Secrets

2.7K 22 5
                                    

TITLE: Secrets

AUTHOR: enjeru

STATUS: COMPLETED

CODE FOR MOBILE USERS:  26233654

OVERVIEW: 

Kailangan kong mabuhay, kailangan kong makaahon sa pesteng buhay na 'to. Kaya ng mabigyan ako ng opurtunidad na makapag-aral sa prestihiyosong paaralan na Takano International School. Pucha! Pangalan pa lang bigtime na eh. Paano nga ba ako napapunta sa school na 'to? Malay ko rin...porma lang talaga siguro ng swerte ko. Malakas pa rin talaga kapit ko sa taas kahit na walang hiya ako. Gusto ko lang namang makapag-aral para naman magkaroon ng normal na buhay kahit imposible atang mangyari yun. Pero kahit saan ka talaga magpunta eh may abnormal kang makikilala. Tsss! Katanga tanga ng lalaking 'to muka naman espasol napakaputi, pasalamat siya at nagpapakabait ako. Kasi kung hindi yung mukha niyang maputi gagawin kong kulay ube! Ito ay kwento ng isang babaeng namumuhay lalaki para makaligtas sa mundong kanyang ginagalawan..

REVIEW:

Mahilig ako sa mga storyang may 'girl pretends boy' na plot. Mahilig din ako sa mga gangster gangster chenes. At mas lalong mahilig 'din ako sa mga storyang pinapasakit ang tiyan ko sa kakatawa. Ang Secrets ay check na check ang tatlong 'yan.

Babaeng nag papanggap na lalaki: Check.

Babaeng astig at magaling makipagbugbugan: Check.

Babaeng nakakatawa ang mga banat: Check.

Meet Joey, ang babaeng nagpapanggap na lalaki na asal kalye na may sidekick na ang ngalan ay Bogart. Dahil sa dalawang yan ay hindi ka talaga titigil sa kakatawa every chapter. Umpisa lang, nahook na ako. Ang astig astiga kaya ni Joey! Kyaaah! <3 Hahaha, dyusko babae 'yan pero kung umjasta dinaig pa ang mga lalaki.

Sa mga hindi pa nababasa ito, well you should. Nakakakilig din ang tambalang Skyzell x Joey noh! At kung hanap niyo 'din ang 'plot twists' sa isang storya, well, this story is perf. Ang saya kayang makidiscover sa mga sikreto ni Joey! One by one, madidiscover mo hanggang sa boom! Kahit alam mo na, magugulat ka parin kapag na reveal na.

The character developments, the journey, the epic humor stunts, the revelations in this story is what you can call AMAZING. Hindi ka talaga mabibigo, swear. Kaya basa na!~ *endorser lang ang peg*

At kay Ate Enjeru, kung mababasa niyo 'to, ang astig niyo po! Bet na bet ko po ang sense of humor niyo which makes the story very enjoyable to read. 1000000000 % thumbs up! Hartharts po sainyo! <3

xoxo, FS

EXTERNAL LINK TO READ Secrets -->

Recommended Wattpad StoriesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant