VIII. The UNFORGERTABLE Dinner

4 0 0
                                    

"Inhale,exhale,inhale,exhale" malakas kong sabi sa harap ng salamin. Tinititigan ko ang repleksyon ko sa salamin. Inayos ko ang mahaba at wavy kong buhok na natural color brown.
Inayos ko din ang kilay ko na pinag-papasalamat ko na nakakorte na ng maayos at hindi ko na kailangan i-drawing at i-groom.


Tinignan ko din ang ilog ko baka may naka-sungaw na buhok,pinindot-pindot ko pa ito baka sakalin' may ita-tangos pa 😂,kahit naman pango,maganda ang ilong ko aristokrata daw tignan. Pinunasan ko ng tissue ang mukha ko para matuyo na ito medyo basa-basa pa kasi.


Sinampal ko ng mahina ang magkabila kong pisngi at kinagat ang labi ko, namumutla kasi ako.
Tinignan ko ulit ang repleksyon ko, SIMPLE yan ang makikita sa salamin.
Isang malakas na "Aja" ang pinakawalan ko bago ako lumabas ng cr at nagulat ako dahil hinihintay pala ako ni Ms. Tapia este ni Manang Tassing.

" Finally,after 48 years"taas kilay nitong sabi sabay talikod sakin. "Hurry up, dont keep the food waiting" pahabol nito.

Agad naman ako tumalima at pagbalik namin sa dining area napansin kong occupied na lahat ng vacant seat kanina. Nakayuko akong naglakad papunta sa tabi ni Papsie at dahil bandang dulo yun nadaanan ko ang mag-kakapatid.

Pagka-upo tsaka ko lang napansin na may dalawang nilalang esteng lalaki ang dumagdag sa table.
At napansin ako ni Tito Miguel kaya naman pinakilala niya ang mga ito.

" Oh! by the way, Miki, these are my brothers, Hunter and Lantis"pakilala ni Tito.
"Hi po" bati ko with matching wave. Pero tinanguan lang nila ako. Yung Hunter makatingin sakin akala mo kriminal ako. " Tusukin ko mata nito ii" wala sa loob na sabi ko.

" You're saying something?" taas kilay niyang tanong. "Ha,ha,ha, wala naman" pag-sisinungaling ko." Gusto ko na sana tusukin yung manok, galing kaming byahe, gutom na ko".

" Naku, pag pasensyahan niyo na tong si Miki, pag gutom kung ano-anu nasasabi" nahihiyang alibi ni Papsi habang pinipisil ang magkabilang balikat ko. " Anak, umayos ka" mahina nitong bulong.

"Kumpleto na tayo, pwede na tayo kumain" masayang wika ni Tita Talya. " Yuki, anak lead the prayer" utos nito. Napatingin ako direksyon ng mata ni Tita Talya. Katapat ko siya sa mesa, at gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Sobrang kahihiyan nararamdaman ko. Sa kakaisip sa kahihiyan ko, tapos na pala siya magdasal at nakatingin sila sakin lahat.

" Miki, hija ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Tita Talya. Para akong natauhan sa tanong ni Tita Talya.

" Ok lang po, sorry" nahihiyang kong sagot." May bigla lang po ako naalala" pasensya na po.

" Hala, sige na kumain na tayo" masayang aya ni Tito Miguel.

" Opo, kain na po tayo, gutom na po talaga ako" masigla kong tugon. Gutom na din kasi talaga ako. At mas lalo akong ginutom sa mga naiisip kong pwede mangyari.

Magana ang lahat sa pagkain. Masayang nag re-reminisce sila Papsie sa mga nakaraan nila at kahit ang mga anak at kapatid nito masayang nakikisali sa usapan. Si Hunter pala yung tinulungan ni Papsie. Na-kwento kasi lahat ni Papsie sakin ang talambuhay niya kaya familiar na ako. Si Hunter din yung makatingin akala mo kriminal ako.

" Miki, same school and year pala kayo ni Yuki, pwede kayo magsabay na pumasok" si Tito Miguel habang nagsasalin ng wine sa kopita. Tinignan ko si Papsie, ng wi-wine na din siya.

" Opo" mahina kong sagot. Sana wala na siya follow up question, cross finger kong usal sa isip ko. " Anong section mo?" para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa tanong na yun. At nakita ko siyang ng smirk sa tanong na yun ni Tito Miguel.

" Naku Tito, lower section po ako" awkward kong sagot habang natawa." Aminado po akong mahina sa Academics". Halata sa mukha nila ang pagkabigla sa sinabi ko pero nagiging honest lang naman ako.

" Kaya ba ang from at to mo sa sulat baliktad"? nakakalokong tanong ni Yuki." Im done with my meal. Tito Carding, Tito Greg, nice to meet you po, mauuna na po ako, may exam pa po kasi kami bukas"pagka-bigkas ng mga salitang yun, tinapunan niya ulit ako ng nakaka lokong tingin at lahat ng atensyon nila nasa akin na.

" Anong sulat ang tinutukoy ni Yuki, Miki"? tanong ni Papsie sakin at halatang nagtataka siya.

"Naku Paps, hindi ko alam ang sinasabi niya. May exam nga pala bukas, kailangan ko din mag review, mauuna na din ako, mawalang galang po"iwas ko sa topic ng sulat.

" Yuki, ituro mo sa kanya ang magiging kwarto niya" utos ni Tita Talya." Miki, sundan mo na lang si Yuki, pupuntahan na lang kita mamaya" malambing na baling sakin ni Tita.

" Ok po!" dali-dali akong sumunod kay Yuki. Aba'y ang magaling hindi man lang ako hinintay, nauna na. At dahil nakayuko ako at ngmamadali hindi ko namalayan na may tao sa harap ko, bumanga ako at muntik na matumba buti na lang nakakapit ako or mas magandang sabihin kumapit ako sa sumalo sakin?

" Watch where you going, idiot" iritadong bulong niya sakin. Ang judgemental ko, akala ko iniwan niya ko hindi pala, bumalik siya.




You Changed My LifeWhere stories live. Discover now