39: Friends Day Out.

1K 5 2
                                    

[Aya’s POV]

Next week babalik na ako sa Japan para tapusin yung mga nakapending kong contract doon. May one-year contract pa kasi ako doon sa clothing and accessories company kaya hindi ko pwedeng ibalewala yun at baka makasuhan pa ako ng breach of contract. Kaya naman I decided na bumalik nalang muna.

Pero syempre hindi ibig sabihin noon na maghihiwalay na kami ulit ni Vince after being reunited. He decided to come with me.

Oh di ba ang saya?

Sasama daw siya sakin papuntang Japan para di na kami ulit maghiwalay. Then after ng contract ko saka namin aayusin ang pagpapakasal. Mukha ngang mauunahan pa kami nila Lance at Regine eh dahil two months from now eh ikakasal na sila kaya sobrang preparation ang ginagawa nila.

Tumutulong din ang barkada sa pag-aayos ng wedding kaya naman I’m sure maganda ang kalalabasan noon.

And since aalis na nga ulit ako we decided to throw a party today. We’re on our way now in Tagaytay for the night swimming ang barbeque party.

Since para makapagbonding kami habang nasa byahe  nagrent nalang kami ng sasakyan kung saan kasya kaming lahat. Isang mini-bus ang nakuha ni Lieu. Yung driver namin eh yung ever loyal driver ni Avee mula pa noon.

May kanya-kanyang dala nga ang barkada eh..hindi naman sila super excited diba? Para tuloy kaming magpipicnic nito.

Ganito ang setting ng upuan naming sa bus.

Magkatabi sa upuan sina Lance at Regine. ( as usual mukha silang dadapuan ng langgam any minute from now..haha..nakahilig kasi si Regine sa balikat ni Lance at nakapatong naman ang ulo ni Lance sa ulo ni Regine…..ayiiiieeeee…ang sweet..hahaha)

Nasa tapat naman nila si Avee. (Solo lang siya dahil ayaw daw niyang may katabi at ang laki ng dala niyang bag eh may balak yatang maglayas yun)

Nasa likuran naman nila Lance sina West at Madz. ( ewan ko ba dito sa dalawang ito kung anong drama sa buhay at kanina pa hindi nagpapansinan)

Katapat naman nila sina Queen at Raffy. (pansin ko lang kanina pa nakatingin si Queen banda kina West eh at si Raffy naman panay ang lingon sa likod na animo kiti-kiti)

Syempre kami naman ng mahal ko eh nasa likod nila West at dahil napuyat si Vince hinayaan ko muna siyang matulog habang nakayakap ang kamay niya sa bewang ko.

Sa tapat naman namin nakaupo sina Vaughn at Lieu (na parehong tulog)

Katapat naman nila sina JM at Jake (na kanina pa nag-iingay)

Kasama din namin sa papuntang Tagaytay sina Ching (yung nagligtas kay Vince noon), sina Kuya John at Jigger (mga kapatid ni JM) at syempre pa ang pinaka mabait na yaya sa buong mundo…sina Yaya Miling at Yaya Ena. Ang loyal na yaya namin ni West at yaya ni Lance mula pa pagkabata. Magbestfriends na nga din yung mga yaya namin eh.

Noong una sobrang ingay namin sa sasakyan sa pangunguna nila Jake at JM pero napagod din yata kaya nanahimik din.

“Ate Aya…malayo pa ba tayo?” tanong ni Jigger.

Nakakatuwa itong batang ito dahil noong huli ko siyang Makita eh bata pa siya ngayon binatilyo na.

“Medyo malapit na..naiinip ka naba?” nakangiting sagot ko kay Jigger

“Hindi naman..excited lang ako…” binalingan nito si Vaughn na naalimpungatan sa ingay. “Kuya Vaughn...basketball tayo ah”

After All : A Love and Friendship StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon