“So magkasama kayo kagabi?”

Nagtaas ako ng kilay. “Technically yes—but for tutoring purposes. You see, kinuha kasi ako ng Mama niya to tutor him and dahil one time umabsent  ako nakaisip siya na gantihan ako ng isang napaka-childish yet pervy act.”

“Pervy act?” Mike.

“’Wag na nating pag-usapan kung ano ‘mang act ‘yun dahil nababaliw lang ako sa kakaisip.” Napailing ako dahil naalala ko na naman na naloko niya ako. Kaynis.

Pagkatapos naming mag-usap ni Mike nagsimula namang magdatingan ang mga members namin kaya nagsimula na agad ang meeting. Mabilis naman na dumaan ang Sunday ko pero hanggang sa pag-uwi ko ilang death glares ang natanggap ko galing sa mga fan girls ni Chase. Hindi ko na lang sila pinansin dahil kapag ginawa ko ‘yun lalaki lang ang gulo at mas lalong baka isipin nila may something nga kami ni Chase.

‘Something’ my face.

____

CHASE

MONDAY

“Hi tutor? Welcome to my crib!” Salubong ko sa kanya with open arms pa.

Napangiwi siya as a response. “Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot sa welcome mo.”

“Bakit? Masaya nga eh.” Naglakad na kami sa unit ko habang pinauna ko siyang pumasok.

Lumingon siya sakin habang nakatingin ng masama. “Ikaw masaya, ako hindi. Crib mong bastos bagay sa may-ari.”

Ngumiti naman ako ng nakakaloko. “Eh-Green minded ka lang kasi.”

Mataas ang boses niyang sumagot sakin, halatang nagsisimula na siyang mainis. “Wow ha? What a total shocker especially coming from you na ako pa talaga ang green minded sating dalawa.”

I just shrugged my shoulder tapos nagpauna akong lumakad sa couch at humilata.

“Ah basta! Ayoko nang isipin ang lahat..” Si Sam. Nakatayo lang sa harap ko na napapadyak pa.

“I’m so touched, iniisip mo rin pala ko.” Napahawak sa dibdib na sagot ko. Kunwari touch na touch ako.

“Stop daydreaming gangster. Iniisip ko lang kung paano ka papahirapan.”

“Then iniisip mo nga ako.” Ngiting asong sagot ko.

Napa-face palm naman si Sam bago sumagot. “I give up. Ayokong makipagtalo sa makitid mong utak.” Pagkababa niya ng bag niya agad siyang pumasok sa kwarto ko at nag-ikot sa ibang parte ng bahay ko.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Where stories live. Discover now