sige. Ako ng bahala sa kaniya. Matulog ka na Jason."

-

"You still don't want to sleep, Third Baby?" Tanong ko matapos ko siyang basahan ng story.

Umiling siya. "Mom, Didn't you miss me?" Tanong niya. "What are you talking about? Of course, I missed you. Miss to the 1000th power." Saka ko siya niyakap ng mahigpit at matagal. "I love you mom."

"Mom loves you too, Baby Third."

"Third?" Tawag ko pero hindi na siya sumagot. Tinignan ko siya, mahimbing na pala siyang natutulog. Hinalikan ko ang sentido ng anak ko. Gusto lang pala niyang sabihan ko siya na missko na siya. Napangiti na lamang ako.

-*-

Alas-tres ng madaling araw ng malingat ako. Tinitigan ko ang anak ko. Miss na miss niya ako gaya ng pagkamiss ko sa kaniya. Ito'ng pag-uwi ko pa lang kasi sa Pilipinas ang unang pagkakataon na nagkahiwalay kami.

Walang duda na anak ni Nickko si Third ang kaso baka hindi kaagad maniwala si Nickko dahil sa panahong magkasama kami, hindi ako maaaring magka-anak. Natatakot ako'ng marinig mula mismo kay Nickko ang pagdeny niya kay Third. Feeling ko masakit iyon kahit pa hindi ko pa nararanasan.

At kung marinig ni Third iyon kay Nickko, alam ko'ng dadamdamin ng husto ng anak ko iyon. Idagdag pa na annulled kami ni Nickko, Sigurado'ng masasaktan siya dahil malaki ang pagpapahalaga ni Third sa pamilya kahit pa sabihing apat na taon pa lamang siya.

Dahan-dahan ako'ng tumayo at lumabas.

-*-

Dahan-dahan ako'ng naglakad palapit sa closet ko sa unit ko.

Bakit ba kasi rito natulog si Nickko? Binigyan ko ba siya ng spare key?

Habang nasa Pilipinas ang anak ko, gusto ko'ng makasama muna siya. Three weeks lang naman kaya susulitin ko na.

Isinara ko na ang zipper. Hinawakan ang handle at patayong inilapag ko ng mahina sa floor.

"Where are you going?" May galit sa tono'ng sambit niya. Unti-unti'y hinarap ko siya.

"Magbabakasyon muna ako. Nakapagpaalam na rin ako sa office." I lied. Mamaya pa ako pupunta ng office para makapagpaalam.

Naglakad na ako palapit sa pinto ng magsalita pa siya.

"I won't approve your vacation leave. Now, get your things back to your closet and come here." Utos niya.

"Wow. Katulong mo ba ako?" Inismiran ko muna siya bago ko siya tinalikuran at binuksan ang pinto.

Nakakailang hakbang palang ako ng hablutin niya ang mini maleta ko at itapon sa kung saan. "Whatthe--!" Bigla niya ako'ng binuhat!

"Nickko!"

"If I say come to me, you'll obey me." Sinipa niya ang pinto ng kwarto ko.

"AH!" Ibinalibag niya ako sa kama. Tatayo sana ako pero humiga siya at dinaganan ako. Pilit ako'ng nagpupumiglas makawala. Kailangan ako ng anak ko. Baka magising siya na wala ako sa tabi niya at mag-iiiyak 'yon. "Nababaliw ka na, Nickko!" Sigaw ko matapos ako'ng tumigil sa pagpupumiglas. Napagod kasi ako.

"Hell yeah! I'm crazy over you. Really really crazy. So, now. Let's sleep."

Gustuhin ko mang maka-alis, hindi ko kaya. Naka-lock ang mga paa ko ng paa niya habang ang mga kamay niya ay naka-lock rin sa may dibdib ko.

Siguro'y hihintayin ko na lang siya'ng makatulog. Luluwang naman din ang pagkakahawak niya sa akin nu'n at makakatakas na ako.

Walang nangyari sa pinlano ko dahil makalipas lang ang ilang minuto, Naramdaman ko na ang sarili ko na nasa ibang mundo na, ang dreamland.

HATE THAT I LOVE YOUWhere stories live. Discover now