Napatawa siya ng konti.



"Tatllong buwan na ako dito pero parang feeling ko minsan di mo ako nakikita.."


"What?" naguguluhan kong tanong.


"What I mean is, sa tuwing nandito ako kasama mo, Ikaw naman ay parang may hinahanap na ibang tao na wala rito."



Nagulat ako ng konti sa sinabi niya.



"Tell me the truth, Alexis. Do you still love him until now?"



Umiwas ako ng tingin sa tanong niya. I know who is he talking about.



"Kinamumuhian ko pa rin siya hanggang ngayon." seryoso kong sabi.


"Hindi yan ang sagot sa tanong ko, Alexis."


"Why are you asking me that suddenly??" irita ko.


"Confirmed. You still love him. And I know na hinihintay mo pa rin syang bumalik sayo. Am I right?"


"You're crazy. Why would I wait him? We're done! We're already done! And I don't want him anymore!!" pag hehesterical ko. Buti na lang malayo sa kinalalagyan namin yung ibang customer.


"You don't want him but you NEED him."


"Drake!! You're getting into my nerves! Ano ba talaga ang gusto mong iparating??!" panggagalaiti ko.


" *sigh* Alexis, ba't di mo pakinggan yang nilalaman ng puso mo? Oo, kinamumuhian mo siya dahil sa ginawa niya pero alam kong nangingibabaw pa rin diyan sa puso mo ang pagmamahal mo sa kanya. Hindi mo man sabihin at di mo man ipakita, pero pinaparamdam mo sa amin na kinakailangan mo siya. Alexis, 1 year of suffering and 1 year of anger, I think it's enough. Pagbigyan niyo naman ang isa't isa na maging masaya ulit."


"Maging masaya?? Then magtitiwala na naman ulit?? Hell no!! Wait, parang nag-iba ata ang ihip ng hangin? Ba't pinagtatanggol mo na siya??"


"Dahil naniniwala ako na talagang Mahal ka niya. Ang pagmamahal niya na di ko naibigay sayo noon. At naniniwala ako na mas lalo ka pa niyang minahal. Alexis, sobrang pinagsisihan niya na ang kasakiman na ginawa niya sa atin noon. Naparusahan na siya sa ginawa niya. At ang mabigat na parusang iyon ay ang isang taon na nawala ka sa feeling niya."



Naalala ko na naman yung pangyayari noon.


I ended up our ralationship simula nung gumaling na siya sa hospital. And I left him alone na walang paalam.


Noong una, hindi ko akalain na sinundan niya ako dito sa States. But I didn't give him a chance to meet me. Limang beses ata siyang nagpabalik-balik dito pero hindi ko talaga siya binigyan ng pagkakataon. Hanggang sa dumating ang araw na pumayag na akong makipag-kita sa kanya. Yung time na yun, plano ko sanang pahintuin na siya pero di ko inaasahan na magkukusa na pala siya.

WARNING! Don't Touch my Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now