Chapter Twenty-Six: Bloody

Start from the beginning
                                    

"Who sent it to you by the way mom?" Usisa ni Zac na hindi ko alam kung ano ang tamang sagot. Napalunok ako bago tumalungko para maka-level sa kanya.

"No. No one, sweetheart. Come on, give mom a kiss before we call dad for dinner." Lumapit silang pareho at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan nila ako sa magkabilang pisngi. Matapos damhin ang sandaling 'yon, naisip ko si Zacc. "Please don't tell dad about the dead mouse, okay?"

Nang makatulog na si Zacchary nang gabing 'yon, palihim na tinext ko si Nero para ipaalam sa kanyang sasama na ako sa kanya. Kapalit no'n ay ang katotohanang matagal na naming gustong malaman.

Pagpatak ng alas-kuwatro, bumangon na ako para maipagluto si Zacc at ang mga anak namin. Hinanda ko rin ang mesa sa porch ng kwarto matapos mamitas ng preskong bulaklak sa garden.

Matapos isulat ang gusto kong sabihin sa asawa ko sa huling pagkakataon, maingat ko 'yong inilagay sa mesa na inipit ko sa vase.

"I love you, Zacchary." Bulong ko matapos siyang dampian ng halik sa labi.

Pinuntahan ko rin ang mga anak kong mahimbing na natutulog.

"Champ, alagaan mo ang kapatid mo. Kung sakaling hindi man ako makabalik, alam kong magiging maayos kayong lalaki. Mahal kita, anak. Mami-miss ka palagi ni mommy. Mamimiss ko 'yong mga words of wisdom mo na hindi ko alam kung sa'n nakukuha mo sa edad mong 'yan. Anak, mahal na mahal ka ni mommy ha? 'Wag kang magagalit sa'kin."

Gumalaw si baby Zac, hinawakan pa nga niya ang kamay ko kaya natagalan ako sa kanyang kwarto. Nang makalabas ako sa do' n ay dumiretso naman ako kay Chance.

"Babygirl, mom is doing this for you. I want you to grow up sa isang mundong hindi magulo. That's the kind of life you deserve, princess. Babalik ako, anak. At kung sakaling hindi man, sana hindi niyo malilimutang mahal na mahal ko kayo."

"I love you mommy." She sleep-talked, breaking my heart to pieces.

"When you grow up, I know you will be a very beautiful lady. Choose someone like your dad, someone who will never give up on loving you. Please take care of your dad, sweetheart."

Sinalubong ako ni Nero paglabas ko ng bahay. Habang papalayo ang kotse, hindi ko inalis ang mga mata ko sa bahay namin. Walang tigil sa pagpatak ang aking luha. And the words I have written on the letter echoed inside my head.

I'm sorry. I should never say this word, right? Zacchary, mahal ko, sana maintindihan mo. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin kaya kailangan ko 'tong gawin.

I know that in the end, as you said, it will be worth it. Kaya kahit masakit, wala akong pagsisisihan sa desisyon ko'ng 'to. Hihintayin kita sa panaginip ko, Zacc. Mahal na mahal kita. Please keep yourself and our children safe.

Hindi ko ginustong iwan ang pamilya ko pero ito lang ang tanging paraan para malaman ko kung ano talaga ang nangyari. At higit sa lahat, kailangan kong gawin 'to para proteksiyonan sila. Ayoko ng mapahamak pa ulit si Zacc and at the worse, ang mga anak namin. Tama si Nero e. Kailangan kong umalis. That's the way to keep my family safe.

Chasing Chances [TSC Book 2]°KathNiel° ✓COMPLETEWhere stories live. Discover now